EPISODE 7
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman ko ang isang mabigat na bagay na nakadagaan sa akin. Nang tuluyan na akong nagising, aking gulat ko na lang nang makita ang lalaking nakadagan sa dibdib ko habang mahimbing itong matutulog.
"S-sir Benedict?!"
Halos manigas ako sa posisyon ko nang makita ko itong mahimbing na natutulog habang yakap-yakap ako. Mahigpit na nakadagan ang kaniyang braso sa dibdib ko na walang saplot.
Kaagad akong napahawak sa pagitan ng kilay ko at pilit na inaalala ang mga pangyayari pero masyado akong nahirapan. Wala akong maalala sa nangyari kagabi bago ako mapunta rito kaya tumayo na lang ako nang dahan-dahan sabay alis ng kaniyang napakabigat na braso sa dibdib ko.
“Hmm…”
Napatigil ako nang marinig ko itong umungol. Para akong magnanakaw na marahan lang na gumagalaw rito. Ang tangina kailangan ko lang talaga ngayon ay maka-alis sa kwartong ito at umuwi. Nang maramdaman kong hindi na ulit siya gumalaw, humakbang na ulit ako hanggang maramdaman kong sumasakit ang bandang hita ko. Tiningnan ko ito at laking gulat ko nang makita kong may mga natuyong dugo na kumakalat.
M…may nangyari sa amin ni Sir Benedict?!
P…paano nangyari ‘to…
“Hala!” Medyo napataas ang boses ko dahilan para mapagalaw ulit si Sir Benedict. Dahil sa nakita ko ay hindi ko na alam ang gagawin ko kaya dinampot ko na lang nang mabilis ang mga damit ko at isinuot ito pabalik. Hindi ko na muna inisip ang mga posibleng resulta at baka lalong hindi ako makalabas dito.
Lumabas na ako sa kwarto niya at hindi pamilyar na interior ang sumalubong sa akin. Yumuko na ako at bumaba sa hagdan para makabalik sa mansiyon nila Madam Alessandra.
“Rose? Is that you? What are you doing here?”
Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang sumalubong sa akin si Sir Brandon. Pilit akong ngumiti kahit na nanginginig na ako sa kaba. “A-ah, m-may ipinabigay lang po si Madam k-kay ano…kay ano S-sir…kay Sir Benedict.”
“Oh? Did you talk to Benedict then?”
Umiling na ako. “H-hindi po, e. Iniwan ko lang dun. Sige po, mauna na ako. Bye, Sir!”
Dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdan at lumabas na sa mansiyon. Hindi ko na rin pinansin ang ilang mga kasambahay na nakakasalubong ko pati sila Manong Guwardiya. Nang makarating ako sa mansiyon nila Sir Hadji, dumiretso kaagad ako sa kwarto namin ni Cha.
“Jusko! Dumating ka rin, Rose.” Bungad nito sa akin sabay hawak sa magkabilang braso ko. “Kagabi pa kita hinahanap. Nasampal ko na nga nang malakas si Marie dahil siya ang huling kasama mo kagabi bago ka nawala sa paningin ko.”
“C-cha…”
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Cha ang mga nangyari. Ilang linggo pa lang akong nagtatrabaho rito pero may problema na kaagad na dumating. Hindi rin naman biro ang problema dahil si Sir Benedict ang damay.
“Alam mo, ang dami kong tanong sa’yo pero mamaya na lang at marami pa tayong trabaho,” usal pa ni Cha sa akin. “Pupunta raw rito ang bisita ni Senyorito mamaya kaya kailangan nating maghanda at maglinis.”
“A-ah, s-sige magbibihis lang ako.”
Pabigat nang pabigat ang dibdib ko ngayon. Ang tanging pinagdadasal ko lang ay walang alam si Sir Benedict sa nangyari sa aming dalawa. Mabuti na lang talaga at nauna akong nagising sa kaniya dahil kahit ako ay walang maalala sa nangyari kagabi.
Buong umaga kaming naglinis ng opisina ni Senyorito Hadji. Hindi ko alam kung sino ng kaniyang magiging bisita pero hindi na ako nagtanong dahil occupied pa rin ang utak ko sa sarili kong problema. Pagkatapos kong maglinis ng mga shelves ay tumungo muna ako sa kusina para uminom ng tubig. Tamang-tama naman na nadatnan ko roon si Marie kaya nilapitan ko na ito kaagad.
“Marie, ano’ng nangyari kagabi? Bakit ako napunta sa kwarto—”
“Oh, so it really happened? Ano, kumusta ang pagkuha ng virginity mo sa isang guwardiya? Does it feel good?”
Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Ibig sabihin sinadya niya nga akong iwan doon para makuha ang virginity ko? Pero bakit sa isang guwardiya ang sinasabi niya? Hindi kay Sir Benedict? Ang gulo.
“Ano’ng ibig mong sabihin, Marie? Sinadya mo ang lahat ng ‘yon?” giit kong tanong sa kaniya.
Inirapan niya lang ako. “Ang landi mo kasi. Hindi ka na nakuntento, pati si Brandon dinamay mo sa kalandian mo. Serves you right, sana mabuntis ka ng guwardiya at maghirap habang-buhay!” Tinalikuran na niya ako at naglakad palayo.
Hindi ko mapagtanto kung saan nanggagaling ang labis na galit sa akin ni Marie at kaya niyang gawin iyon. Gusto ko sana siyang sundan at sabunutan pero pinigilan ko na lang ang sarili ko hanggang sa hindi ko na namalayan na may mga luha nang tumutulo sa mga mata ko.
“Rose? Can you please bring this to the visitor in Senyorito’s office?”
Napabalik ako sa diwa ko nang tawagin na ako ni Chef Carl. Ang cook dito sa mansiyon. Lumapit na ako sa kaniya sabay pahid ng mata ko. “Sige po, Chef. Ito lang po ba lahat?”
“Yes. Iyan lang ang ni-request ni Senyorito for his visitors.”
Kinuha ko na ang isang tray ng mga parang patatas at pasta. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa taas hanggang sa makarating na ako sa tapat ng opisina ni Senyorito. Dahan-dahan ko nang pinihit ang doorknob at tuluyang pumasok.
Halos mabitawan ko ang hawak-hawak kong tray nang tumambad sa harapan ko si Sir Benedict habang nagtitingin ng ilang magazine habang naka-upo sa couch. Wala akong ideya na siya pala ang bisita ni Senyorito kaya sobrang gulat ko na lang.
“Aren’t you going inside?” malamig nitong tanong sa akin.
“A-ah…o-opo…” Naglakad na ako palapit sa mesa at inilagay doon ang snacks nila.
Patuloy ko pa ring hinihintay si Sir Benedict kung mayroon siyang sasabihin tungkol sa nangyari. Ilang minuto na ang nakalipas at wala pa rin itong imik kaya unti-unting gumagaan ang pakiramdam ko.
Mukhang tama nga ang hinala ko, wala rin siyang naaalala na magkatabi kami kagabi at mayroong nangyari sa amin.