EPISODE 12: "A-ano pong ibig n'yong sabihin, Sir?" tanong ko pa sa kaniya habang kinakabahan. Hindi niya puwedeng maalala ang nangyari, ayokong makasira ng relasyon nila ng kaniyang fiancé. Marahan itong tumayo at unti-unting lumapit sa akin. Dahil nakapuwesto ako sa bandang gitna ng silid, dahan-dahan akong napapa-atras at kaunti na lang talaga ay maglalapat na ang mga balat naming dalawa. “I can’t seem to find any reason to dream about you, Miss Manansala,” he uttered soberly sabay hatak sa kwelyo ng puting polo shirt ko. “After this given collaboration, make sure to stay out of my sight. I can’t afford to lose my fiancé for the likes of you.” Hindi ko alam kung bakit biglang may pintig akong naramdaman sa dibdib ko. I felt like something heavy has been thrown to me. Normal lang din

