ISANG BENEDICT MONTESILVA

1297 Words
EPISODE 3: Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang mga sinabi nito. Dali-dali kong binitawan ang walis at yumuko sa harapan nito. "Pasensiya na po talaga kayo, Sir. Hindi ko talaga alam na anak po kayo ng amo ko," mangiyak-ngiyak kong usal sa kaniya. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa ginawa ko. "It's fine, it's fine," pahayag nito sabay tapik sa balikat ko. "It was actually my fault by breaking into the fence without any notice. Kapag sa main gate kasi ako dumaan ay siguradong malalaman nila Mom and Dad na nandito na ako. I would like to surprise them." Doon na ako napasulyap sa bouquet ng bulaklak at ngumiti. "Hindi naman pala lahat ng mayayaman ay arogante..." "Did you say anything?" "A-ah, wala po, Sir. Kako ay pumasok na po kayo sa loob bago pa man kayo makita," nakangiting tugon ko pa. "Go with me, I'd like to know more about you. Anyway, what's your name?" Minabuti kong malinis ang mga kamay ko bago ko ito inilahad kay Senyorito Hadji. "Ako nga po pala si Rose Manansala." "It's nice to meet you, Rose." Nakayuko ako habang naglalakad kaming dalawa ni Senyorito Hadji sa loob ng kanilang mansiyon. Kahit na sobrang bait niya sa akin ay hiyang-hiya pa rin ako sa ginawa ko dahil sa muntikan ko nang paghampas ng walis sa mukha niya. Kung hindi niya iyon nasalo ay baka wala na akong trabaho ngayon. "Senyorito Hadji? Rose? Bakit kayo magkasama?" Napatigil kami sa paglalakad nang tumambad sa harapan namin si Cha bago pa man kami makarating sa sala. "A-ah, a-ano kasi Cha, sa likod—" "I'm sorry but I need to see my parents for a while. I will be back later since I've got some presents for you guys also," pagputol sa akin ni Senyorito Hadji at dali-dali nang umakyat papunta sa second floor kung nasaan ang mga magulang nito. "Hala! May ibibigay raw sa'tin si Sir Hadji. Excited na ako!" Lumabas na naman ang pagiging makulit ni Cha at niyugyog na naman ako. Napangiti na lang ako sabay iling. "Kung alam mo lang ang ginawa ni Senyorito, Cha." "Ay, oo nga pala. Paano kayo nagkasama kung hindi ko naman siya nakitang pumasok sa gate? Nakabantay kaya ako dun." "Ayon na nga, dahil gustong i-surprise ni Senyorito Hadji ang mga magulang niya, sa likurang bahagi siya ng bahay dumaan kaya ko siya nahuli," natatawang paliwanag ko kay Cha. Tumango-tango na lang ito sa akin. "Minsan, hindi ko rin maintindihan 'tong si Senyorito Hadji. Diyan ka na nga muna, Rose, babalikan ko lang ang ginagawa ko sa labas." "Sige, Cha, ako rin." Bumalik na rin kami kaagad sa mga ginagawa namin hanggang sa matapos ko nang linisin ang likurang bahagi ng mansiyon hanggang sa pasado alas-kwatro ng hapon ay pinatawag na kami ni Senyorito Hadji sa salas. "So, you're the new helper in this house, Rose. I'm sorry we met at a wrong timing earlier.” Ngumiti na ako kay Senyorito Hadji. “Wala po ‘yon, Senyorito. Pasensiya rin po sa naging asal ko kanina.” “It was my fault,” aniya sabay abot sa amin ng mga paperbags. “I’ve brought some samples from the company. I thought you guys might like it.” “Talaga po, Senyorito? Bagong damit na naman po ba?” nakangiting tanong pa ni Marie. Tumango-tango na si Senyorito sabay ngiti sa amin. “Yeah. You guys are a good critics that has been doing it for few months already. Anyway, excuse me for a while.” Nang makaalis na si Senyorito Hadji, isa-isa na nilang binuksan ang mga paperbag at nagulat ako nang makita ang mga iba’t-ibang dress kaya lumapit na rin ako kay Cha. “Cha, bakit namimigay nang ganito si Senyorito?” “Normal na ‘to kay Senyorito, Rose. Sadya talaga siyang mabait kaya kahit na masungit si Madam Alessandra, walang problema sa amin dahil nandito naman siya para ipagtanggol kami.” Bahagya akong napatingin sa likurang ni Senyorito Hadji habang naglalakad ito sa hagdan paakyat ng second floor. “Kaya pala…” “Marie!!” Napatigil kaming lahat nang biglang sumulpot sa harapan namin si Madam Alessandra habang may dala-dala itong paperbags. “Yes po, Madam?” tanong ni Marie sa kaniya. “Bring this to the Montesilva Mansion and tell them that it’s my gift.” Ang nakasimangot na mukha ni Marie kanina ay napalitan ng napakalapad na ngiti. Kaagad nitong kinuha ang paperbag. “Ay, noted po Madam! Ako na po ang bahala—” “Wait, I forgot.” Napatigil na si Madam. “Didn’t Belinda tell you to clean the backrooms? Have you finished it?” Marahang napa-iling si Marie. “H-hindi pa po, M-madam. Pero pagkatapos ko pong ibigay ‘to ay lilinisin ko rin po—” “No. Give it to Rose instead, siya na lang ang magbibigay.” “Po?” Bigla akong natigilan nang tawagin ako ni Madam. “Yes, ikaw Rose. You will be the one to bring these to the Montesilva’s at may gagawin pa si Marie.” Iniabot na niya sa akin ang paperbags at kaagad na ring umalis. Tinapik na rin ako ni Cha. “Ang swerte mo naman, Rose. Baka makita mo pa si Sir Benedict.” “Tse!” Napatingin na ako kay Marie na bigla akong inirapan pero kahit ano naman ang gawin ko ay wala na akong choice kung hindi ang sundin na lang ang utos ni Madam Alessandra. Kaagad na akong lumabas ng mansiyon at naglakad papunta sa gate ng mga Montesilva. Kung malaki ang mansiyon nila Madam ay walang duda namang mas malaki ang mansiyon nito. “Hello po?” “Ano kailangan n’yo?” rinig kong tugon ng nasa loob ng gate. “May ibibigay lang po sana ako galing po kay Madam Alessandra,” tugon ko pa sabay pakita ng paperbag sa bandang CCTV na nasa gilid ng gate. Makalipas ang ilang segundo, biglang bumukas ang gate kaya nagulat ako. Hindi na kasi ako nag-expect na pagbubuksan ako dahil magbibigay lang naman ako nitong paperbag. “Diretso n’yo na lang iyan sa loob kay Madam,” usal ng isang guard sa akin. “Ay, s-sige po…” Dahan-dahan na akong naglakad papasok sa loob dahil kinakabahan ako. Ayoko kasi talaga sa ganitong mga sitwasyon dahil baka may masira pa akong mga gamit o ano. Nang makarating na ako sa pinto ng mansiyon, walang sumalubong sa akin kaya hindi ko alam kung papasok ba ako o ano. Pero nang may makita akong babae na naglalakad papunta sa direksyon ko, nakahinga na ako nang maluwag. “Hello po, Ma’am! Mag pinapabigay lang po si Madam Alessandra—” “Iakyat mo na lang ‘yan sa kwarto ni Madam sa taas sa unang kwarto na makikita mo at nagmamadali ako,” tugon nito sa akin at nilagpasan na lang ako. “P-pero, Ma’am…” Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Mukhang wala na nga akong choice kung hindi ang sundin na lang ang babae na dalhin ito sa kwarto ng amo niya sa taas. Dahan-dahan na akong umakyat sa taas at napatigil sa unang kwarto na nakabukas ang pinto. Dahil dito ako inutusang pumunta, binuksan ko na kaagad ang pinto sabay pasok sa loob. Nang mapatingin ako sa bandang kama, biglang nanigas ang buong katawan ko nang makita ang lalaking hubo’t-hubad habang may hawal itong bathrobe na nakatalikod sa akin. Bigla itong humarap nang marinig niya ang pagkalas ng paperbag. “What the fvck are you doing in my room?!” “A-ahh…” Hindi ako nakapagsalita dahil ang nasa harapan ko lang naman ngayon ay si Benedict Montesilva na walang saplot ang buong katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD