CHAPTER 2

1083 Words
Aika Findel is a twenty years old college freshman. She took up Bachelor of Science in Nursing. Mayaman, spoiled, may malaking bahay, at halos nasa kanya na ang lahat dahil sa kagandahan rin niyang taglay. But it isn't enough to satisfy her and make her happy. Her life is a total mess. Nasa hospital ang daddy niya na nakaratay sa sakit na cancer. Her Mom also tagged her as a failure dahil sa hindi na naman siya naging top student sa paaralang pinapasukan last semester—ang Delmoure University. Isang school para sa mayayaman. She's stuck between making her Mom proud and taking care of his dying father. Ang Daddy niya na siyang nag-iisang nakakaintindi at nakakaunawa sa kanya. Ang Daddy niya na siyang karamay niya sa lahat ng bagay at kaisa-isang taong nagtatanggol sa kanya. Sa sobrang pagka-strikta ng Mommy ni Aika, napilitan ang dalaga na mas lalong maging sakit ng ulo rito. She smokes, she goes clubbing, get waisted over alcoholic drinks as her grades drop last semester. Her Mom became more furious about it. Masyadong mataas ang expectation niya sa anak niya at ang laging pagiging second from the top ni Aika ay halos ikabaliw nito. She puts too much pressure and burden which Aika can't even handle. "Ginabi ka na naman?! Where the hell did you come from?! I told you to study, Aika! Ano na?! Gusto mo bang maging nasa laylayan?!" Bungad ng mommy ni Aika sa kanya, pagpasok niya pa lang ng pintuan ng mansion nila. She acted as if she heard nothing. Lasing siya. Pagkatapos niyang bisitahin sa ospital ang ama niya at makatagpo si Mikael sa rooftop ay mas lalo siyang tinulak ng sarili niya para maglasing. "Goodness! You're even drunk! Saan mo ba nakukuha ang ganyang lakas ng loob, Aika?! Hindi ka ba naaawa sa 'kin?! Sa amin ng Daddy mo?!" Napatigil si Aika nang marinig ang salitang ‘daddy’ sa mismong bibig ng mommy niya. She smirked like a creep. "Why, Mom? Naawa ka rin ba sa 'kin?" Nanlalaki ang mata ng Mommy niya sa panggagalaiti pero halos malusaw iyon sa ibinatong tanong ni Aika sa kanya. "W-What?" nauutal nitong sagot sa kanya. Tumikhim lang si Aika and left her Mom hanging there. She doesn't want to argue with her this time. Wala itong saysay para sa kanya. Ayaw niyang sayangin ang katiting niyang oras. She took a shower before going to bed. Ni-blower niya ang kanyang buhok bago dumapa sa kulay purple niyang kama. Purple is her favorite color. Stress reliever niya kahit papaano ang pangongolekta ng kahit na ano basta kulay purple. A memory of the guy earlier flashed into her mind. "Pogi siya, hindi na masama. Pero, pakielamero," sabi ni Aika sa sarili. Umiling-iling siya sa kawalan. Ano nga ba ang wish niya na 'yon? Sana humaba pa ang buhay niya? Bakit? Mamamatay na ba siya? Ito ang mga tanong na tumatakbo sa isipan ni Aika. Pero wala siyang oras para isipan pa ang lalaking 'yon. Para sa kanya, isa lang itong walang kuwentang tao na dumaan lang para pangaralan siya sa buhay na hindi naman nito naranasan. Ang sabi nga sa kasabihan, you can't feel and understand someone unless you you are in their shoes. The day after, bago pumasok sa school ay sumaglit muna si Aika sa daddy niya na nakataray sa hospital. She bought him tulips. Kalalaking tao ng daddy niya but he admires flowers so much specifically tulips. Para sa kanya, her daughter Aika is like a tulip which symbolizes deep love. Just like his love for Aika. He loves her only daughter that much at ayaw na ayaw pa niyang lisanin ang mundo dahil gusto pa niyang makasama ang unica hija niya ng matagal. Sa pagmamadali ni Aika, he bumped into someone dahilan para matapon ang mga bulaklak at mawala ito sa ayos. Hinarap niya ang lalaking nakabangga sa kanya while raising her eyebrows. "Hey!!" sigaw niya. "Sorry, Miss. Hindi ko sinasad—" Hindi pa man nito natapos ang sasabihin nang magsalita ulit si Aika. "Ikaw?!" histerikal nitong sabi. "Ikaw?" sagot rin ng lalaki. It was Mikael. The guy he met last night at the hospital's roof top. Kaka-discharge lang niya at sa kakalinga-linga niya sa paligid sa paghanap sa Mama niya ay nabunggo niya tuloy si Aika. "Tulungan na kita!" ani Mikael sabay pulot ng nagkandahulog na bulaklak. "Hindi na! Sinira mo na!" sigaw ni Aika. "I'm sorry, hinahanap ko kasi si Mama kaya hindi ako nakatingin sa daan. I can help you arrange the flowers if you like." Suhestyon ni Mikael. "Just leave. Kaya ko na." Aika tried to arrange it again pero hindi na ito kasing ganda ng nauna. Natawa si Mikael sa itsura nito. She's literally pissed now. Nagmamadali pa naman siya. "Ako na sabi." Inagaw ni Mikael ang bulaklak. Tumabi muna sila ng konti nang hindi sila makasagabal sa daan. He tried his best para ma-arrange iyon nang maganda at maayos. "I have two younger siblings and they're all girls, so I learned to arrange flowers to make them happy. Kahit pa gumamela lang 'yan sa tabi-tabi," nakangiting pagkakasabi ni Mikael. Aika can't help but stare at him while he's arranging the flowers. Napaka-peaceful mg mukha ni Mikael. Para nitong kinakalma ang namumuong sama ng panahon sa puso ni Aika. But she shrugged her head para kontrahin ang isip niya. "Ayan, ayos na." Inilahad ni Mikael ang bulaklak kay Aika. Mabilis iyong kinuha ng dalaga at tinalikuran siya without saying a word. "Wala man lang bang thank you diyan?" tanong ni Mikael. Nilingon siya ni Aika saka sinalubong ng matatalim na titig ang mga mata nito. "Thanks," tipid niyang sagot bago tuluyang naglakad papasok ng hospital. Natawa si Mikael sa kanyang isipan. Ngayon lang siya nakatagpo ng gano'n kasupladang babae. Attitude at her finest ang ipinakita nito sa kanya. Napaisip tuloy siya kung ano ang pinagdadaanan ng dalaga for her to wish like that last night. "Ang ganda niya, pero mukhang nilihi sa sama ng loob," ani Mikael sa sarili. "Anak!" tawag ni Aling Tere sa kanya mula sa malayo. Nakahinga ng maluwag ang binata. "Ma! Kanina pa kita hinahanap. Bakit ba nauna kang lumabas?" "Sorry, anak. Binilhan kita ng lomi doon sa Sita's Refreshment. Para naman may makain ka pag-uwi," sagot ni Aling Tere. He can't help but love his Mom more and more everyday. Hindi alam ng ibang tao kung gaano siya kaswerte sa nanay niya at gagawin niya ang lahat para mapanatiling buo ang pamilya nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD