Team Alpha Marty

638 Words
Mahaba at mabusisi ang naging meeting namin sa maghapon pero sulit para sakin, una nakikita ko sya maghapon at 2nd, free meal courtesy of Engineer Marty. Sabi nya staff lang, yun pala boss ko pa. Pa humble effect si pogi... Napakagaling sa planning ni Engineer Marty at well known din sa deliberation, execution at sipag sa trabaho. Nga lang ay talagang halata ang lungkot sa kanyang mata. Bakit kaya... Sabagay usap usapan sa office na broken hearted siya. Lumipas ang mga araw na halos lagi kami magkakasama and sometimes he even accompany me walking from office to my home. Nahahalata na din nila Engineer Nico ang closeness naming dalawa sa trabaho pero aminado ako na nahuhulog na ang aking loob sa kanya. And I'm falling deep. Dumating ang araw ng pagbisita sa site, nauna na sila Marty, kami naman ni Jackie ay susunod na lang dahil wala pa si Kelsy na siyang may hawak ng blue print. Si Kelsy ay isang staff na nag aasikaso ng mga permit para sa construction. Sya din ang naatasan to keep safe important files and blue prints. Dumating kami ng di nila namamalayan, at naabutan ko ang pag-uusap nila habang si Jaki ay nahuli para magpark ng company car. Brad, sabi ni Engineer Nico, masaya ako na unti-unti ka ng nagiging masaya sa presence ni Arch Ara. Sigurado ka na ba na nakamove-on ka na kay Mina. Pasalamat tayo at di natuloy ang kasal ninyo dahil kung nagkataon, napendeho ka pa. Sobra kong nasaktan brad kasi minahal ko siya ng todo, ni ayaw ko nga umalis ng Pinas because of her. I never thought that Richard would betray me for her. Baka nga nakaganda na ganito ang nangyari. Masaya ako at nakilala ko si Ara pero takot pa din akong magsimula ng bagong relasyon brad. Tugon ni Marty. Nsa likuran ako ng barracks kaya di nila ko nakikita lalo na ang pagpatak ng luha ko. Brad mabait pa din ang Dyos sa iyo. Do not hold on, kasi di siya karapat dapat, isipin mo sinayang nya ang 5 taon ninyong relasyon. Kaya nga brad, 5 taon. Masakit pero tanggap ko na tutal 1 taon na rin ang nakalipas ng magkahiwalay kami. Tama brad, isa pa andyan si Ara, mas nauna ko siyang nakilala, napakailap niya, pero sayo, ngumingiti siya at alam kong malinis ang pagkatao nya. Mabait, reserved at napakaganda pa. Dahil nakatago ako. Di ko makita ang reaction nya at di ko din nadinig pa ang tugon niya pero lubos akong nasaktan. Ayokong maging panakip butas at lalong ayaw kong isipin niyang sinasamantala ko ang pagkakataon. Di ko inaasahang ganito pala kalalim ang sugat nya. Sakto naman at dumating si Jaki at binati ako. Sinenyasan ko siyang tumahimik pero huli na kasi nadinig na nila ang boses niya kaya lumabas na din ako sa kinatatayuan ko at bumati. Ang galing kong umarte at di nila nahalata ang sakit na nararamdaman ko. Tanging si Jaki lang ang nakasaksi ng akong pighati. Oh kanina pa ba kayo? sabi ni Marty. Di po boss ngayon lang. Ito yung mga blue print. Aalis muna kami ni Jaki pra maglunch sa labas, mahinahon kong sabi Ah eh di sabay sabay na tayo sabi ni Engineer Nico. Sige tara, sabad ni Jaki. Magkikita kita din kasi kami nila Rina at ng iba pa. Okey lang ba sa inyo? Oo naman, tara na brad, sabi ni Marty. Nakita ko namang kampante siya at relax kaya di na din ako tumanggi pa sa pagsama nila dahil ayaw kong mahalata nya ako pero kahit paano kailangan ko na din idistansya ang sarili ko sa knya. Sa mga susunod na araw ay babawasan ko na din ang ng kaunti ang pakikipagusap ko sa kanya. Paunti unti para din di ako gaanong masaktan. Sayang. Akala ko naman my future kami. Malabo pla.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD