Chapter One

3684 Words
CHAPTER 1 Hailey Harper Thompson "Hailey! Gising na. Ilang araw ka nang nakakulong diyan sa kwarto mo. Pakiusap naman, Hija. Lumabas ka na at pagagalitan na talaga ako ng Mommy mo..." Nagising ako sa pambubulabog ni Nanay Elsa. Tamad kong binuksan ang aking mga mata para sulyapan ang aking alarm clock na siyang dapat gumigising sa akin pero talagang ahead palagi si Nanay nang fifteen or more minutes. Sometimes it's too annoying pero naiintindihan ko naman. Kahit na gano'n ay mahal na mahal ko rin ang matandang 'yan. Bukod kasi sa siya nalang ang kasama ko ay talagang alam kong mahal na mahal niya rin ako. She's like my second mother ever since. Si Mommy kasi ay abala sa trabaho abroad. I was born in the Philippines but my other relatives from my mother side lives in the U.S. Ang dalawang kapatid ni Mommy ang siyang kaagapay niya sa kanyang negosyo at simula nang maging successful ang clothing line sa abroad ay nagdesisyon nang tutukan iyon. Matagal na rin akong pinapasunod ni Mommy sa U.S but my heart belongs to the Philippines. Ewan ko ba, kahit anong pilit niya, narito pa rin ang puso ko... Ang puso kong ngayon ay sinira ng isang tao. "Opo Manang tatayo na po ako..." sigaw ko pabalik para tumigil siya sa kakakatok sa aking pinto. Pero ang totoo ay ayaw kong kumilos. Para bang ang sama sama ng pakiramdam ko. Para bang tuwing gumagalaw ako, ang sakit sakit. Buong katawan ko ay nararamdaman 'yung sakit na galing sa puso ko. Ganito pala ang pakiramdam ng brokenhearted... 'Yung pakiramdam na parang ibinagsak sa'yo ang lahat ng planeta pati na mga bituin isama mo na rin ang buwan. 'Yun bang feeling mo ikaw na 'yung pinaka malas, masama at pinaka-pangit na tao sa balat ng universe dahil 'yung isang taong pinakamamahal mo, 'yung taong binigyan mo ng sobra sobrang pagmamahal ay iniwan ka na at hindi ka na gusto. Na ayaw na sa'yo. Na kahit kailan, hinding hindi na babalik pa kahit umiyak ka pa ng sandamakmak na dugo. Sabi nila, "Ang dami daming lalaki diyan! cheer up! Bata ka pa at marami pang darating sa buhay mo." pero 'yon na nga! Anong silbi ng dami nila kung hindi naman sila ang gusto ng puso ko? Na kahit bilyon bilyong lalaki pa ang bumalandra sa akin ay wala akong magugustuhan dahil nakatatak na 'yung taong 'yon sa puso ko at mahirap nang mabura. Ang hirap isipin na minsan ka na nga lang magmahal, nawala pa. Na sa pagkawala niya, para kang nabaliw dahil kahit na comedy ang pinapanuod mo umiiyak ka. 'Yung feeling na, okay kana tapos narinig mo lang 'yung kantang pusong bato naalala mo na naman siya kahit na wala namang koneksiyon 'yon sa relasyon ninyo. 'Yung feeling na, sinabi mo sa sarili mong kaya mo nang wala siya, pero araw araw mo namang tinitignan ang mga social media accounts niya. 'Yung naiisip mo palang na may mahal na siyang iba, feeling mo tinuturukan ka na ng lethal injection. At ang pinaka masakit sa lahat, 'Yung maiisip mo 'yung mga bagay na ginagawa niya sa'yo dati ay sa iba na niya ginagawa. 'Yung dating sobrang sweet niyo, ngayon back to strangers. Strangers with some memories. Ang sakit sakit lang... Sa sobrang sakit, parang gusto mo nang mamatay. Napalunok ako nang maisip 'yon. Umahon ako sa kamay at napatingin sa aking vanity mirror. Ang ganda ko. Ang ganda ganda ko para mamatay kaagad. Bulong ng aking utak na bahagyang nagbigay ng pag-asa sa aking puso. "Sige na, Hija. Halika na't mahuhuli ka na sa klase mo't tanghali na. Alalahanin mo at Lunes na ngayon! Aba't ilang araw ka nang liban sa klase. Ano ba namang nangyayari sa'yong bata ka? Noon naman ay masigasig ka kung mag-aral at hindi na kailangang pilitin. Noon ay ni hindi kita ginising dahil palagi kang nauuna sa akin. Anong nangyayari sa'yo, Hailey, ha?" Napayuko ako at napapikit. She's right. Masipag akong mag-aral at nangunguna pa sa klase pero anong magagawa ko kung hindi ko 'yon nararamdaman sa pagkakataong ito? I just... I just want to sleep. I'm tired. I'm so tired of waking up with this shattered heart. "May problema ba ang Hailey ko, ha? Alam mong pwede mong sabihin sa akin ang lahat, Hija. Kahit ano pa 'yan ay makikinig ako. Pakikinggan kita huwag ka lang magka-ganito. Nag-aalala na rin talaga ako." Wala sa sariling napangiti ako sa narinig. Well sa kabila nang kamalasan sa unang pag-ibig ay alam kong swerte pa rin ako dahil may mga tao pa ring nagta-tiyaga sa'kin at mahal na mahal ako. Na kahit hindi nila 'yon obligasyon ay ginagawa nila. This is not part of the job that they signed up pero dahil totoo ang pagmamahal ay ipinararamdam nila. Someone still loves me. Hindi man ang taong gustong gusto kong mahalin ako pabalik, pero ang importante ay hindi nauubos ang mga taong nagmamahal sa akin. I am still worthy of love. I am worthy of it all! "Opo! Susunod na po!" "Halika na, ha? Bababa na ako, sumunod ka!" "Opo!" Napapitlag ako nang tumunog ang aking alarm clock sa aking bedside table. I smiled and turned it off. Iyon ang nagbigay sa akin ng panibagong lakas para magpatuloy at mag-isip ng ibang bagay kaysa sa pagiging sawi ko. It's Monday. Simula na naman ng hell week kahit na hindi pa naman exam. I don't know when exactly it all started. Kung kailan ko naisip na sobrang malas ko at gusto nang sumuko. I just remember the first time that pain hits me. Ang sakit na hindi na ako nilayuan at kahit sa panaginip ay sinasamahan ako. I can't escape it... It's impossible to escape from it. Pakiramdam ko'y nakahinto ang oras sa mga oras na nasasaktan ako. I remember waking up catching my breath because it's too much. Daig ko pang hinika dahil sa literal na sakit nang aking puso na araw-araw kong nilalabanan. I heave a deep sigh. Ilang ulit hanggang sa naramdaman ko ang bahagyang pagluwag ng aking dibdib. Pinilit kong ngitian ang aking repleksiyon sa salaming aking nasa harapan. Kailangan kong maging masaya at sisimulan ko na 'yon ngayon. Ayaw ko namang buong linggong maging malungkot. I should start being happy right here, right now. "Hindi bagay sa'yo ang malungkot. Hindi bagay, Hailey bells." positibo kong bulong sa aking sarili sabay ngiti pa ng mas malawak. The dimple on my left cheek showed. Hinawi ko ang aking tuwid at itim na buhok na hanggang sa aking bewang patungo sa likod ko. I gently brushed my full bangs with my fingers. Ang aking medyo singkit na mata at may mahahabang pilik ay medyo namamaga pa pero hindi naman 'yon mahahalata dahil maglalagay ako ng make-up mamaya. I have a straight nose and full lips which I got from my mom. Ipinilig ko ang aking uli at nagpa-cute sa salamin. "Ang ganda mo talaga! Masyado kang maganda para maging brokenhearted, Hailey!" muli kong pagbubuhat nang bangko na nagpatawa na sa akin. I am crazy. Pero nang maisip ko ang mas kabaliwang nagawa ko sa aking buhok ay nailing ako. I cut my own hair dahil gusto ko lang nang pagbabago sa sarili ko. Medyo nanggigil nga lang ako sa bangs but in all fairness, kahit ito ang first time ay maganda naman ang kinalabasan! I'm pretty sure marami na namang maiinggit at magtatanong kung saang lupalop ako nagpaayos ng buhok. Ganado akong bumangon at nag-ayos na ng sarili. Tama si Nanay at ang mga kaibigan ko. Dapat ay bumalik na ang dating ako at tama na ang pagda-drama! Tama na ang lahat dahil dapat ay maging masaya naman ako! Magiging masaya ako! Magiging masaya na! "Ano bang problema, Hailey? Bakit hindi ka na yata sinusundo ni Caleb rito?" kuryosong tanong ni Nanay habang inaayos ang mga prutas na babaunin ko ngayong araw. Nabawasan ang tuwa sa akin dahil sa narinig. Really Manang? Nag-iwas ako ng tingin sa kanya dahil ayaw na ayaw ko talagang nagsisinungaling pero iyon ang kailangan kong gawin. Kung bakit ba kasi umabot pa sa ganito ang lahat. "Busy lang po ang isang 'yon pero okay lang ho ako, Nay. Kaya ko naman pong mag-isa kaya huwag na po kayong mag alala sa'kin," tinapos ko na ang aking pagkain at saka muling nagpatuloy. "Aalis na ho ako. Pakisabi nalang ho kay Tay Duke na ready na ko in five minutes." paglihis at pagmamadali ko upang mawala na ang usapan. I admit, medyo naging emosyonal na naman ako sa narinig na pangalang iyon pero gustohin ko mang umiyak at yakapin siya habang sinasabi ang lahat ng nangyari ay hindi pwede. Lalo na ngayon. Tama na. Wala rin namang maidudulot na maganda kapag malaman nilang hiwalay na kami ni Caleb. Ayaw kong mag-alala pa sila sa'kin. I can take care of myself. Kaya ko na. Kakayanin ko ulit nang wala siya. "Hoy, Bes! Ano na? papasok ka na ba? Halos isang linggo na tayong hindi nagkikita, ah! Anong meron sa'yo?" napapikit ako sa tanong nang best friend kong si Kaitlyn nang sagutin ko ang kanyang tawag ngayong araw. Ang aga aga, ang lakas ng sigaw niya! "Kaitlyn, tone down your voice! Ano ka ba naman? Kailangan mo ba talagang sumigaw? Papasok na ako! Don't worry, I'm still alive! Mumultuhin naman kita kapag namatay ako eh! Ikaw ang una!" "Ay puki ka! Shut up! Sige na nga! See you later nalang! Bye!" narinig ko na ang mahabang beep na tandang pinatay na nito ang tawag. Natatawa nalang ako't naiiling habang kinukuha ang lahat ng mga gamit ko at pagkatapos ay umalis na. Pagdating sa school ay hindi ko alam kung saan ako pupunta. Isang linggo lang naman akong nawala pero para akong naliligaw. Hindi ko naman first time sa school na 'to pero bakit ba ganito... Wala ako sa sarili ko habang naglalakad sa malawak na school grounds nang Subic International School. My heart is pounding inside my chest. Kahit na wala namang nakatingin sa akin ay pakiramdam ko'y pinagpi-piyestahan ako ng mga schoolmates ko. And with that, Isa lang ang pumasok sa aking utak. Isang pangalan lang. Caleb Andrew Clarke. Ang aking dakilang EX. Nahinto ako sa kalagitnaan ng soccer field at napatulala sa isang sulok kung saan may isang malaking puno at bench sa ilalim nito na minsa'y naging tambayan rin naming dalawa tuwing vacant... Wala sa sariling napakurap-kurap ako pero hindi na napigilan ang sariling magbalik tanaw sa masalimuot na araw na 'yon. Ang araw na tumapos sa relasyon naming dalawa. "Ano ha?! Totoo bang naging kayo ni Mel, ha?!" sabi ko sa kanya habang patuloy ang pagdaloy ng mga masasaganang luha sa aking mga mata. Ni hindi ko na nga siya maaninag dahil sa mala-falls na tumutulo dito. Kung baga sa kalsada ay nasa zero visibility na ang mga mata ako. Ang sakit sakit. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang gusto kong nalang pumunta sa tuktok ng Eiffel tower at tumalon! "Sino bang nagsabi sa'yo niyan? Hindi totoo 'yan! Ano kaba? bakit kaba naniniwala sa mga sabi sabi?!" mas malakas niyang sagot pabalik sa akin. Nagpapasalamat nalang ako at walang tao sa paligid namin na pupwedeng makiusyoso. Walang taong makakita kung paano ako naging pangit dahil sa mga luhang ito! Mas lalong nanikip ang aking dibdib ng makita ang galit sa kanyang mga mata. Nakakainis lang, Bakit kailangan niya pang magsinungaling sa'kin? Kailan pa siya natutong magsinungaling gayong wala namang dahilan para lokohin niya ako. I've been a good girl to him. Wala akong maisip na nagawa kong pagkukulang pero bakit? We've been together for two years now and we started it so good. Walang patid ang saya at masyado kaming perpekto para sa isa't-isa kaya hindi ko alam kung saan ako nagkamali. Ibinigay ko ang lahat ng oras, pagmamahal at lahat ng kaya ko para mag-work ang relasyon naming tapos ganito lang igaganti niya sa'kin? Hindi naman ako nag kulang, ah? Kung tutuusin nga ay sobra pa kaya hindi ko maintindihan kung bakit. "Huwag mo nga akong ginagawang bobo ka, Caleb! Hindi ako manhid, hindi ako bingi at mas lalong hindi ako tanga!" galit na galit kong singhal. I was mad. Hindi lang dahil niloko niya ako kung hindi dahil alam ko na ang totoo pero nagsisinungaling pa rin siya! Paano, sino ba namang hindi maniniwala sa taong nagsabi sa'kin na naging sila ni Mel kung ang mismong boyfriend nito mismo ang nagsabi sa'kin? Bakit ba kasi nauso 'yung mga linta? Hahanap na nga lang ng kakapitan, 'yung sa may karelasyon pa! Naturingang may boyfriend na nga, gusto pang magpakamot sa iba! Ang landi! Ang kati-kati! "Kung ayaw mong maniwala mas mabuti pa sigurong maghiwalay nalang tayo!" Pakiramdam ko'y may naputol na ugat sa aking utak dahilan nang pagpintig ng tenga ko! Hindi ko akalaing masasabi niya 'yon sa'kin. Hindi ko ni minsan naisip na hahantong kami sa ganito. I just want him to tell me the truth at ano? Ngayon ito lang ang gagawin niya? Maghiwalay? Saan nanggaling ang lakas nang loob niyang maghamon no'n? Si Caleb ba talaga 'to? Siya ba talaga ang kausap ko? Kilala ko ba talaga siya o kasinungalingan lang ang lahat ng ito? "Ikaw pang may ganang magsabi sa'kin niyan, Caleb? Do you really want to break up with me, huh?! Sa hindi niya pagsagot ay nadurog ang puso ko. I wish he could've said no. Inasahan kong pipigilan niya ako. Sasabihin niyang mag-usap kami ng mas maayos at ayusin namin ang lahat pero hindi. Ni pagsisisi at katiting na lungkot at wala akong nakita sa kanya. He just stood there... waiting for me to go away so he could resume his day with his friends. Sa nanghihina kong pagkatao ay nagawa kong huminga nang malalim para bigyan ang sarili ko nang lakas para sa sitwasyong ito. "I expected so much from you, Caleb. Akala ko kilala na kita. Akala ko hindi mo kailanman gagawin sa'kin 'to pero mali ang lahat ng mga akala ko. Sa loob ng dalawang taon ay mali pala ang pagkakakilala ko sa'yo. You weren't even that guy dahil ang lalaking 'yon ay alam kong hindi ako lolokohin at mamahalin lang ako habang buhay. You cheated on me. You failed fulfilling all your promises. You failed at loving me. You're a failure kaya sige, ibibigay ko ang gusto mo, break na tayo." dire-diretso kong sagot na hindi ko na alam kung saan ako humugot nang lakas para sabihin. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi ng mga oras na 'yon. Basta ang alam ko ay sumakay lang ako ng sumakay. Akala ko nga makakapunta na ako ng Tugegarao sa sobrang dami ng sinakyan ko. Mabuti na nga lang at hindi umuulan no'n dahil kung umulan, mas madrama pa ang gabing 'yon sa pinaka-madramang k-drama na mapapanuod ng mga tao sa telebisyon. Nawala ang pagbabalik tanaw ko nang marinig ang malakas na bell hudyat nang simula nang klase. Nagmamadali at halos patakbo kong tinungo ang aking classroom para sa araw na ito pero talagang malakas ang negatibong hangin sa kapaligiran dahilan nang muling pagbagal ng mga hakbang ko at paglutang ng aking utak. Naglakad ang paningin ko sa hallway hanggang sa kaliwang banda na tanaw ang mistulang park para sa mga estudyante tuwing vacant. Kahit na alam kong huli na ako ay hindi ko magawang bilisan ang mga hakbang ko hanggang sa tuluyan na akong nahinto nang mabunggo ako ng isang bulto dahilan para malaglag ang lahat ng mga gamit ko sa sahig! Malapit na sana ako sa classroom ng mabunggo ako ng mokong na 'to! Nagmamadali akong yumuko para kunin 'yon at hindi na inabala ang sariling titigan siya dahil kahit na siya ang bumunggo ay alam kong may kasalanan rin ako. "I'm sorry!" natataranta kong sabi habang pinupulot isa-isa ang mga gamit na nalaglag. "Bakit ba kasi hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo?" galit na singhal nito sa'kin dahilan nang pagtigil ko sa paggalaw. That voice! That freaking voice! Kinakabahan kong Inangat ang mukha ko at doon ay nakumpirmi ang lahat ng tumakbo sa utak ko. It's him! It's my cheating, stupid ex! "C-Caleb?" I almost puke saying that name. Pagkatapos naming maghiwalay nang araw na 'yon, halos dalawang linggo ang nakalipas ay ngayon ko lang siya nalapitan ulit ng ganito. Naramdaman ko ang pagdiin ng puso ko sa kaba. Para akong sinasapak ng paulit-ulit sa bilis at lakas ng pintig ng puso ko. Umangat ang kilay niya nang magkatitigan ang aming mga mata. "Oh? Bakit parang gulat na gulat ka? Bakit ba wala ka sa sarili mo?! Sa susunod nga mag ingat ka!" galit pa ring singhal niya at pagkatapos ay agad akong tinalikuran! Kinuha ko nalang ang lahat ng gamit ko para hindi na makagawa ng eskandalong pwedeng putaktihin ng lahat! Naiirita ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya namura! Alam kong sinadya niya 'yon at hindi man lang ako tinulungan! Walang modo talaga! Ang kapal ng mukha! Gustong gusto ko siyang sapakin sa totoo lang pero naisip kong kapag ginatungan ko pa ang galit sa puso ko ay hindi ko na matutupad ang kagustuhan kong maging masaya at umusad sa masalimuot na parte ng buhay ko kasama ng maling lalaking 'yon! Ipinilig ko ang aking ulo at nagmamadaling pumasok sa classroom. Paano ka nga naman kasi makakapag move on kung palagi mo siyang makikita sa campus na 'to? Ito ang dahilan kaya ayaw kong pumasok. Bukod sa naaalala ko siya sa lahat ng sulok ng paaralang ito, nakikita ko pa ng literal ang demonyo! Pasalampak akong naupo sa tabi ni Kaitlyn na ngayo'y nakabusangot ang mukha dahil sa hitsura kong hindi maipinta. "Ayusin mo nga yang mukha mo. Anong nangyari sa'yo at bakit para kang binagsakan ng langit, lupa, impyerno? Ii-impyerno? Saksak puso tulo ang dugo?'' tanong niya habang ang huli ay kinanta pa. My eyes rolled at her. "Guess who I bumped today! That devil!" iritado kong kwento sa kanya. "Devil? Teka nga, si Klaire na naman ba? 'Yung babaitang feeling maganda na mukha namang palakang mabaho?" speaking of devils. Ibang klaseng demonyo naman 'yon pero mas demonyo pa sa demonyo ang nakita ko kanina. Kakambal nga yata ni Satanas! "No! Si ano!" inis na sabi ko. Nakita ko sa mukha niya ang kalituhan. "Si?" naguguluhang tanong niya. "C-Caleb." mabilis at pabulong kong sambit. Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang naibaba ang hawak na salamin at ang pang-kilay. Her jaw dropped when she realized who am I pertaining to. "Oh my God! Nagkita kayo?" Ngumisi ako ng sarkastiko. "He is studying here at may ninety nine percent talagang magkita kaming dalawa." Ilang ulit siyang napalunok at itinabi ang mga gamit na hawak bago ako hinarap ng mas maayos. "Right, pero hayaan mo na nga 'yon. Huwag ka ng maging bitter diyan, okay? Isipin mo nalang na hindi kayo magkakilala. Isipin mo nalang na may amnesia ka. Teka nga pala balita ko ay maglilipat na ng section ngayong mid year. Mamaya ilalabas 'yung exam natin last week. Ready ka na ba? Baka magkahiwalay na tayo." sabi niyang ang mukha ay nahaluan na ng lungkot. Nagpangalumbaba pa ito at talagang pinaramdam sa'kin ang lungkot niya. Napalunok ako sa naisip. Muntik ko nang makalimutang sa tuwing kalagitnaan ng pasukan sa eskwelahang ito ay may exam ang lahat ng estudyante at kung sino ang bumaba at tumaas on their previous exam ay malilipat sa ibang section. May shuffle para daw kung sino ang mga mahihina ay mailipat sa mga may mas mataas na gradong klase nang sa gano'n ay makahabol ang mga ito't makapasa sa school year. Hindi ko na siya nagawang sagutin nang matahimik ang buong klase ng dumating ang aming dalagang adviser na si Miss Padilla. Nag-ayos kami ni Kaitlyn at tumayo para batiin ito. "Good morning, Miss Padilla." we greeted in unison. Rinig na rinig ko ang malakas na pagkabog ng dibdib ko na para bang may nagtatambol ng malakas rito at paulit-ulit pa. I don't know why I suddenly feel nervous. Siguro nga masama lang talaga ang hangin maging sa loob ng classroom at hindi 'yon kaagad mawawala. "Good morning class!" masaya niyang bati pabalik. We prayed and get ready for the lesson pero maya maya ay tumayo ulit si Miss Padilla at nagsimula nang ipaalam ang bagay na kinatatakutan naming dalawa ni Kaitlyn! Ang resulta nang aming annual exam! "I now have the result of your annual exam. Let me start by saying that you guys made me proud. All of you did well at walang mababawas sa klase kong ito!" Naghiyawan ang lahat. Halos maghalikan pa ang ilan dahil sa tuwa habang kami ni Kaitlyn ay hindi na rin napigilang magyakapan! "However," she added and paused. Doon muling natahimik ang lahat. Wala sa sariling napahawak ako sa kamay ni Kaitlyn nang maramdaman ang muling pagragasa ng kaba sa dibdib ko. "We have new students that will be joining us for the rest of the school year. We have three students from different class that will transfer here permanently." Nagkatitigan kami ni Kaitlyn. This is not good. Hindi ko pa man alam kung sino ang mga 'yon pero tiyak ko nang walang magandang idudulot ang mga bagong dating! Pigil ang paghinga ko nang magsalita siya ulit. "Shelly Perez, Miguel Dji Cruz and Caleb Andrew Clarke." malumanay na usal nito na dahilan nang paghiyaw ng katabi ko! "Ano?!" Sa lakas ng boses niya ay nabulabog ang lahat at ang atensiyon ay napunta sa aming dalawa. "No, Ma'am! Caleb can't be here!" Napangiwi ako at bumitiw sa kanya pagkatapos ay siniko siya kaya nilingon niya ako. "No!" giit niya. "Relax, hindi ikaw ang ex, okay?" pabulong kong sabi sa kanya dahil baka usisain kami ng aming adviser! "Oh my God! Oh my God! Si Clarke!" malanding hiyaw naman ni Monica na parang gusto pang magtatatalon dahil sa pagtango ni Miss Padilla. "Yes!" sabi naman ni Drew, isa sa barkada ni Caleb na kaklase ko na "I'm sorry Miss Harris but Mr. Clarke will be joining us and the rest whether you like it or not." pinal na sabi ni Ma'am dahilan nang pag gunaw ng mundo kong basag na basag na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD