“I need to go early nang hindi na ako maabutan ni Trayvon,” wika ni Aika habang nagfa-final touch ng light make-up niya sa salamin.
Hindi pa kasi nito alam ang tungkol sa pagpapa-tutor niya kay Mikael. Sigurado, uusok na naman ang ilong non. She needs to find a perfect timing to tell him everything nang hindi malaman ng mommy niya.
“Aika ano ba? Trayvon has been waiting outside kanina pa. May balak ka pa bang pumasok?” sigaw ng mommy niya sa labas ng kanyang kwarto.
Agad na bumagsak ang dalawang balikat niya. What? He’s already here? Badtrip naman! Banas na wika niya sa isipan saka siya padabog na pinagbuksan ng pintuan ang mommy niya.
“Sino ba naman kasi ang nagsabi sa kanya na hintayin niya ako? I didn’t tell him na magsasabay kami.” pagsusuplada nito.
“What’s with that attitude? Nag-away na naman ba kayo? Tsk. You’re lucky you have a friend like him, Aika. Kung hindi dahil sa kanya--”
“kung hindi dahil sa kanya, wala kang mata sa loob ng school, ‘di ba? You’re the one who’s lucky, Mom. Not me.” Supalpal pa nito sabay walk out.
Kung may minana man siguro siya sa mommy niya, bukod sa ganda ay ang kasupladahan nito.
“Aika! You brat!” nanggagalaiting sigaw ng mommy niya habang pinagmamasdan siyan naglalakad palayo. Gigil na gigil ito pero wala na itong magawa dahil mabilis na nag-walk out ang dalaga.
“What are you trying to do, Trayvon?” Bungad nito pagkababa niya ng hagdan.
Nakita niya kasi agad ang binata na nakaupo sa sala. May bag sa likod. Trayvon looks like a celebrity hunk. Sobrang guwapo rin talaga nito. Pero ewan ba ni Aika. Never siya nagkaroon ng kahit katiting na pagtingin diyan sa best friend niya.
“Trying to pick you up, buttercup?” swabe nitong sagot. He’s emphasizing his masculine voice na talaga namang lakas makaguwapo. Pero walang talab kay Aika.
“wala ako sa mood para sumakay sa kotse mo, okay?”
“We’ll take a cab, then. I just need to make sure na sa school ka pupunta at hindi kaa makikipagkita doon sa Mikael--”
Pinandilatan siya ng mga mata ni Aika sa takot nito na baka marinig iyon ng mommy niya. Masyado pa namang makilatis iyon. She ‘s making sure na lahat ng magiging kakilala o kaibigan ni Aika ay mula sa marangyang pamilya tulad nila. Hindi siya basta-basta papayag na hayaan na lang si Aika na makipagkaibigan sa kung sino-sino.
“Shut the f*ck up, Trayvon!!” nanggigigil nitong saway sa kaibigan matapos niyang takpan ang bibig nito.
“Ano? Papahatid ka ba o--”
“Fine! Sige na sige na!” naapipilitan na sagot ni Aika saka siya padabog na lumabas ng mansiyon.
Nakangising umiling-iling si Trayvon habang papalabas sila. Pinagbuksan niya si Aika ng pintuan papasok sa kotse pero imbes na magpasalamat aay tinarayan pa siya nito.
Napakasuplada mo talaga. Wika ng binata sa isipan. Hindi na niya iyon dapat ang sabihin dahil ayaw na niyang dagdagan pa ang init ng ulo sa kanya ni Aika. He’s only doing this out of his concern and love for Aika. Kung hindi mahalaga sa kanya ang dalaga, hindi naman siya mag-e-effort na manuyo ng ganito. He just love her so dearly. Hindi niya hahayaang may makalapit na iba sa kaibigan niya lalo na ngayon that she has a new friend at lalaki pa. Isang malaking threat sa kanya si Mikael.
Tahimik lang sila on their way to the University. Hindi iniimik ng dalaga si Trayvon. Alam na niya iyon.
“Tahimik ka masyado. Siguro, kinain mo ‘yung chocolates kagabi ‘no?”
“Ano naman ngayon? You gave it to me so I did eat those. Unless it has a poison?” may pagdudua nitong tanong sa pataray na tono.
Napahalakhak ng mahina si Trayvon. “There’s no poison rather potion.”
Nangunot ang noo ni Aika. “Potion? What potion are you talking about?” tanong nito.
“Love potion.” Pagbibiro pa ni Trayvon.
Isang malakas na batok tuloy ang natanggap niya kay Aika. “Bwiset ka.”
“Bakit ba high blood ka lagi? Ikaw lang ang laging galit na laging maganda sa paningin ko, e. the more na sinusungitan mo ako, mas lalo lang kitang kukulitin. Alam mo ba ‘yon?”
“Wala bang araw na hindi ka nagsasalita? Naririndi na ako sa bunganga mo, e. Ha? Puwede ba manahimik ka muna?”
“Okay. But I still need to follow you around. Baka may umali-aligid na naman sa ‘yong ulupong.”
Aika’s totally doomed now. How will she be able to explain everything to Tray if she’s being this mean to him?
“Are you referring to Mikael?”
“Who else would it be? Unless may iba ka pang kinikita bukod sa kanya?” he asked intriguingly.
“Do you really think I’m that kind of girl who flirts? Tsk.”
“So why is he really a big deal to you?”
Humugot ng malalim na buntong-hininga si Aika. “Because he will officially be my tutor from now on.” Prangkaa nitong sinabi sabay iwas ng tingin. She’s only waiting for Trayvon to become hysterical.
“You don’t need a tutor, Aika! Stop lying! Baka naman nanliligaw na sa ‘yo ‘yon at pinagtatakpan mo lang?!” doon na mas lalong nag-init ang ulo ni Trayvon. Just as Aika expects.
“Mukha ba akong sinungaling?! Tray, I’m helpless! Kahit anong gawin ko, lagi akong top 2. Mom isn’t that grateful that I am always second! I need to top the class. Naiitindihan mo ba ‘yon?”
“i can help you with that! You don’t have to be with that man. Ngayon mo nga lang iyon nakilala. Sigurado ka bang matutulungan ka niya? E mukha nga iyong hindi nag-aaral. Nababaliw ka na. You need a professional if that’s really what you want!”
Napakamot ng ulo si Aika. “I have no time for that, Tray! Ano ka ba? Susubukan ko lang naman, e. And if this works, at magkaroon ako ng improvement, I’ll definitely show you that you’re wrong.” Pagyayabang nito.
Napailing-iling na lang si Trayvon. Matigas ang ulo ni AIka. Alam niyang walang makakapigil dito kapag ginusto niya kaya imbs na kontrahin niya ito, hindi na lang siya umangal pa.
HABANG binabagtas ni Mikael ang kalye papasok sa paaralan ay agad siyang napatigil nang makita niya ang isang matandang lalaki na patawid sa pedestrian. Uugod ugod na ito at wala man lang itong tungkod upang umalalay sa kanya. Sa dami ng mga taong nagsisitawid, wala man lang umakay rito. Napatakbo nang wala sa oras si Mikael. Hindi niya kasi kayang tingnan lang ang matanda nang ganoon habang binubusinahan ng mga sasakyang nababalan sa lakad nito.
“Lolo, tulungan ko na ho kayong tumawid. Daahan-dahan lang po aang bawat hakbang. ‘wag po kayong mag-alala,” mahinahon nitong sabi saka inakay ang matanda patawid.
Nang makatawid na sila ay hindi niya inasahan ang sunod na sinabi sa kanya ng matanda. “Maraming salamat, hijo. Pero h’wag kang mag-alala. Ayos lang ako. Sa makatuwid, hinihintay ko talagang may tumulong sa akin nang mabigyan ko ng pabuya. Iyong may ginintuang puso at karapat-dapat.”
Napanganga si Mikael. Akala niya ay nagbibiro lang aang matanda. “Naku, Lolo. H’wag na po kayong magbigay. Baka wala rin po kayo, e. Ayos lang po ako. Mag-iingat na lang po kayo ha?”
Akmang aalis na sana siya pero biglang nagsalita pa ang matanda. “Sandali. H’wag kang aalis.” Pigil nito.
Ilang saglit pa ay may humintong isang magarang itim na kotse sa kanilang gilid. Napalingon si Mikael sa matanda dahil nakita nitong pinagbuksan ng apat na lalaking nakaitim na suit ng pintuan ang matanda. Labis ang pagtataka sa isipan niya.
“Halika, hijo,” tawag ng matanda sa kanya.
Kahit may pag-aalangan ay lumapit siya. Hindi kaya modus ito? Baka mamaya isakay nila ako sa kotse at kunin ang internal organs ko? Anya sa isipan.
“h’wag kang matakot. Hindi ako masamang tao.” Pagpapakalma sa kanya ng matanda. “Sumakay ka at mag-uusap tayo.”
Hindi maipaliwanag ni Mikael kung bakit ganon na lang kung magtiwala siya sa matanda. Sumakay siya sa sasakyan nito. Doon, nasaksihan niya kung paano pinagbihis ng dalawang lalaki ang matandang iyon ng suit and tie na para bang ito ang amo nila. O baka nga totoo ang sinasabi nito a kin? Mayaman ba siya? Mga tanong sa isipan ni Mikael.
“Anong gusto mong pabuya, hijo?” tanong ng matanda.
“Seryoso po baa kayo tungkol sa bagay na ‘yon? Hindi naman po ako humihiling ng kapalit. Simpleng bagay lang naman po ang ginawa ko para sa inyo.”
“Simple, pero hindi nagawa ng iba. May pamilya ka ba?” tanong nito sa kanya.
“Mayroon po. Kasama ko sa bahay ang nanay ko at dalawang kapatid. Wala na ho kaming tatay.”
“I am Eduardo Ruiz. You know the Eduardo Medical Hospital? I am the owner of it.”
Halos malaglag ang panga ni Mikael. Hindi siya makapaniwala. Tila nabibingi pa rin siya. “P-Po?!”
Eduardo Medical Hospital is a private hospital. Usually, mga mayayaman lang ang nagpapagamot doon dahil sa mahal ng serbisyo nila. Pero isa iyon sa pinakakilala at pinakamalaking hospital sa syudad.
“See? Hindi ka pa rin makapaniwala ‘di ba? Tell me about your life, hijo. Baka naman makatulong ako sa ‘yo.”
“Hindi ko pa rin po talaga lubos na akalain, Sir.” Tila nahihiya nitong sagot.
“Nag-aaral ka ba?” tanong nito sa kanya.
“Hindi na po. Hindi na po kaya. Pero nag-co-commission po ako, academically at sa arts din po. Pangtustos po sa pang araw-araw. Wala pong katuwang si Mama, e.”
“Gusto mo bang maag-aral ulit?”
Nanlaki ang mga mata ng binata. If it would be the case, pag-aralin niya kaya ako? Tanong niya sa isipan.
“I can see in your eyes na gusto mo. I can suffice your studies. Puwede kitang ipasok sa Delmoure University. My friend is a director there.”
“T-Talaga po?!”
“Oo naman. I can judge that you are talented and smart. Sayang iyan kung hindi mapapakinabangan. Here’s my calling card. Call me if you need anything. Saan ka ba namin ibababa ngayon?”
“Doon din po sa Delmoure University. May client po ako doon na kailangang puntahan.”
“Okay, Greg, at the Delmoure University, please,” utos nito sa driver.
“M-Marami po talagang salamat, Sir. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob.”
“That’s not a big deal.” Nakangiting tugon ng matanda.
Labis ang ngiti sa mga labi ni Mikael nang makababa siya ng kotse. Pagtungtong niya agad ng university ay agad niyang hinanap si Aika. She’s probably just somewhere since break time na rin naman.
“Alam ko na. Sa school garden pala.” Bulong niya sa sarili saka siya nagsimulang maglakad papunta doon.
Hindi naman siya nabigo. Malayo pa lang ay natanaw na niya ang nakabusangot na mukha ng dalaga na ani moy sirang sira na agad ang araw.
Kahit kailan talaga, napakasungit. Sinong ibang lalaki ang lalapit sa ganyan kaganda kung nakabusangot naman ang mukha? Iiling-iling na wika niya sa isipan.
“Sabi ko na nga ba dito lang kita makikita ulit.”
Napaangat agad ng tingin si Aika. Somehow, gumaan ang pakiramdam niya.
“You have my number since tinawagan kita kagabi. You should have bother calling me.”
“I don’t want to bother.”
Umirap lang si Aika saka niya kinuha sa kanyang black folder ang schedule of classes niya. “Here’s what you’re asking for. Tell me if you already made our schedule. I’m leaving, bye.”
“Teka sandali.” Awat ni Mikael. “Ang bilis mo namang umalis? Kakadating ko lang ah?”
“Bakit? Kailanga ba makipagchikahan pa ako sa ‘yo? My time is precious, Mikael.”
“And so is mine. Pero pinuntahan pa rin kita dito kasi nagpumilit ka na I-tutor kita. Is that how you are going to treat me? When will you learn to be nicer?”
“Ang demanding mo naman!”
“Sinong mas demanding sa ating dalawa, Miss?” Pambabara ni Mikael sabay lapit ng mukha nito sa dalaga.
Bahagyang napaatras si Aika. Her heart started to beat faster. Teka, anong nangyayari? Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko?
“Tsk. F-Fine!” nauutal na sagot niya saka siya muling naupo.
Bakit ba kasi ako name-mesmerize sa mukha niya? Nakakainis! Mukhang imbes makapag-concentrate ako sa review, mukha niya na lang ang pagmamasdan ko buong araw. I now get it why there are lots of people especially women out there na gustong magpa-tutor sa kanya. Number one reason is his killer looks!
“Baka matunaw ako niyan kakatitig mo?” Saway ni Mikael nang mapansin na ilang segundo nang nakatitig sa kanya ang dalaga.
Aika cleared her throat. “What? No! I am not looking at you! Ang assuming mo naman?” pagsisinungaling nito sabay iwas ng tingin.
“I have some rules regarding our tutor sessions, Miss.”
“Drop it.”
Ngumiti si Mikael. “Una, dapat on time ka laging darating. Kapag na-late, hindi ko na kasalanan kapag hindi natin na-meet ang objectives natin every after each lesson. Maliwanag ba?”
Aika raised an eyebrow. “Fine. What else?”
“Second, you should always be nice and polite. Kailangan yon. As your tutor, kailangan din nating magkaroon ng magandang samahan para mas comfortable tayo during discussion. So, basically, we need to be friends, at least.”
“What? Ayoko nga! Let’s be civil na lang kaya?”
“Mag self study ka na lang kaya?” Pambabara ng binata.
“Grr. Fine, what ever!”
“At pangatlo, bawal tayong magkaron ng kahit katiting na feeling sa isa’t isa. Maliwanag ba ‘yon?”
Aika bursted into laughter. “You know what, you really are assuming! Haha! So, you’re thinking na magkakaroon ako ng feelings sa ‘yo gano’n ba?”
Napangiwi na lang si Mikael. “Not necessarily magkaroon talaga, but just in case it happened, h’wag kang tumawa. You better not fall in love with me kung ayaw mong umiyak.”
Isa rin sa mga rason kung bakit hindi pa nagkakanobya si Mikael ay sa takot niya na baka iwan siya kapag nalaman ang sakit niya. O hindi kaya, baka masaktan niya lang ito kung sakali. Hindi rin naman niya alam kung hanggang kailan na lang siya sa mundo. Kaya as much as possible, hindi siya puwedeng magmahal. Ayaw niyang makasakit at masaktan.