Ikaapat na araw ng pagbabakasyon ng lahat at bukas ang huling araw ng kanilang bakasyon sa Milas Hill Resort pagkatapos ay babalik na ang lahat ng Maynila upang bumalik sa kanilang mga trabaho kaya niyaya ng dalagit kasama ang kaniyang kaibigan at mga empleyado na umikot ng isla gamit ang bangka na merong baterya. Lahat ay nasa gitna na ng dagat kung saan naghihintay sa dalawang bangkang inihanda ni Janice upang kanilang sakyan. Makalipas ang ilang oras ay dumating ang bangka. Isa para sa magkakaibigan at isa para sa mga empleyado pero sinabi ng dalagita na hindi sila sasakay ng bangka sapagkat sila ay magmamaneho ng jet ski. Nang makadating ang bangka ay nagsisakayan na ang lahat maliban sa dalagitang si Cassandra na siyang nakasuot ng puting bikini kung saan makikita ang cocacola niyang

