ANG LALAKING TAKOT SA PUSA

1215 Words
EPISODE 4: Parang gusto ko na lang tumakbo nang sobrang bilis dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko ngayon. Tila kumukulo ang tiyan ko habang may mga paru-paro na nasa loob. "Who the hell permitted you to enter my room?" malakas na sigaw nito sa akin sabay hablot ng bathrobe at isinuot sa kaniyang hubo't-hubad na katawan. Nanginginig akong iniabot sa kaniya ang paperbag sabay yuko. "P-pasensiya na po kayo, S-sir. S-sinabihan po ako na umakyat dito—" "Wait. You're not a helper from our house right? You're that girl from Hadji's house?" "O-opo..." "You really dared to do such thing without taking into considerations, you stupid," anito sabay pisil sa gitna ng mga kilay nito. "Drop those things and leave immediately. I don't have time for you." "S-sige po, Sir. Pasensiya po talaga ulit." Dali-dali ko nang inilagay sa table na nasa gilid ko ang paperbags at nagpaalam. Tumakbo na ako palabas ng mansiyon hanggang sa makabalik ako sa gate ng bahay nila Madam Alessandra. Kahit na nakauwi na ako ay nanginginig pa rin ang buong katawan ko sa sobrang takot. Ayaw ko kasi talagang sinisigawan ako dahil na rin siguro sa mga nangyari sa past ko. "Oh Rose, kumusta naman? Nakita mo ba si Sir Benedict? Yummy ba?" Napahinga na lang ako nang malalim nang nilapitan na ako ni Cha. Tinapik ko na lang ito sa balikat at pilit na ngumiti. "Naibigay ko na, Cha. Pasok muna ako sa loob at marami pa akong kailangang tapusin." Hindi naging madali sa akin ang trabaho ko sa mga sumunod na araw. Pero mabuti na lang dahil kapag nandiyan si Senyorito Hadji sa mansiyon, medyo nagiging maayos ang pakikisama sa amin nila Ma'am Belinda at ni Marie. Wala rin kasi palagi sila Donya Alessandra at Don Arturo dahil sa kanilang trabaho kaya palaging kami ang naiiwan dito sa mansiyon para magtrabaho. Kapag naaalala ko na naman ang mga nangyari noong aksidente akong nakapasok sa kwarto ni Sir Benedict, hindi ko mapigilang mainis sa sarili ko. Hindi lang kasi sa bandang itaas niya ang nakita ko kung hindi ang buong katawan nito at hindi ako sanay sa mga gano’n. "May isusuot ka na ba sa gaganapin na party sa mansiyon ng mga Montesilva?" Bahagya akong napatingin kay Marie habang nakikipag-usap ito sa ibang mga kasambahay. Tahimik lang ako ritong naglilinis ng mga vase dahil umalis si Cha para tumulong sa pagbili ng mga grocery. "Wala pa nga, Marie. Ikaw ba? Paniguradong invited ka na naman dahil kay Sir Brandon," nagikhik na usal sa kaniya ni Ana. "Of course, matagal ko nang alam na may gusto sa akin 'yang kapatid ni Sir Benedict pero mabagal lang talaga siyang kumilos." "Ay, ang haba naman ng buhok mo, Marie. Paano ba maging katulad mo?" tanong pa sa kaniya ni Ana. Marahan niya namang hinawi ang kaniyang buhok sabay kindat. "Ang unang step para maging katulad ko ay...maging maganda, kaya alam mo na ang sagot diyan, Ana." Hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot para kay Ana. Tunay nga naman kasi talagang magandan si Marie dahil may pagka-mestiza ang mukha nito ay matangkad din siya, pati ang kaniyang hubog ng katawan ay maganda rin. Tuluyan na akong tumayo at kinuha ang basahan para maglinis sa kabilang bahagi ng sala. “Hey, Rose. Kanina ka pa ba diyan?” Napatigil ako nang biglang tawagin ni Marie ang pangalan ko. Lumingon na lang ako at ngumiti sa kaniya. “A-ah, medyo. Katatapos ko lang maglinis dito.” “So, ano’ng nangyari noong ikaw ang nagbigay ng mga regalo ni Madam sa mga Montesilva?” tanong pa nito sa akin. “Ayon, b-binigay ko lang sa isa sa mga kasambahay nila at umalis na lang din kaagad,” pagsisinungaling ko. “S-sige, marami pa akong gagawin.” Dali-dali na akong naglakad palayo sa kaniya. Maliban kasi sa ayaw kong makipag-usap kay Marie, ayoko rin namang magkaroon ako ng problema rito sa mansiyon lalo na at ako ang baguhan pagkatapos ay malapit pa siya kay Ma’am Belinda na Head Maid ng mansion. Mabuti na lang at nakabalik din kaagad sila Cha galing sa grocery store kaya may kasama na ulit ako rito sa mansiyon. “Ano kaya ang susuotin ko para sa party sa susunod na araw…” Kanina ko pa napapansin si Cha na halos ilabas na ang kaluluwa ng kaniyang cabinet dahil sa paghahanap nito ng mga damit. “Ano ba’ng hinahanap mo, Cha? Kanina ka pa diyan sa cabinet,” pagtatakang tanong ko sa kaniya. Buntong-hininga siyang napaharap sa akin sabay hawak sa noo nito. “Ay, oo nga pala. Nasabi ko na ba sa’yo na tuwing may party rito sa kapitbahay natin ay invited pati ang mga kasambahay?” Umiling naman na ako sa kaniya. “Hindi pa, e. Ang galing naman kung ganoon…” “Ayon, kaya ako naghahanap ng maisusuot dahil sa susunod na araw na ‘yon. Birthday kasi ng bunsong anak nila.” “Gano’n ba…” Unang pumasok kaagad sa isip ko ay ang hindi pumunta sa gaganaping party dahil ayokong makita si Sir Benedict pagkatapos ng mga nangyari. Isa pa, wala rin naman akong damit na susuotin kaya mapapahiya ko lang ang mga amo ko kapag pumunta ako roon sa party na parang basahan. “Dali na Rose, mag-ayos ka na rin ng mga damit mo para sabay na lang ang pag-plantsa natin mamayang gabi.” Tumayo na ako at ngumiti lang sa kaniya. “Ah, mamaya na ako Cha, nakalimutan ko nga pa lang ilagay ang mga basura sa labas ng gate at bukas pa naman dadaan ang truck.” “Sige.” Lumabas na ako sa kwarto namin ni Cha at tumungo sa kusina. Umiwas na lang ako dahil hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin sa kaniya na hindi ako sasama sa party. Kinuha ko na ang mga basura at dinala sa labas ng gate nang may makita naman akong tatlong pusa na parang may hinahanap sa likod ng basurahan. “Aw, cute. Ming, miming…” mahinang tawag ko sa mga pusa. Ang kaninang galit nilang mukha ay napalitan ng galak nang tawagin ko ang mga ito. Sadyang magaling lang talaga akong magpa-amo sa mga pusa dahil simula noong bata ako ay gustong-gusto ko ang mga ito. “Y-you’re not afraid of them?” Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko nang mayroong nagsalita sa bandang likuran ko. Pati ang mga pusa ay nagulat din dahilan para tumakbo na ito palayo sa akin. “Sino ka?!” mariing tawag ko. Wala pang ilang segundo ay mayroon nang lumabas na lalaki sa likod ng basurahan. “S-sorry, I was afraid of cats so I’ve hid in here. Thanks for saving me.” Hindi kaagad ako nakapagsalita dahil nakikita ko ang mukha niya kay Sir Benedict. Pinagmasdan ko muna itong mabuti at malaki talaga ang pagkakamukha nilang dalawa. “A-ah, a-ayos lang,” tugon ko rito at napaayos na ng tayo. “S-sige, pasok na po ako at umuwi na rin kayo kung taga saan ka man—” “W-wait. I need to thank you, I might give you something or what. Anyway, my name is Brandon. Brandon Montesilva.” “B-brandon M-montesilva?!” Nako, kaya pala magkamukha sila ni Sir Benedict, ito pala ang kapatid niyang sinasabi nila Marie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD