bc

My Perfect Dream!

book_age18+
2.6K
FOLLOW
7.9K
READ
love-triangle
fated
drama
sweet
first love
engineer
wife
husband
like
intro-logo
Blurb

Broken hurted si Marty ng makilala niya sa abroad si Ara, isang typical na babae mula sa probinsya ng Nueva Ecija kung saan ay nabaling ang kanyang pagtingin dito dahil na rin sa ankin nitong magandang katangian, itsura at katalinuhan.

Ngunit sa kahit san mang magandang relasyon, may pilit na sumisira, ito ang ex girlfriend ni Marty na si Mina, isa ring Architect ng kumpanyang pinapasukan. Ng panahong kinailangan nilang umuwi sa Pilipinas ay nakunan ang dalaga dahil sa kasamaan ni Mina at dito na nagsimula ang kanyang kalbaryo sa pag-iisip sa takot na mawala ang kanyang pinakamamahal na nobyong kanyang pinangarap na makasama sa buhay.

Sa mga panahong yon ay ninais ni Ara na sumuko na lamang lalo at ng manirahan siya sa poder ng nobyo ay inakala niyang mas gusto nila ang karibal kaysa sa kanya. Nagsama sila sa bahay na pinatayo mismo ng nobyo at naiwan siya duong mag-isa ng bumalik ito sa abroad. Ng matapos ang kontrata at umuwi si Marty ay napagdesisyunan nilang magpakasal ngunit hinde ganoon kadali ang lahat dahil nabunyag na isa pala nitong pinsan ay nagkakagusto din sa binata at gumagawa rin ito ng paraan na masira ang kanilang pagsasama.

Naging maayos lang ang lahat ng panindigan siya ng nobyo at ituloy ang kasal lalo ng malaman nitong magkaka-anak muli sila ni Ara.

chap-preview
Free preview
Prologue : Handa Naman ako Magparaya, Sabihin mo Lang.
"Marty, ang tagal nating hinintay yung ganito na magkasama tayo, ang tagal kong nagtiis sa bahay na ito ng mag-isa, tapos ngayung pagdating mo, ito ang salubong mo sakin?" Naluluhang tanong ni Ara sa nobyo. Masamang masama ang kanyang loob dahil mas pinili nitong paniwalaan ang mga istoryang ipinaparating ng kung sino man sa kanilang lugar. Malalaman ko din kung sino ka at sisiguraduhin kong ihahambalos kita. Ito yung mga salitang kanyang iniisip ng dahil sa galit. "Nagtataksil ako, may lalaki daw ako?" Umiiyak si Ara sa sama ng loob. "Sinong nagsabi sayo nyan? Naniwala ka naman e halos lagi kitang kausap mula umaga hanggang sa matutulog ako.—Dahilan n'yo lamang ba ito pra magkahiwalay tayo? Biglang napalingon si Marty at dumilim ang ekspresyon ng mukha. "Araw-araw Marty pinipilit kong pakitunguhan sila ng maayos. Ginagalang ko ang lahat dito kasi mga kamag-anak mo sila. Mga magulang, kapatid, tiyuhin, pinsan at mga pamagkin. Wala akong kakampi rito, nag-iisa lang ako." "Babe, sagutin mo lang ang tanong ko, totoo ba o hinde?" Malungkot na tanong ni Marty. "Hinde, wala at hindeng hinde ko 'yun gagawin, kahit alam kong si Mina ang gusto nila para sa'yo. Ngayun, tatanungin kita, paano kapag bumalik si Mina rito, paano ako? Pakiramdam ko mas kakampihan nila s'ya. Mas pipilian mo ba siya?" Pagalit na tanong ni Ara. "Babe, wala na kami ni Mina, five years na 'yon at ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal kita. At malinaw naman na sa kanya ang existence mo." Ganting sagot ni Marty na may kalakasan ang boses. "Marty, sagutin mo ang tanong ko? Babalikan mo ba siya kapag bumalik siya?" "Hinde na,—dahil niloko niya ako." Nanginginig ang boses ni Marty sa pagsagot. "E paano ang mga magulang mo at buong angkan mo na umaasa na mgkakabalikan pa kayo? Naririnig ko sila Nanay na nag-uusap pati ang ate Lena mo. Nasasaktan ako. Iilan lang sa kanila ang nakakaunawa at masasabi kong kakampi ko." Halos humahagulgol na siya sa sobrang inis na nararamdaman. Walang lubay ang pagtulo ng luha ni Ara habang inaalo sya ni Marty. Halos walang patid ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga pisngi. "Babe, tumahan ka na, hinde naman ako naniniwala sa tsismis, gusto ko lang din tanungin ka at ng sa iyo na mismo manggaling. Pinangarap ko na makasama ka lalo at di mo ko iniwanan sa oras ng kagipitan. Mahal na mahal kita Ara, mahal na mahal." Sabi ni Marty habang niyayakap nya ko ng mahigpit. "Anong hinde naniniwala? The fact that you asked me about it, ibig sabihin 'non, wala kang tiwala sa'kin. Bakit di mo na lang sabihin na nagdududa ka rin?" "Babe 'wag kang magtaas ng boses, ayaw kong madinig nilang nagtatalo tayo, tahan na, sorry na." Pang-aalo ni Marty. "Babe, sakali na gusto mong balikan si Mina, magsabi ka lang ha. Hangga't di pa tayo kasal at wala pa tayong anak. Kahit mahal na mahal kita, di kita itatali sa sitwasyong mahihirapan ka." Malungkot na sabi ng dalaga. Totoo naman 'yon na handa niyang pakawalan ito kung san ito sasaya kaysa naman magdusa ito at mahirapan pa sa piling niya. Ganoon niya ito kamahal. "Anu ba ang sinasabi mo Ara, what do you really mean by that?" Sabay pagtaas ng boses nya. "Huwag na 'wag mo ng uuliting sabihin 'yan. Hindeng hinde ko babalikan ang taong nanloko sa akin." Dagdag pa nito. Matiim niyang tinitigan, si Marty ang lalaking pangarap niya. Nung nakilala niya ito ay alam niyang si Marty na talaga. "Namiss kita ng sobra babe," sabay yakap niya sa binata. "Welcome home." Pag-angat ko kanyang ulo, ay titig na titig ito sa kanya at ang titig ay puno ng pagnanasa kaya naman itinulak niya ito sa kama dahilan upang mapahiga ang dalaga. Nagmamadali ang lalaki sa paghubad ng pang-itaas at pumatong kaagad sa nobya, mapangahas ang halik niya. Halik na sabik na sabik. Oh God, bakit sa tuwing hahalikan nya ko, nawawala ako sa sarili ko?  Unti unti na dng naglandas ang mga kamay nya sa katawan ko.Di ko mapigilang di gumanti at nagiging mapangahas na ang bawat sandali... Makikita ang pananabik namin sa isa't- isa. Hanggang sa, biglang may kumatok sa pinto. Tiyo, tiyo. Ano? Pasigaw at pagalit na sabi ni Marty sabay tayo at ngbihis. Tiyo, hinahanap ka po nila Engineer Nico, may impotante dw po sasabihin, ang sabi ni Alyssa. Si Alyssa ay anak ni Ate Lena at kapatid ni Lando. Susunod na kami. Sabi ni Marty. Tumayo na dn ako at nagbihis, ang mahalaga sakin ngayon ay naayos kaagad ang gusot.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

CEO, Unstoppable Love

read
799.5K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K
bc

The CEO’s Nerd Secretary

read
50.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook