Friday ay maaga kaming namili. Ang lahat ay busy at naglaan ng panahon sa pamamanhikan. Kinagabihan ay nagsimula ng magkatay kasama ang mga kabataan Kahit ang mga kapatid ni Itay ay ngsisipaghanda at sasama sa pamamanhikan kasama ang kanilang mga kabiyak. Bale sa bilang ko ay 21 kaming lahat. Dadalin ang van at ang van ni Bos Val. May dala ding jeep ang Kuya Victor na siyang paglalagyan ng mga gamit, mga malalaking kaldero ng pagkain, at baboy na lelechunin. Ultimo kahoy at lutuan ay dala dala namin. 2:00 AM ang call time namin. Friday ay dumating na sila Boss Val at knyang asawa kasama sina Engineer Nico at Foreman Zaldy. 5:00 AM ay nasa Nueva Ecija na kami. Gising na din sila at expected na ang pagdating namin. Ma, Dad good morning po. Ipinakilala namin isa isa ang mga kapatid n

