Prologue

731 Words
EX means Thanks for the EXperience. Our time has EXpired. Now EXit my life. Kung sana gano'n lang kadaling kalimutan ang isang tao na nagkaroon ng malaking parte sa buhay mo. Ang taong noong iwan ka ay dala hindi lang ang puso mo kung hindi pati na rin yata ang kaluluwa mo. Sana gano'n nalang kadaling mag-move on at humanap ng panibagong mamahalin, 'no? Sana parang isang panaginip nalang ang lahat. Para sa pag gising mo, wala na rin 'yung sakit at madali ka nalang makakalimot.  Sana utang nalang ang pagmamahal, para kahit sino ay magka amnesia at hindi na muling makaalala. Sana ang puso naging computer nalang na pweEX means thanks for the EXperience. Our time has EXpired. Now EXit my life. Kung sana gano'n lang kadaling kalimutan ang isang tao na nagkaroon ng malaking parte sa buhay mo. Ang taong noong iwan ka ay dala hindi lang ang puso mo kung hindi pati na rin yata ang kaluluwa mo. Sana gano'n nalang kadaling mag-move on at humanap ng panibagong mamahalin, 'no? Sana parang isang panaginip nalang ang lahat. Para sa pag gising mo, wala na rin 'yung sakit at madali ka nalang makakalimot. Sana utang nalang ang pagmamahal, para kahit sino ay magka amnesia at hindi na muling makaalala. Sana ang puso naging computer nalang na pwedeng i-reformat kapag gusto mo nang makahinga, makawala at maka-get over sa sakit. At sana... Sa bawat pag inom ng alak at pag ubos nito ay kasabay na rin ang pagkawala at pagkalunod ng sakit na nararamdaman mo. Ang dali daling sabihin ng salitang move on pero bakit nga ba napakahirap gawin? Eh bakit nga ba? Dahil ba mahal na mahal mo pa rin siya? Dahil ba hanggang ngayon ay umaasa ka pa rin na babalik siya? Dahil ba napanatag ka na kahit kanino pa siya mapunta ay sa'yo at sa'yo pa rin ang destinasyon niya? Dahil ba lagi mong iniisip na mahal ka pa rin niya kahit hindi naman na? O dahil tanga ka lang talaga na asang asa sa pagbalik niya kahit na ang totoo ay masaya na siya sa buhay kasama ang iba. Na sa sobrang tanga mo, kahit na wala na ay naniniwala ka pa rin sa forever na ipinangako niya. Umaasa pa rin na babalik at papanindigan ang lahat nang 'yon... Kasi nga naman, siya ang taong nagturo sa'yo kung gaano kaganda ang pagmamahal eh. Siya ang unang taong nagpadama sa'yo na you're worthy of love. Na hindi ka dapat manlimos ng pagmamahal sa iba dahil naroon siya para ibigay 'yon at punan ang lahat ng mga insecurities mo. He promised you everything. Maging ang mga old lines na susungkitin mga bituwin pero ang ending, nasungkit nga siguro pero ibinagsak niya naman sa’yo. He broke all his promises. Hindi lang hindi tinupad, ibinasura pa ang lahat pati ikaw nang wala man lang pagdadalawang-isip. Paano ka makakausad sa gano'n? Paano mo isisiksik sa utak mo na ayaw na niya sa'yo? Na hindi ka na mahalaga sa kanya? Na you were just a phase, an experience, a lesson and that's it? Bakit nga ba gustong gusto ng tao ang umasa? Imbes na mag move on ay nagre-reminisce pa? Bakit imbes na isiping tumigil na ay gustong gusto pa? 'Yung totoo, ipinanganak ka ba para maging masokista? When will we realize that certain people doesn't deserve us? Kailan natin maiisip na bumitiw at itigil ang lahat nang kahibangan sa maling pagmamahal na 'yon at maging masaya nalang sa buhay na mayroon dahil may mas malaking plano pa ang Diyos para sa atin? God removes people in our lives for so many on point reasons. Una siguro ay hindi 'yon ang taong perpekto para sa'yo pero nagmadali ka at inuna ang kagustuhan mo at dahil do'n, you paid the price. You get yourself broken because you're in a hurry. And that is just one of many lessons God wanted to teach us. Ang kahalagahan ng paghihintay. I wish I knew how to wait. I wish I knew how to stop myself from falling for the wrong one. I wish I knew how to spot a genuine and everlasting love. Sana noon alam ko ang lahat nang 'yon. Sana hindi ako nagmadali. Sana hindi ako nasasaktan nang ganito at sana wala akong ex na gustong kalimutan ngayon. But can you really forget an unforgettable ex? Maybe yes, maybe no. Just maybe...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD