Ara, ito na yung pinabili mo, sabi ni Kuya
Babe ipasalubong mo ito sa inyo. Masarap tong Julie's kakanin, specialty yan dito, kahit alam kong sa lugar nyo ay marunong dn magluto ng iba't ibang kakanin.
Ano ka ba, matutuwa sila Inay dito. Isipin mo kakain na lang sila at di na mapapagod magluto.
Napatawa ko sa sagot nya.
Babe, I miss you...
Miss you kaagad eh magkasama pa tayo.
Kasi pagkauwi ko mamaya matagal na kita makikita ulit. Bibisita ulit ako ha.
May cp naman, thank you nga pla ha. Mag-iingat ka sa byahe ha.
Maya maya....
Tito, tita, Kuya uuwi na po ako. Salamat po.. Pasencya na po na hinde ko na naligawan si Ara dito sa bahay nyo.
Ehhh.. pwede po ba ko dumalaw ulit mga after Christmas? Nagtatanung ang mga bata nya habang nakatingin kila daddy.
Ah sige iho, ayos lang naman. Sabi ni dad.
Salamat po sa mga halaman, Don't worry po magdadala ko ng pink of orange at pink princess pagbalik ko po...
Ah sige aasahan ko yan ha. Sabi ni mommy.
Ah pede ko din po ba kayo maimbitahan sa bahay, dont worry po susunduin ko po kayo. Para na din po makapamasyal kayo. Sariwa po ang hangin don.
Sige pede naman, pag-usapan natin sa susunod.
Sige po, magpapaalam na po ako. Nagmano sya kila daddy at hinarap ako.
Babe, bye. Call you later ha. Love you. Sabay halik sa buhok ko.
After 4 hours ng byahe....
Inay, Itay mano po. Ito po ang pasalubong ko from Nueva Ecija.
Nueva Ecija? nabiglang tanong ni Inay. Aba ay sabi mo may pupuntahan ka lang dyan, akala ko ay kila Elpie ka lang nagpunta, kung san ka na pla nakarating.
Nay ksi po may girlfriend na ako, si Architect Ara eh binisita ko po at nagpaalam ako ng maayos sa pamilya niya.
Kakahiwalay nyo pa lang kahapon eh, andun ka na agad. Talaga bang nahulog na loob mo diyan. Baka mamaya lokohin ka din naman.
Anak, ako eh alam ko naman na matanda ka na basta hangad ko na maging masaya ka. Mainam nga yan at ng makalimutan mo na yang si Mina, sabi ni Itay. Isa pa tama lang na magpakilala ka sa magulang niya.
Salamat Tay.
Naku si kunsintidor.. Naiinis na wika ni Inay.
Nay, mabait po si Ara, napakasimple at walang arte sa katawan, at alam mo ba nay first boyfriend ako. Medyo mas bata lang sakin ng 3 taon. Mababait po naman yung pamilya nya, nakakaangat din pero hinde matapobre.
Ay kagwapo mo anak pra tutulan ng pamilya nya.
Ay si Inay nambobola, ay siya nga po pala madami akong pasalubong sayo. May albo.
Ay, nasaan anak, excited na tugon ni Inay.
Naku napakadami po nilang alagang halaman. Matutuwa po kayo. Gusto nyo po sa next na pag bisita ko ay sumama kayo ni Itay.
Eto nga po pla ang picture nya.
Ay kaganda ngang dalaga hano at simple. Saad ni Itay, si Inay naman ay tatangu tango lng.
Nay ipag-ina nyo po ako ng pink princess at prince of orange bukas ha at ng pagdala ko dun ay buhay na.
Naku, meron na kong bagong naitanim sa likod. Bibigay ko syo.
Thanks po nanay. May dala din po ako magandang paso galing sa kanila.
Sa bayan sabi nyo kamamahal ng paso, sa kanila mura lng po.
Hinde na ako pinansin ni Inay dahil busy na sa mga bagong halaman kaya pumasok na lang ako at ngpahinga.
Kring kring...
Hello babe, nakarating ka na ba sa inyo?
Yes babe, miss na kita. So happy ni Inay sa mga plants.
Ah talaga, oh sya sige gabi na at magpahinga kna babe ha. Love you.
Cge babe, love you more... at pinatay na ni Marty ang phone.