HABANG nagtuturo ang binata kay Aika, noong una ay nakakapag-concentrate naman ito. Pero nang nilapit lalo ni Mikael ang kanyang sarili sa dalaga ay nakaramdam ng pagkailang si Aika. “Here, this one. You need to take note of these two terms kasi medyo confusing siya. Baka kapag lumabas to sa exam, mali ang masagot mo.” Bilin pa ni Mikael bagay na hindi na napakinggan ni Aika. Napatulala na ito sa mukha ng binata at doon na nakatuon ang atensyon niya. Hindi siya nakasagot. Mikael is so masculine. Napakalalim ng boses nito. Parang musika sa tenga. “Aika, have you take note of those?” tanong ng binata pero napansin nitong tila wala sa sarili ang dalaga kaya kinaway-kaway nito ang kamay niya sa harapan. “Huy, Aika? Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko? Bakit sa ‘kin ka nakatingin? Nasa outer

