Bangag na pumasok sa Delmoure University si Aika. May long quiz pa man din sila ngayon sa Socio-Anthropology na subject with their terror teacher. Aika really wanted to be at the top, iyon nga lang, hindi siya masyadong nakaka-focus dahil madalas siya kung dumalaw sa Daddy niya at masyado siyang nag-aalala rito. She always want to stick by his side in the remaining days of his life and that fact alone causes her stress lalo pa kapag dumagdag ang bunganga ng Mommy niya na walang ibang ginawa kundi ang i-pressure siya at ikumpara sa Ate niya.
"Huy, Aika, okay ka lang ba?" It's Trayvon.
Parehas na kurso kay Aika ng kinuha nito dahil ayaw niyang mawala ito sa paningin niya at kahit na alam naman niyang wala siyang pag-asa kay Aika. But even though, he is really persistent to win her no matter what is takes.
"Ano ba, Trayvon. H'wag mo nga akong kinakausap. Wala ako sa mood. Hindi ako nakapag-review kagabi." Pagsusungit ni Aika.
Isinubsob niya ang ulo niya sa desk.
"Don't worry, Aika. I spent the whole night studying so you don't have to worry about anything for our long quiz today. I got you, my lady," he said and then winked at her.
Nagsitayuan lahat ng balahibo ni Aika saka naiangat ang ulo niya.
"Goosebumps," maikli niyang sagot. "Hindi na kailangan, Tray. I can do it on my own."
Nagsalubong ang mga kilay ni Tray.
"Can you ace this long quiz? If you can, then I'll leave you in peace the whole day. Deal?" ani Tray pa.
Aika raised an eyebrow.
"Just a day? Why not a week? Nang matahimik naman ang buhay ko sa kadaldalan mo. Alam mo, isa ka pa, e. Isa ka pa sa mga rason kung bakit hindi ako makapag-concentrate sa klase. Hay!"
"Kaya nga gusto kitang pakopyahin nang makabawi na ako sa 'yo. Ano? Ayaw mo? Sige, basta, siguraduhin mo lang na matatalo mo ako sa quiz na ito dahil kapag hindi, hindi kita lulubayan ng isang linggo." Paghahamon nito.
Kahit saan naman sa dalawa, wala pa rin naman siyang choice. Even her Mom wants Trayvon for her. Sino nga naman ang aayaw kay Trayvon? Guwapo na, matalino pa, plus mayaman, at pantasya ng mga kababaihan. Sadyang hindi lang siya ang tipo ni Aika.
"Deal." Nag hand shake pa ang dalawa sa deal kuno nila.
During the quiz, matatalim ang titig ng propesor nila. Maingat ang lahat. Bawal na bawal humaba ang leeg at tumingin sa papel ng katabi. Pinagpawisan ng malamig si Aika dahil sa items sa long quiz nila na sobrang nahirapan siya. Impit siyang napapikit.
Mukhang mali yata na hinamon ko si Trayvon, ah. Aniya sa sarili habang nag-iisip kung ano ang isasagot.
The clock kept on ticking and it was like a bom for Aika na kapag natapos na, talo na siya sa dami ng niliban niyang blankong items sa papel niya. Mas lalo pa itong na-discourage nang makita niyang ngiting ngiti si Trayvon habang nagsasagot at mukhang sisiw na sisiw lang sa kanya ang exam nila.
Ngumisi sa kanya si Trayvon ng pa-simple. Mahirap na at baka mahuli sila. Bukod kasi sa deal nila ni Trayvon, may isa pa siyang dapat paghandaan. Iyon ay ang sermon ng Mommy niya.
Aika rolled her eyes at him saka pinagpatuloy ang pagsagot kahit wala naman siyang masagot sa totoo lang.
"Pencil's up!" Nagsitaasan silang lahat ng kani-kanilang hawak na lapis sa pagsagot.
Kinabahan agad si Aika na mangitlog ang quiz niya. Wala na, finish na.
"Pass your papers on your center aisle." Utos nito na siyang sinunod nilang lahat.
"Ano? Kamusta ang exam, Aiks? Pawis na pawis ka, ah?" Kantyaw pa sa kanya ni Trayvon..
"Seriously, Trayvon? Kailan mo ba ako lulubayan? Rinding rindi na ang tenga ko sa 'yo, e."
Ngumiti lang si Trayvon sa kanya.
"Kapag nanalo ka, lulubayan kita. Pero kapag hindi, siyempre, alam mo na." He winked.
After the class, hindi na muna inalala ni Aika ang magiging score niya sa Socio-Anthropology na 'yon. Excited na siyang umuwi dahil gusto na niyang madalaw ang Daddy niya sa ospital. She went at the parking lot of the university where she parked her car but she suddenly saw someone very familiar to her kaya medyo binagalan niya ang bawat hakbang niya. If she was not mistaken, this is the same guy noon sa roof top. What is he doing here? Pinagmasdan niyang mabuti ang mukha nito at indi niya napigilang mapatitig dito kasi guwapo naman talaga si Mikael. Mas guwapo pa kay Trayvon. Bigla na lang siyang napaiwas ng tingin nang nahalata ni Mikael na merong nakatitig sa kanya at hindi nga siya nagkamali. Nahuli niya mismo si Aika.
"Hi! Ikaw iyong sa ospital, hindi ba?" nakangiting tanong ni Mikael sa kanya. Kumaway pa ito pero umiwas agad ng tingin si Aika.
"I see, you are snobbing me. It's nice to see you again by the way."
Nalagpasan na nila ang isa't isa. Pero hindi nnapigilan ni Aika na hindi mapahinto.
"What are you doing here?" tanong niya.
Napalingon muli sa kanya si Mikael.
"I thought you are going to ignore me. Nice question. I have some clients to meet here," maagap na sagot ng binata.
Clients? Ano ba siya? Tanong ni Aika sa isipan.
"Clients?" she asked.
O, Aika, akala ko ba you don't talk to strangers? Ikaw ha!
"Yeah. I am offering academic and arts commission and most of my clients study here."
Na-amaze naman doon si Aika. Really? So he's smart and talented then? She said to herself.
Naging interisado tuloy siya. Nakaisip siya ng isang magandang ideya.
If this guy is open for academic commissions, maybe he can help me with my studies and achieve the top spot at the dean's honor list? Aika playfully smiled with that thought. Hindi na masama.
"Can I ask for your digits?" diretsa nitong tanong.
Nagitla naman si Mikael sa agad agad nitong hinihingi.
"M-My digits?" Ulit pa niya. Nabingi yata at hindi agad makapaniwala.
"Yeah, here." She handed him her iphone 12 at nagsimula na ngang i-type ni Mikael ang number niya.
After that, Aika just walked away without even saying thanks. Okay, it's kind of rude, Aika, ha?
"Anong nakain no'n?" Napakamot na lang si Mikael sa ulo niya and decided to just proceed to his main purpose of coming here. "Girls really are unpredictable," he added.