“Ano nga ulit ang pangalan ng ulupong na ‘yon? Mi-Micheal?” Hindi siguradong wika ni Aika sa isipan habang pinaglalaruan ang ball pen niya.
Nasa school park siya ngayon at ine-enjoy ang break time nila. Mamaya kasi ay makikipagbakbakan na naman siya ng patalinuhan sa mga kaklase niyang kalaban niyang makuha ang top spot. Bagay na inaasam asam ng mommy niya para sa kanya. Kaya naman heto siya ngayon, trying her best to make her mom proud. Kulang na nga lang ay mahiga na lang siya sa libro at hindi na matulog kakaaral.
“Huy!” sigaw ni Trayvon mula sa kanyang likuran.
“Ay, pw*t ni Mikael!” Bulalas ni Aika. Agad rin naman siyang napatakip ng bibig nang ma-realize niya kung gaano kabastos ang salitang binitawan niya.
Mabilis na nangunot ang noo ni Trayvon. Mikael? Wala naman silang kaklaseng Mikael. Sa ilang taong pagkakaibigan nila ni Aika, wala naman silang naging kilalang Mikael. Nagduda agad siya sa isipan.
“Who’s Mikael, Aika?” Pag-uusisa ni Trayvon. Baka sa pananalita nito na seryoso siya at umaasa siyang may makukuhang matinong sagot sa kaibigan niya.
Napalunok ng laway niya si Aika. Napakamausisa pa naman nitong si Trayvon. Sigurado, hindi siya nito lulubayan hangga’t hindi siya nagsasabi.
“M-Mikael Daez. Hindi mo ba kilala ‘yon? ‘Yung artista. Tsk. Ang hina mo naman. ‘yan kasi, puro ka video games.” Pagdadahilan pa ng dalaga sabay iwas ng tingin. Ang totoo ay hindi siya puwedeng magsabi kay Trayvon dahil alam niyang makati ang dila nito at baka makarating pa agad sa mommy niya.
“Sinungaling. Gumagalaw iyang ilong mo. I saw it. I know when you are telling the truth, Aika. Who’s that freaking Mikael?”
Hindi na napigilang mapa-cross arms ni Aika saka siya umirap sa kaibigan. Hinila niya ito papalapit sa kanya saka bumulong sa tenga nito. “J-Just a random guy I met at the hospital’s roof top. Just keep your mouth shut, will you?”
Trayvon shivered pero hindi niya pinahalata. Hindi niya akalaing magiging ganon kadikit ang mukha nila ni Aika. Noon pa lang na nagkaroon siya ng muwang sa pag-ibig, kay Aika na talaga nakatuon ang atensyon niya. Although they lived their lives thinking one another as friends at hanggang doon na lang yata ‘yon. Tila lalabas na sa dibdib niya ang puso niyang nagwawala sa lakas ng t***k nito.
Hindi namalayan ng binata na natulala na lamang siya nang bitawan siya ni Aika. “O, anong nangyari sa ‘yo?” Puna sa kanya ni Aika.
Agad siyang napailing-iling. “W-Wala. Ulitin mo nga? ‘Di ko narinig, e.” Pagdadahilan pa nito umaasang magkakalapit muli ang mukha nilang dalawa ni Aika.
“Tse! Diyan ka na nga. Binubwisit mo ako, e. Kita mong nagpapahinga ‘yung tao dito. Nandiyan ka na naman. Kailan mo ba ako lulubayan?”
“Hindi kita lulubayan dahil mas mataas ang score ko sa ‘yo ng one point. Bleh! Oh, ayan, test paper mo. See for yourself.” Sabay abot ni Trayvon ng papers sa kaibigan niya.
Napakagat-labi agad si Aika nang tanggapin iyon. What the hell. Isang puntos lang? Badtrip naman! Agad na bumusangot ang mukha niya. Thinking na isang puntos lang naman ‘yon sana.
“O, nalukot agad ang mukha mo? E, ‘yung top one natin, mas mababa pa score kaysa sa ‘yo.”
“Really?” Tila nabunutan ng tinik si Aika. Hindi naman siya talaga ganito ka-competetive kung di dahil sa mommy niya. Pero ngayon, tila nasa sistema na niya ang pakikipagkumpitensya.
“Tingnan mo ‘to, sabi ko na matutuwa ka, e. Alam mo Aiks, kapag nag-review at nagseryoso na ako sa klase, asahan mo, mas mataas pa grades ko sa ‘yo.” Pagyayabang ni Trayvon.
Actually, matalino naman talagang binata si Trayvon. Hindi nga lang siya masyadong nagfo-focus sa acadmics niya unlike Aika. Isa pa, ayaw na niya itong sapawan. He’s giving way for her beloved friend. Kasi, higit pa doon ang tingin niya kay Aika. He value her like a gem.
Sa kalagitnaan ng pag-aaway nilang dalawa ay biglang tumayo ang isang bulto ng lalaki na pamilyar na pamilyar kay Aika. Agad na namilog ang mga mata niya at napakurap-kurap.
“Puwede bang pakihinaan ang boses niyo? Hindi kasi ako makaidlip, e. I still have three more clients to attend later.” Naalimpungatan pa nitong sabi sa mahinang boses. Tila kagigising lang nito mula sa pag-idlip at mukhang nagising sa bangayan ng dalawa.
Hindi akalain ni Aika na may natutulog sa kabilang bench.
“I-Ikaw na naman?” ani Aika.
Napabuntong-hininga si Mikael. “Sa kasamaang palad, miss.”
Si Trayvon naman ay gulong-gulo at hindi maintindihan ang nangyayari. Magkakilala ba sila? Bakit kung umasta si Aika parang matagal na niyang kilala ang lalaki? Salubong ang kilay niya na nagtanong.
“Who is he? Do you know that man?” tila selosong nobyo kung makapagtanong itong si Trayvon. E, isa namang dakilang etorps. In short, ‘torpe’
Umiwas ng tingin si Aika na tila hindi gustong sagutin ang tanong. “Wala, tara na.” Yaya nito paalis.
Trayvon isn’t convinced yet. Aalis na yata sila pero biglang nagsalita si Mikael na siyang kinatayo ng balahibo ni Aika.
“I’m Mikael. I do academic and arts commission. Baka may gusto kang ipagawa. She got my number.”
Nanigas pa si Aika sa kinatatayuan niya nang marinig niyang lahat ang sinabing iyon ni Mikael. Patay ka ngayon, Aika. Paniguradong mas lalo lang magdududa iyang si Trayvon.
Pinanood lang nila na maglaho sa harapan nila si Mikael na mukhang wala nang balak na matulog pa ulit.
“What did that man just say?! Is he out of his mind?” Pikon na sabi nito. Irita siya agad dahil sa mga sinabi ni Mikael ngayon lang. Umuusok na agad ang ilong niya. Well, overly protective lang talaga ito kay Aika.
Hindi nakasagot si Aika. Namutla siya bigla.
At some point ay natigilan pa ulit ang binata. “Wait. . .is he the Mikael you are saying awhile ago?” pagdudua ni Trayvon.
Hindi na naman nakasagot si Aika. Napangiwi na lamang siya. Kainis ka naman, Trayvon, daig mo pa ang imbestigador kung makaimbestiga ka, e. Aniya sa isipan. Hindi na niya alam kung paano ilulusot ito ngayon.
“I presume, silence means yes? So, he was the one you met at the hospital’s rooftop? You are seeing a stranger all along, huh? Ikaw ba ang sinusundan niya rito? Tell me!” Pangungulit ni Tray. He’s acting like a possessive boyfriend.
“Ano ba? Ang dami mo namang tanong, e. Bahala ka na nga diyan.” Sabay talikod nito.
“Ang saya mo rin talagang kausap, ano? Bakit? Tama ba ako? Ikaw pa ang may ganag mag-walk out diyan? E, ikaw nga itong panay kausap sa mga taong ‘di mo kilala. What if your mom finds out?!”
Napahilamos ng mukha niya si Aika. “I am not doing anything wrong, Trayvon. If you want to report to my mom, go! Bahala kayo kung anong gusto niyong isipin. Nakakapagod kayo!” She bursted out and walked out of the school park.
Trayvon had nothing to do but clenched his fist. “What have I done again.” May pagsisisi nitong wika sa sarili habang pinagmamasdan si Aika na nabanas na naman sa kanya. For sure, hindi na naman siya nito kakausapin ng ilang araw.