THE BIG EVENT OF THE MONTESILVA’s

1190 Words
EPISODE 5: Dalawang araw na ang nakalipas simula nang makilala ko ang kapatid ni Sir Benedict na si Sir Brandon. Sa mga balita at diyaryo ko lang nakikita ang mga mukha nila dati pero hindi ko pa sila kilala noong mga panahon na iyon. Sino ba naman ang mag-aakala na takot pala si Sir Brandon sa mga pusa? "Teka lang Rose, ako na ang bahala sa make up mo at kilay." "Eh, kayo na lang ang pumunta dun sa party, Cha," tugon ko pa kay Cha habang nakasimangot. Ngayon kasi gaganapin ang party sa mansiyon ng mga Montesilva at kanina pa ako pinipilit ni Cha na sumama. Hindi ako makalusot sa kaniya dahil pinahiran niya na rin ako nitong dress at siya na rin daw bahala sa make up ko. "Dali na kasi, isang beses lang mag-birthday si Sir Brandon kaya sumama ka na lang," pagpipilit pa nito sa akin. "Sige ka, wala kang kasama rito mamaya at may after party pa na magaganap." Wala naman na akong nagawa dahil kahit ano'ng gawin ko ay hindi ako makakatangi kay Cha. Bumuntong-hininga na lang ako sa kaniya. "Sige na nga, pero baka saglit lang ako at uuwi na lang din kaagad. Hindi kasi ako sanay sa mga ganiyan." "Yehey! Sige, basta sumama ka lang talaga at paniguradong matutuwa ka." Tuluyan na akong nag-ayos ng sarili ko at isinuot ang dress na pinahiram sa akin ni Cha. Isa raw ito sa mga sample ng kompaniya nila Senyorito Hadji na ibinigay sa kaniya pero hindi niya nagustuhan ang kulay. Light yellow ang kulay ng dress at nagustuhan ko iyon kaya hiniram ko na lang sa kaniya. Pasado alas-syete ng gabi nang pumunta na kami ni Cha sa mansiyon ng mga Montesilva. Sa bandang likurang bahagi ng bahay nila gaganapin ang birthday party kaya nang makarating kami roon ay mayroon nang mga naliligo sa swimming pool. "Nakakahiya naman dito, Cha. Halatang mayayaman lahat ng mga bisita," mahinan usal ko kay Cha nang makapwesto na kami sa gilid ng swimming pool. Marami na halos ang mga tao na nandito kaya mas lalong dumadagdag ang social anxiety ko. Hindi kasi ako sanay makihalubilo sa ibang tao lalo na noong tumigil na ako sa pag-aaral dahil wala na kaming pera. Hindi rin naman kayang matustusan ng mga raket ko ang ibang expenses kahit na isa akong iskolar ng bayan. “Hey, Cha! Rose! Finally, you guys are here.” Napatingin na ako nang makita namin si Senyorito Hadji na naglalakad papunta sa pwesto namin. “Senyorito, ang pogi n’yo naman po,” usal sa kaniya ni Cha. “Thanks, Cha. You’ve been my number one fan since day one,” nakangiting tugon din naman ni Senyorito sabay sulyap sa akin. “I hope you are enjoying the ambiance of the party, Rose. Just let me know if it’s bothering you, and well, that dress looks good on you.” Ngumiti na ako sa kaniya. “Salamat po, Senyorito. Masaya naman po rito at kasama ko naman si Cha kaya hindi naman po ako nahihirapan.” “Good to hear. See you guys around since the party will be starting soon.” Nang makaalis na si Senyorito Hadji, ipinagpatuloy lang namin ni Cha ang pagmasid sa iba’t-ibang mga bisita. Hindi na rin ako nagulat na kahit ilang mga artista ay nandito dahil sa sobrang yaman ba naman ng pamilya nitong mga Montesilva. Makalipas ang ilang minuto, nagsi-ayos na rin ng upo ang lahat dahil nag-umpisa nang magsalita ang host. Isa-isa na ring nagsilabasan ang buong angkan ng Montesilva hanggang sa nasagip na ng paningin ko sina Sir Benedict at si Sir Brandon. “Thank you everyone for joining with us here tonight,” bungad na usal ng isang lalaki. “Cha, sino ‘yan?” pagtatakang tanong ko. “Ah, si Don Faustino, ang ama nila Sir Benedict at Sir Brandon.” Tumango-tango na lang ako habang nagsasalita ito hanggang sa pumagitna na rin si Sir Brandon na nakangiti. Magkaibang-magkaiba talaga silang dalawa ni Sir Benedict. Kung gaano kamainitin ang ulo ni Sir Benedict, ganoon din naman kabait si Sir Brandon. “It won’t be a long introduction as I know everyone here tonight is excited for the party. But then, I would like to thank everyone who attended my party,” nakangiting pahayag ni Sir Brandon. “Without further a do, let’s all enjoy the rest of the night. Thank you!” Nag-umpisa na rin ang dinner sa lahat at dahil mayroong buffet, kaniya-kaniya na kaming kuha ng pagkain. “Grabe, sobrang dami ng pagkain,” hindi makapaniwalang pahayag ko habang kumukuha kami ni Cha ng kakainin. “Parang ilang barangay ang papakainin ng mga Montesilva sa dami.” Narinig ko ang pagtawa sa akin ni Cha habang kumukuha ng kanin. “Masanay ka na sa mga ganito, Rose. Hindi lang mayaman ang mga amo natin at kapitbahay, kung hindi—sobrang yaman!” Nagsitawanan na lang kaming dalawa ni Cha at bumalik na rin sa pwesto namin. Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay naisipan kong kumuha ng dessert kaya tumayo na lang ako at naglakad sa dessert section. Kumuha ako ng dalawang slice ng cake at frappe. Nang pabalik na ako sa table namin, napasulyap ako kay Sir Brandon at Marie na masayang nag-uusap. Hinayaan ko na lang ang mga ito dahil narinig ko ngang may gusto si Sir Brandon kay Marie. “Hey, isa that you Rose?” Bigla akong napatigil sa paglalakad nang tawagin ako ni Sir Brandon. Nako, mukhang problema na naman ‘to… “H-hi po, Sir. Happy birthday!” nakangiting bati ko na lang. Aalis na sana ako pero nilapitan naman ako ni Sir Brandon at iniwan si Marie kaya masama na naman ang tingin nito sa akin. “Thanks, Rose. If it wasn’t for you baka wala ako sa birthday ko ngayon because of those cats,” natatawang saad pa nito. “W-wala po ‘yon, Sir. Maliit na bagay,” maikiling tugon ko. Ayoko na kasing humaba pa ang pag-uusap dahil mukhang nag-aapoy na ang mga mata ni Marie sa akin. Tinapik na ako sa balikat ni Sir Brandon. “See you around then. Just enjoy the party and it’s nice to be friends with you, Rose.” “K-kayo rin po…” Nang makaalis na ito ay dali-dali akong tumalikod upang maglakad pabalik sa table namin pero mas mabilis naman si Marie para harangan ako. “Linta ka, hindi lang pala si Sir Benedict ang nilalandi mo, pati rin pala si Brandon. Ano bang gusto mong palabasin, Rose?” giit nitong pahayag sa akin. Bumuntong-hininga na lang ako. “Wala akong ginagawang masama, Marie. Atsaka sa’yong-sa’yo na si Sir Brandon no, hindi ko nga alam kung bakit galit na galit ka sa’kin.” “Kasi isa kang ambisyosang malandi na feeling mo makakapag-asawa ka ng mayaman. Pwes! Diyan ka nagkakamali, Rose. Kahit ano’ng landi mo pa sa kanila kahit kay Senyorito Hadji, walang papatol sa’yo, tandaan mo ‘yan.” Inirapan na lang ako at tinalikuran na. Masakit ang mga salitang binitawan ni Marie pero sanay naman na ako sa mga ganoon kaya hinayaan ko na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD