CHAPTER 6

1681 Words
“AIKA! You are late again!” Bungad na sigaw ng mommy ng dalaga sa kanya. Mariing napapikit si Aika. Kung hindi niya hinatid si Mikael, ‘di sana mas maaga siyang nakauwi. How will she explain it to her mom now? Na may hinatid pa siyang lalaki? Maghihisterikal ang mommy niya kapag nagkataong sinabi niya iyon. “Mom, alam mo naman na maulan. May ginawa pa akong school project.” Naningkit lalo ang mga mata ng mommy niya. She doesn’t easily believe to everything that Aika says. Minsan kasi ay gumagawa lang ito ng kwento para pagtakpan ang totoong dahilan. Kilalang-kilala niya ang anak niya. Iiwas na sana si Aika para umakyat sa kuwarto niya pero hinigit ng mommy niya ang braso niya para mapaharap siya rito. Nakita niya kung gaano ang pag-alab ng apoy sa mga mata nito. “How dare you na talikuran lang ako? We’re not done talking, Aika! I called Trayvon he doesn’t know where the hell you were! Did you two fight again? Inaway mo na naman ba siya para walang magbantay sa ‘yo at magawa mo lahat ng kagalgalan mo, ha?” Nangilid na nang tuluyan ang mga luha sa mga mata ni Aika. Hindi niya maatim pakinggan kung gaano kasakit magsalita ang mommy niya. “Ni minsan ba nagtiwala rin kayo sa ‘kin, Mom? Don’t you trust me enough to believe in every single word that I say?” “Because you are not giving me the reason to be proud of you enough to believe in you!” Hindi napigilan ni Aika na sarkastikong tumawa. Mas lalo lang iyong ikinainit ng ulo ng mommy niya. “How dare you insult me that way?” “You know what hurts, mom? Hindi mo makita na sinusubukan ko! That I am trying my best to be enough for you! To make you proud!” “Then, top the class. That’s the only way you can make me proud.” ** PAGOD na lang na ibinagsak ni Aika ang kanyang katawan sa kama. Pagod na pagod siya kaiiyak. Hindi na niya alam ang gagawin. Hindi na niya alam kung paano niyang mapapaamo ang nanay niya. Mikael is her only hope at mabuti na lang talaga napapayag niya ito. Speaking of Mikael, tama. Dapat niya itong tawagan na ngayon. Matapos niya kasi itong ihatid kanina ay hindi na siya nakapag-goodbye pa dahil pinaharurot na niya kaagad ang kotse. She dialed Mikael’s number. Sa unang pag-ring ay agad na sinagot iyon ng binata. Bilis niya namang sagutin? Is he waiting for my call? Tanong ni Aika sa isipan habang nakatihaya sa queen sized bed niya. Ang assuming mo sa part na ‘yan, Aika. “hi!” masigla nitong bati na ani mo’y walang bigat na nararamdaman sa dibdib matapos masermonan ng mommy niya for the nth time. Hindi na kasi niya mabilang. Mula pa noon. Pakiramdam niya, kailangan niya pang pagsumikapan ang lahat bago ituring na anak ng mommy niya. “Hello? Sino ‘to?” Ang kaninang nakangiting mukha ni Aika ay napalitan ng pagkabusangot. “The nerve. Have you already forgotten my voice?” “I see. Ikaw pa la ‘yan, Aika. Nakalimutan ko boses mo, pero nung nagtaray ka na, naalala ko bigla.” supalpal ni Mikael sa kanya as he chuckled. “Nakakatawa ba ‘yon? Ano? Kailan ba tayo magsisimula? Gusto ko na sa lalong madaling panahon na. Ako na ang bahala sa lugar, sa snacks, at fair mo. Doble na rin ang ibabayad ko sa ‘yo. Basta, umpishan na natin sa lalong madaling panahon dahil bored na ako.” “Sa tingin ko masyado kang nagiging demanding.” “sa tingin ko, dapat lang ‘yon cause I am paying for the price.” Napabuga ng hangin si Mikael. This girl is really testing his patience. Masyado itong makulit at mataray. Paladesisyon rin sa buhay. “i’m not so well now. Kailangan ko lang magpahinga ng mga dalawang araw. After that, i can make a schedule for you. We can meet up during those times. Also, I-send mo rin sa ‘kin ang sched mo nang malaman ko kung ano ang available time mo. Maliwanag ba, Miss?” Umirap sa kahanginan si Aika. Ano ba naman ‘yan, kung saan naman nagmamadali ako, e. aniya sa isipan. But she had nothing to do with it. She needs to also adjust. Hindi na nga bale. Buti na lang talaga pogi siya, kung hindi . . .hmp! “Fine, fine. As if may magagawa ako. Bye.” she hanged up. Yup. Ganon ganon lang. Well, as for Aika. She’s not interested in men at her state now. Kahit pa guwapo pa iyan, mayaman, matalino. She care less. Ang nasa isip niya kasi ngayon ay kung paano niyang makukuha ang loob ng mommy niya. At isa pa na bumabagabag sa kanya ay ang daddy niya na may cancer. Wala pa syang panahon para isipin ang mga lalaki. Masisira lang ang mga plano niya sa buhay kapag iyan ang inuna niya. That’s what she’s thinking. Kaya ganon na lang ang sikap niya na mapa-impress ang mommy niya. Matutulog na sana si Aika para maaga siyang makarating sa university bukas nang bigla siyang mapatayo sa sunod sunod na katok mula sa pintuan ng kuwarto niya. “Ma’am, si Sir Von po. Nandito at hinahanap kayo.” She just tsked. What is he doing here at this hour? Matapos niya akong ilaglag kay mommy? “Hayaan mo siyang manigas diyan, Yaya.” “Papasukin ko ho ba?” “No--” Hindi pa man siya natatapos sa sasabihin ay walang pakundangan nang pumasok ang binata sa silid niya. Sinuri niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Tumigil ang mga mata niya sa kamay nito na may hawak na chocolates. Here he is again. Bribing me with his sweets. “Aika, sorry na.” Paghingi nito ng tawad. Nakanguso pa ang loko at nagpapaawa. “Sino ba nagsabi sa ‘yo na pumasok ka rito? At ano yang dala mo? Akala mo madadala mo ako diyan, ano?” “i am here to say sorry, okay? Tanggapin mo na. Matitiis mo ba ako? You have me only. Wala ka namang ibang kaibigan sa school maliban sa ‘kin na best friend mo.” “Poon wala. Ngayon, mayroon na.” Pagmamayabang ng dalaga habang naka-cross arms pa. Nagsalubong muli ang mga kilay ni Trayvon. “sino? Iyong Mikael na ‘yon? E ni hindi nga ‘yon nag-aaral. Halatang outsider. Alam mo ba kung sa anong pamilya iyon galing? May business rin ba ang pamilya nila? Kilala rin ba ang angkan nila tulad natin?” sunod-sunod na tanong ni Mikael that as if it is the only basis of friendship. ”Ba’t ba ang dami mong tanonng? Do I still need to answer those? Wala. Isa lang siyang simpleng lalaki. May simpleng buhay. Ano masaya ka na ba?” ”Aika, kilala mo ang mommy mo. Ayaw niyang makipagkaibigan ka sa kung sino-sino lang--” ”I don’t care! Hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin. Ikaw lang naman lagi ang nagpapahamak sa ‘kin.” “That’s not true!” mariing pagprotesta ng binata. “You don’t know how much I am trying to defend you always pero ang mommy mo talaga, daig pa ang SOCO kung mag-imbestiga, e.” “What ever. Lumabas ka na nga. Iwan mo na iyang chocolates kung talagang sincere ang sorry mo. Then, get the hell out of here.” “You’re so stubbon, Aika.” “You’re so annoying, Trayvon.” She stated with a fake smile. “Fine. I’m leaving. But once you ate these chocolates, then, bati na tayo.” Malapad ang ngisi ni Aika nang makaalis ang kaibigan niya. “Hay nako, Trayvon. Hindi mo talaga ako kayang tiisin kahit kailan, ano?” aniya sa sarili habang nilalantakan ang chocolates na bigay ng binata. He’s just in time. Kailangang-kailangan ko talaga ngayon ng pangp uplift ng spirit ko. I am really down lately at isa pa, nasermonan na naman ako. Aniya pa sa isipan habang kinakain ang tsokolate. Ewan niya ba, si Mikael ang nasa isipan niya. Hindi niya pa ito lubos na kilala pero mukhang interisado siyang malaman ang estado ng buhay nito. Gusto nya pa itong makilala. “Ang babaeng ‘yon talaga.” Wika ni Mikael sa kahanginan saka siya tumingala sa kisame ng bahay nila. May kalakihan naman ang tinitirhan nila dahil ancestral house ito ng mama niya. Kaso nga lang, may kalumaan na. Napansin niyang tumutulo ang tubig ulan sa loob ng bahay at tumagos na sa kisame nilang butas. Sobrang lakas ba naman ng ulan at tila hindi na titila. Mahirap ang buhay kaya kailangan niyang magsumikap para may marating at mapatunayan sa sarili niya. Siya pa man din ang kaisa-isang lalaki na inaasahan ng pamilya niya. Hindi siya puwedeng mawala. Hindi siya puwedeng hihina-hina. “Kuya, sino iyong kausap mo? Babae ‘yon, ah. Ikaw ha?”may halong pang-aasar na tanong ng isa sa kambal niyang kapatid. Si Mikki. Bata pa talaga ang mga ito at hindi paa nauunawaan ang mga bagay bagay. Masyado pa silang bata para doon. “Ano ka ba, Mikki. Kliyente lang iyon ni Kuya. Hindi pa ako pwedeng magka-girlfriend dahil inuuna ko kayo ni Mikka. Gusto niyo ba na magkaroon ng kahati sa ‘kin?” Umiling-iling agad ang kambal. “Syempre, ayaw, Kuya. Kailan ba kasi tayo yayaman? Para puwede ka na mag-girlfriend. Para may magpapasaya na rin sa ‘yo.” nakabusangot na sagot naman ni Mikka. Ginulo ng binata ang buhok ng mga kapatid niya. Tabi talaga ang mga itong matulog sa kanya. “Masyado pa kayong bata para malaman ang mga ganyan. H’wag kayong mag-alala. Magwo-work ng mabuti si Kuya para kapag mayaman na tayo, hindi na tutulo ang bubong natin.” Life is a mode of survival. Hindi alam ni Mikael kung hanggang kailan niya kakayanin, pero dahil sa pamilya niya, mas lalo lang siyang nagkaroon ng rason para magpatuloy at mangarap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD