This is indeed a great party.
Habang si Marty ay nakikipag-usap kila Engineer Nico, isa sa knyang buddy sa Dubai, ako naman ay kumuha na ng food. My limang putahe din silang naluto at ang kare-kare ang specialty ni Ate Lena na pareho naming paborito ni Marty. Meron din biko, sapin sapin at buko pandan for dessert na gawa ni Tany. Sa amoy pa palang nawala na ang sama ng loob ko.
Madami kasing puno ng buko sa paligid kaya di nakakapagtakang buko juice ang inumin at lambanog ang alak.
Malamig ang paligid na napapaligiran ng bukid, na sina Itay at ang knyang mga kapatid ang nagsasaka kasama ang asawa ni Ate Lena at ilang pinsan.
Kami naman ay merong palaisdaan na ipina asikaso ky Tany, kaya madami dn inihaw na isdang nkahain, pusit at hipon, my nilagang gulay at buro dn. Napakasagana ng hain.
Pagkakuha ko ay umupo na ko sa aming mesa. Inabutan naman ako ni Alyssa ng buko juice dahil alam nyang paborito ko ito. Si Tany at Sol pati si Lando at Alyssa ay alam kong boto sakin, ngunit ang iba di ako sigurado. Si Ate Lena at Inay ay tahasan kong nakikita na mas gusto ang ex-girlfriend ni Marty na kapwa nya Engineer.
Agad naman akong nilambing ni Marty at nagpapasubo na parang bata. Sabagay nung magkasama pa kmi sa Dubai ay ganito kami kumain, habang busy sya sa harap ng computer, sinusubuan ko naman sya. Naging patago nga lang ang aming pagsasama dahil bawal dun ang ngsasama ng di kasal hanggang pinauna nya nako umuwi dito at di na sya pumayag na di sa kanyang bahay ako tumuloy.
Nakikita kong nagkakatinginan sila Engineer Nico, Boss Val at Foreman Zaldy. Sila ang mga closest friends niya sa company. Mga kasama namin sila sa Dubai project.
Maya maya ay nauna ng nagpaalam sila Engineer Lotie, na kanina ko pa nakikitang laging nakaktitig sa akin. Kasama si Architect Eloisa, Architect Art, Architect Ram at Engineer Robby. Babalik pa ksi sila ng Manila kung saan sila nakabase.
Samantalang yung nga unang nabanggit ay sa kubo matutulog dahil habang nakabakasyon, paguusapan na nila ang house construction ng bahay namin.
Meron kasi kaming pinatayung kubo bilang pahingahan pero maari dn itong tulugan, malamig at maaliwalas ang kubo dahil laging malinis. Si Lando ang nakatokang mangalaga nito.
Meron na kaming blue print at nakakataba ng puso na itatayo na ang aming dream house na siya naming dinesenyo ni Marty. Isa nga rin pla akong Architect. Kaya nga lng ay di na ako pinayagan pa ni Marty na lumayo at magtrabaho sa Manila, kaya bilang paglilibang, ipinasok na lang niya ako sa Rural Bank na pag-aari ng kanyang matalik na kaibigan sa bayan, sina Kuya Elpie at Ate Mary.
Di pa din natatapos ang kasiyahan, although madami ng nkaalis, madami pa din naman ang natira dahil sa inuman.
Nag-aaya na si Marty na umuwi. Alam na alam ko ang plano nya at bigla ako naexcite pero hinde din siya makaalis dahil di pa natatapos ang tropa niya sa pag-inum.
Paalis na sana ako pra maunang umuwi nag bigla akong tinawag ni Lando at ininvite kumanta sa Videoke. Pinagbigyan ko naman at pinili ang kantang Paubaya ni Moira.
While I am singing, alam kong napahanga ko sila, lalo na sila Inay dahil nuon lang nila ako narinig umawit bukod sa mga Dubai peeps. Si Lando at Alyssa lang ang nakakadinig ng boses ko dahil sila ang lagi kong kasama.
Sa message ng kanta, manaka nakang napapakunot ng nuo si Marty.
Narinig ko si Engineer Nico at Boss Val. Hanep ganda talaga ng boses ng misis mo. Maganda na talented pa. Napakaswerte mo pare.
Hmmmp... Bigla akong napalingon sa reaction ni Valeria sa katabing table. Kaya ko rin yan, sabay irap sa may gawi ko. Ngayun ko lng nakita ang ganoong ugali ni Valeria, di ko alam kung dala lng ba ng kalasingan o dahil hinahatak na sya ni Nila para umuwi.
Tama na yan, madami ka ng nainum, sabi ni Nila.
Ah siguro ayaw nya pang umuwi pero mapilit si Nila. Pagtayo nya, prang sinadyang sa gawi namin dumaan, napatid sya dahilan ng pagkakatulak nya sakin at napayakap kay Marty na parang dinidikit ang labi nya sa mukha nito. Agad namang nakaiwas at alangan syang tinulungan ni Marty ngunit ng makita nyang nabangga ako sa lamesa, binitawan nya ito kaagad at mabilis nya akong nilapitan at inalalayan. Lalong tumalim ang mata ni Valeria.
Iba ang pakiramdam ko, sabagay dati pa mailap na sya kahit si Vina na kapatid nya ay nakikipagusap naman sakin, pero si Valeria, never syang bumati man lang. Ngayon ko lubos na naintindihan, na may pagtatangi siya sa asawa ko.
Babe are you okey? Where does it hurts? Sabi ni Marty.
Yumakap nalang ako kay Marty to hide my eyes on him.
Nakipagtitigan ako ng matalim kay Valeria. Maya maya ay bigla na lang syang nabuwal at dahil si Marty ang pinakamalapit, binuhat nya ito. Pero bakit kitang kita ko ang sadyang pagyakap nya, pagngiti habang nakapikit at sadyang pagdikit ng ulo nya sa dibdib ni Marty.
Ang mga tao sa lamesa ay mga nakamasid lang din. Alam kong lahat sila ay nahalata kung ano ang nakita ko. At base sa aura ko alam nilang galit ako kaya ni isa walang lakas ng loob na kumibo.