CHAPTER 5

2015 Words
Aika hates the fact that Mikael is too handsome para makalimutan agad ng isip niya. Sa dami ng mga lalaking nagkakandarapa sa kanya sa university na ‘to, bakit gano’n na lang ang hatak ni Mikael sa kanya?. Sunod-sunod na ang mga hindi sadya nilang pagkikita. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kun destiny ba iyon o sadyang nagkataon lang. What the-- destiny? That’s so cringe. Ani Aika sa isipan habang humihigop ng orange juice niya. She’s alone again. For sure, hindi na siya lalapitan ni Trayvon sa araw na ‘to. Alam kasi ng binata na hindi rin naman siya kakausapin ni Aika lalo na kapag ginagalit niya ito ng husto at napuno ang dalaga. It’s better. He knows her well sabi pa nga niya. Bumaling si Aika sa kabilang direksyon. “Lord, if that man appear again, for sure, this is a sign na magpatulong na ako sa kanya.” She muttered silently. Sapat lang para siya ang makarinig. Masyado pa niyang chine-cherish ang paghigop niya ng juice at halos maibuga niya iyon nang walang anu-anong huminto si Mikael sa harapan niya. Nanlalaki pa ang mga mata niya nang pilitin niyang lunukin ang juice na na-stock sa lalamunan. “Mukhang nagulat kita. I saw you alone. Pwede bang tumabi sa ‘yo? Hinihintay ko kasi dito ang huling client ko, e.” Patay malisya na umiwas ng tingin si Aika. Aba, mukhang nanunuyo na agad ang lalamunan natin Aika, ah? Bakit hindi ka na yata makapagsalita ngayon? “What ever,” tipid na sagot nito. Simpleng natawa lang sa kanya ang binata saka ito nagbukas ng phone niya. Nakaw tingin na sinulyapan ni Aika ang ginagawa nito sa phone at nakita niyang ka-chat ni Mikael ang isang babae na mukhang kliyente niya. Monic? Sinong Monic kaya ‘yan? Tanong ni Aika sa isipan bago sinimulang ubusin ang natitira niyang burger. “By any chance, kilala mo ba itong si Monic Castillo? Nursing student. Kanina ko pa hinihintay, e.” Tila mabilaukan si Aika nang marinig ang pangalan ng kaklase nila. What?? So tama nga ang iniisip niya? It’s her classmate! Si Monic! At siya ang top one nila. Pero bakit? Bakit niya kailangan ng tulong ni Mikael, e matalino na naman siya? “Y-You know her? She’s my classmate.” She sounded surprise. “Really? ‘Yun naman pa la, e. So, hindi na pa la ako mahihirapan.” Napakurap-kurap si Aika. “But she’s our top one. I don’t get it why she’s needing your help?” “Is that so? Well, siguro gusto niyang ma-maintain ang pagiging top one niya? Ewan ko. Basta, kung sino lang ang gustong magpa-commission, tinaatanggap ko lang naman. Income is more important for me than indulging in my client’s personal life. Ayaw kong manghimasok.” Psh. Para-paraan din ‘tong Monic ah? Lumunok ng laway si Aika saka sinikap na tatagan ang loob niya para masabi kay Mikael ng kanina pa bumabagabag sa isip niya. “Refuse her. Tutor me instead.” Napaangat ng kanyang kilay si Mikael. Anong sinasabi ng babaeng ‘to? Okay lang ba siya? “Ano? Hindi ko ‘yan magagawa, Miss. Isa pa, naka-appointment na siya sa ‘kin.” “I’ll pay you double. Just don’t continue with her.” Patay-hiyang offer ni Aika while her cheeks are blushing. Bahala na. Nakakahiya man pero kailangan niya itong gawin. She needs to steal the spot from Monic. “B-But why?” naguguluhang tanong ni Mikael. He don’t get it. Hindi niya lubos maisip kung anong dahilan ni Aika para kumbinsihin siya ng ganito. Lalo pa at nagbubulongan silang dalawa na ani mo ay may hidden agenda. “Can we talk somewhere private? Not here,” simpleng wika ni Aika saka niya pinaghihila si Mikael palabas ng cafeteria. She almost dragged him to the parking lot kung saan naka-park ang kotse niya. “T-Teka, sandali, Miss. Ano bang ginagawa mo? Saan mo ako dadalhin? This is kidnapping!” Napataas ng kilay niya si Aika. “Stop assuming. Puwede bang sumakay ka na lang?” Napilitan tuloy na sumakay si Mikael. Iniisip niya na masyadong paladesisyon si Aika. Hindi na nga bale. Wala naman sigurong mangyayaring masama sa kanya ‘di ba? “Monic is the top of the class.” Bungad agad ni Aika nang makasakay na silang dalawa ni Mikael sa loob ng sasakyan. Nagtaka si Mikael at agad na napaisip. “Really?” “And we ‘re classmates.” “And you are behind her, tama ba ako?” “I always place second, Mikael.” Tumango-tango si Mikael na mukhang naliliwanagan na at unti-unti nang naiintindihan ang mga nangyayari. “It’s getting clearer for me now.” “Matalino ka naman kaya alam kong naiintindihan mo.” “It doesn’t mean that I will agree with your condition.” “What?” “You’re on the second spot. I’m sure you can ace that. You just need a little push.” Halos bumagsak ang balikat ni Aika. Si Mikael na lang kasi talaga ang nakikita niyang pag-asa para maungusan niya sa pagkakataong ito si Monic. Nang magkaroon naman siya ng mapapatunayan sa Mommy niya. Nang maging proud naman ito sa kanya kahit paano. “Please, help me, Mikael.” Pagpapaawa effect ni Aika. Inilapit niya pa ang mukha niya sa binata. Nandidiri na siya sa sarili niya sa kajejehan niyang ito pero baka naman umepekto ‘di ba? Baka madala sa charms niya si Mikael. Iyon ang nasa isip niya kaya siya nagpapa-cute ngayon. “D-Don’t come any closer.” Pagbabanta ni Mikael. His heart is starting to beat fast. His condition is triggering again. “At bakit naman hindi? Ha, Mikael? Sige na naman. Refuse Monic. Ako na lang ang I-tutor mo, o. Pretty please?” hindi na nga alam ni Aika kung tama ba tong pinaggagagawa niya. This is really not so her. Pero kung ito ang kailangan, handa siyang tiisin. Sa sobrang lapit ng mga mukha nila ay ramdam ng binata ang init ng hininga ni Aika. Nag-iinit na ang mukha niya. He was about to utter a word but then again. . .everything turned black. “Mikael? Huy! Anong nangyari sa ‘yo? Bakit ka nahimatay?!” natataranta at sunod-sunod na tanong nito habang tinatapik-tapik ang balikat ng binata. ** Hindi alam ni Aika ang gagawin. Hanggang ngayon, shocked pa rin siya sa nangyayari. She brought Mikael to the school’s clinic dahil sa taranta niya. Hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya na magising ang binata. Geez. It’s already past 6PM. Siguradong hinahanap na siya ng mommy niya. Malalagot na naman siya nito sa pag-uwi. Nang matapos I-check ng nurse si Mikael ay agad na tumayo si Aika. “Ano pong possible cause ng pagkahimatay niya, Miss?” “He just had palpitation, Miss. Magigising rin siya maya-maya. Oh, gising na nga pala, e.” Sabay tingin nito kay Mikael na nakahaya sa bed sa loob ng clinic. Palpitate? Ba’t naman siya nagpalpitate? Nilapit ko lang naman ang mukha ko ah? Ganon na lang ba ang kaba niya? Baka naman nagandahan lang siya sa ‘kin? Hmp! Mangilan-ngilan sa mga bagay na naglalaro sa isipan ni Aika. “Good thing you’re awake! Ano, papayag ka na ba sa sinabi ko? Bilisan mo na. It’s getting late. Lagot na ako kay mommy.” Sunod-sunod at walang atubili na ani Aika. Napangiwi naman agad si Mikael. “Hindi mo man lang ba tatanungin kung okay lang ako? At talagang gusto mo nang umuwi?” Umirap si Aika. Yeah, she’s a bit rude sometimes or shall we say, most of the time? “Okay, then. Sorry na puwede? Ano? Papayag ka ba o hindi?” tila apurado pa nitong tanong. Napa-tch na lang si Mikael. This girl is really unbelieveable. Aniya sa isipan. “Oo na. Sige na,” napipilitang sagot nito na tila wala nang magawa sa kakulitan ni Aika. Hindi na rin naman masama at doble naman ang bayad kaya papatusin na niya. Isa pa, kailangan niya rin naman iyon para sa mga gamot niya at nang may maiabot naman siya sa mama niya. Trabaho rin naman ito. “That’s great! I’ll see you around. Bye!” iyon lang ang tanging nasabi ng dalaga saka niya mabilis na hinablot ang bag niya at mala flash na lumabas. Napapabuntong-hininga na lamang si Mikael. He had no other choice kundi kumayod. Gabi na rin. Baka hinahanap na rin siya ng mama niya. Nang medyo um-okay ang pakiramdam niya ay tumayo na rin siya para umuwi. Isang buong araw rin siyang nasa university na ‘to. Minsan na rin niyang pinangarap na mag-aral dito. Hindi na siguro bale. Ang mahalaga kahit papaano ay nakaapak siya sa isa sa mga prestihiyosong unibersidad sa Pilipinas. Saktong makaapak ang paa niya sa labas ng clinic ay bumuhos ang malakas na ulan. Napailing-iling agad si Mikael. “Badtrip. Ang malas ko naman.” Napakamot pa ito ng ulo. “Bahala na,” wika niya sa isipan saka niya sinimulang takbuhin papalabas ng gate ng university kahit na malakas at mukhang walang pagtila ang ulan. Buhos kung buhos. Bawal sa kanya ang magpagod pero heto siya ngayon. He’s soaking wet under the pouring rain. Hindi niya maipaliwanag pero kasing bigat ng dinadala ng ulap ang nararamdaman niya sa gabing ito. His life is a misery because of his condition. He just can’t live a normal life. Naramdaman na lamang niya ang pagtagas ng mainit na likido mula sa kanyang mga mata. He’s crying. Lalaki siya pero hindi naman siguro iyon kabawasan sa kanya. They also cry. Kahit na hindi nila sabihin. “Para ‘to kay mama at sa mga kapatid ko,” aniya sa sarili. Tumigil siya sa ilalim ng isang puno ng mangga para sumilong. Nababasa pa rin siya pero mas okay na rin ito. At least, nakasilong na siya ngayon. Ang kailangan na lang niya ay ang magbantay ng masasakyan. Ilang minuto na siyang nakatayo pero wala pa ring nagpapasakay sa kanya. Halos lahat nang dumaraan ay puno na, o ‘di kaya ay hindi for hire. Napabitaw na lamang siya ng malalim na buntong-hininga. “Sa tingin ko, kailangan ko nang simulang maglakad.” He started walking kahit na umuulan pa rin. Hindi talaga magandang ideya na hindi siya nagdala ng payong. Sinabihan pa man din siya ng mama niya. But suddenly he heard a car beeping behind him that made him stop. Nangunot ang noo niya mula sa nakakasilaw na liwanag mula sa likod nito. “Hop in.” Malamig na wika ng isang pamilyar na boses. Kailangan pang pasingkitin ni Mikael ang mga mata niya para lubos niyang maaninag ang mukha nong may ari ng kotse. Baka kasi nabibingi lang siya na boses ni Aika ang naririnig niya. Is it really her? “A-Aika? Ikaw ba ‘yan?” may pag-aalangang tanong nito na halatang hindi sigurado. “Sino pa nga ba? Ano? Sasakay ka o tutunganga na lang?” At dahil don ay nagmadali naman tuloy si Mikael na sumakay ng kotse. “My gosh, basang-basa ka!” “Iniwan mo kasi ako, e.” Aika raised an eyebrow. “That’s why I came back.” Hindi makapaniwala si Mikael. Really? Binalikan niya ako? “B-Binalikan mo ako?” “Duh, yeah? Sino na lang ang magtuturo sa ‘kin kapag nagkasakit ka? Kailangan pa kita. Saka, kawawa ka naman, e.” Bigla na lang nakaramdam ng inis si Mikael sa sinabi nito. He hates it when people tell him that. Na nakakaawa siya. Na kawawa siya. It doesn’t help him at all. “Hindi ako kawawa. Don’t ever say that again.” pagdidiin nito habang nakatiim ang kanyang bagang. Nagitla naman si Aika sa biglaang pagbabago ng tono ng pananalita nito kaya natahimik na lang siya at pasimpleng tinitingnan-tingnan si Mikael mula sa side mirror ng kotse. Nagpapakahirap pa ang lalaking ‘to e puwede niya namang gamitin ang mukha niya para kumita ng pera. He can be a model with his looks. Hay, napakahinang nilalang! Aniya sa isipan saka niya ipinagpatuloy na lamang ang pagmamaneho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD