Delmoure University is big. Isa talaga ito sa mga pangarap ng halos lahat ng studyante sa syudad. The thing is, hindi lahat ay kayang makapasok dito. “Ma, may nag-alok sa ‘kin ng tulong na makapasok sa Delmoure University. Kakayanin ko kaya, Ma?” Excited pang kwento ni Mikael sa Mama niya na kasalukuyang naghuhugas ng plato sa kusina. Mikael is grown up now. Maski ang Mama niya ay hindi makapaniwala na napalaki niya ng ganito ang anak niya. Responsable at napakabait na bata. Bonus na lang ang guwapo nitong mukha at mala-adonis nitong katawan. “T-Talaga?! T-Totoo ba ‘yan, anak?! Ay nako, Diyos ko! Maraming salamat!” Nagtatatalon sa tuwa nitong sabi sabay yakap sa binata niyang anak. “May awa talaga ang Diyos, Ma. Baka ito na nga ang sagot sa mga pangarap ko.” Nang kumalas sila sa

