Babe ibaba ko muna itong bag ko sa room ko ha.
Babe patingin naman ng iyong room.
Naku baka ano ang isipin nila.
Di naman tayo magtatagal sisilip lang ako, sabay smile niya ng matamis.
Pagpasok namin sa bahay ay walang tao, nilapag lang namin ang mga kakanin sa lamesa at tumuloy na sa room ko.
Pagpasok namin, agad nya akong niyakap ng mahigpit, babe I miss you so much.
He was looking at me in the eye hanggang sa unti unti nyang nilalapit ang kanyang lips sakin. Nagulat ako at natakot, di ko alam kung paano tutugon, pero magaling siyang magturo kaya unti unti ko ng natutunan. Marahan ang mga galaw ng labi nya.
It was a very passionate kiss at first hanggang sa naging mapaghanap ang bawat halik niya na kusa ko namang tinutugon. Para na akong mauubusan ng hininga.
It is indeed my very first kiss, masarap pala.
Babe that was my first kiss.
I know, kasi di ka pa sanay humalik.
Eh bakit ikaw, dahil ba madami ka ng nahalikan?
Hoy di ah.
Hinde pa rin sya bumibitaw sa pagkakayakap sakin.
Unti unti na naman niya kong hinalikan, this time mas marahas na at nagiging mas magalaw na ang dila nya. Akala ko nung una, pag napapanuod ko sa TV, sabi ko kadiri pero iba pala ang feeling pag mahal mo ang humahalik sayo. Nakakabaliw, nakakawala ng katinuan.
Mahihinang ungol na lang ang madidinig sa loob ng room, hanggang sa itinulak ko na sya at baka di na sya makapagpigil at kung ano pa ang nangyari
Nagtatakang nagbukas siya ng mga mata habang nakakunot ang noo.
Babe masyado na tayong matagal dito sa room baka ano na ang isipin nila.
Yeah tama ka, malapit na kong di makapagpigil. Sa susunod lagot ka na. Nanunuksong sabi nya. Halika na.
Hinila na niya ko palabas ng room.
Nagsimula na kaming maghain ng meryenda dahil maya maya ay kailangan na nilang bumiyahe pabalik sa kanila.
Naku kakain na naman tayo, sabi ni Itay.
Eh masarap yan pare at specialty yan dito sabi ni Daddy.
Pare baka libre kayo sa January 1 eh kayo naman ang pumasyal sa amin.
Pare di kami uubra nuon at may mga kaibigan kaming papasyal dito. Mga January 2 siguro.
Sige po Daddy, susunduin ko po kayo. Nagulat ako sa sinabi ni Marty na daddy. Sakali po ba eh may hotel akong matutuluyan kasi po mga January 1 po ako darating.
Maghohotel ka pa eh pede ka naman rito.
Nagliwanag ang mukha ni Marty.
Thank you po daddy.
Nagkakatinginan sila Mommy at Daddy sa excitement ni Marty.
Naku sige pare at magpapahanda ako, nga lamang ay mas madaming isda samin kysa karne. Sabi ni Itay.
Ay ok lang yun pare masarap nga yon lalo at inihaw. Sagot ni daddy.
Magpapahanda din ako ng alak.
Ay di po umiinum ang daddy ko Itay. Sagot ko.
Ay mabuti naman at di rin nainum itong si Narding ko, sabi ni Inay.
Mare, salamat sa pagbisita ha at sa pag-imbita. Sabad ni Mommy
Walang dapat ipag-alala at nagpapasalamat din kami sa pag-istima ninyo, sagot ni Inay.
Salamat din sa pagtanggap sa aming si Marty. Singit pa ni Itay.
Nakipag-usap naman sya sa amin ng maayos eh. Kaya ayos lang pare...
Eh panu ba yan pare, uuwi na kami at baka gabihin kami masyado sa daan.
Eh sya sige mag-iingat kayo.
Oh iho, sumama kayo sa pagpunta sa amin ha. Sabi ni Inay kay kuya.
Opo, opo sagot ni Kuya Denny at Ate Beth.
Bye bye po, singit naman ng dalawang makulit, si Zax at Minmin.
Babe mauuna na kami. See you in a week. Mamimiss kita habang yakap yakap ako. Mag-iingat ka ha.
Kayo nga dapat mag-ingat.
Ang higpit ng nga yakap namin sa isa't isa.
Bye babe..
Nakamasid lang kami habang paalis ang car nila..