CHAPTER 7: Choosing a wise decision Maxcell POV. Pakatapos kung mawala ng isang araw sa opisina, di ko inaasahan na tambak agad ang trabaho na naghihintay sakin. Umupo ako agad ng swivel chair ng makapasok sa loob at kinalma ang sarili ng ilang minuto dahil pagkatapos ng photo shoot ay nakaramdam ako ng kunting pagod. Dalawang katok ng pintuan at bumukas ito na siyang narinig ng aking dalawang tenga kahit nakapikit ang aking mga mata. “Madam, dumating na po si Ms. Yuki kasama po si Sir. Deferson. Papasukin ko po ba sila?” rinig ko na tanong ni Karen. “Let them in” tipid kong sagot. Ginalaw ko ng kunti ang aking ulo habang ang buong likod ay nakasandig sa swivel chair pero ang mata ay nakapikit parin. Ilang minuto ay bumukas ang pintuan. Mga paang rinig ko ang tunog ng takon ng isa

