“Queen were here now” sabi ng isang babae sa kabilang telepono “Just wait me there papunta narin ako jan” sagot ni Cassi habang ito’y papalabas ng elevator papunta sa kanyang sasakyan. Nagpaalam ang magkaibigan sa telepono pagkatapos ay inilagay ng dalagita ang kanyang telepono sa kanyang bitbit na puting bag. Hinanap ng dalagita ang kanyang susi sabay pindot ng maliit na remote na siyang nakasabit sa susi upang tumunog ang kanyang sasakyan. Madali niya itong nahanap pagkatapos ay ibinuksan nito ang pintuan sa driver seat at pumasok. Inilagay ni Cassi ang kanyang bag sa bakanteng upuan sa front seat pagkatapos ay kanyang ipinaandar ang makina ng kotse sabay sabit ng seatbelt sa kanyang katawan. Ilang minuto ay dahan dahan niya itong pinatakbo at ipinalabas sa parking lot na siya ang nagma

