Medyo makulimlim ang langit. Malamig ang hangin nang lumabas si Mikael ng bahay nila after he responded to the call of his mother, Aling Maricel. Bago siya umalis ay binilin niya muna sa kambal niyang mga kapatid na sina Mika at Miki na h’wag maglilikot ang mga ito at h’wag lalabas ng bahay. He put on his sweat shirt dahil medyo malamig. Nagsuot rin siya ng favorite niyang cap na nag-iisa lang din naman at pinarehas niya iyon ng kanyang sneakers. He already look presentable kung siya pa ang tatanungin. Ang totoo ay labis ang kaba niya ngayon nang magtanong ng Mama niya sa kanya kung gusto niya bang makita ang Papa niya bago pa man siya umalis at sumama kay Mr. Ruiz. Hindi na siya nag-alangan pa. Ngayon niya lang makikita ang Papa niya sa hinaba-haba ng panahon at kahit pa hinndi siya gano

