EPISODE 17: Ilang araw na ang nakakalipas simula noong nalaman ng mga Montesilva na buntis ako pero hindi pa rin mawala sa memorya ko ang bawat katagang sinabi sa akin ni Sir Benedict. Pakiramdam ko ay ako ang sinisisi ng lahat kung bakit nagkagulo ang mga buhay nila. "Rose? Rose? Lumabas ka naman na oh, kagabi ka pang hindi kumakain." Bahagya akong napapahid ng mga luha ko nang marinig ko ang pagsalita ni Cha galing sa labas ng kuwarto kung saan ako tumitigil ngayon. Mabuti na lang dahil may magandang puso si Senyorito Hadji. Kahit ganoon na ang mga nangyari ay hindi niya pa rin ako pinababayaan. Kaya lahat ng mga kasambahay rito ay tumatagal dahil sa kabaitan niya. "Rose? You need to eat." Narinig kong nagsalita na rin si Senyorito Hadji sa labas ng pinto. Ayaw ko talaga sanang magp

