ZEPHER CLOTHING LINE AT ANG TWO PIECE

1130 Words
EPISODE 8: "Finally, you brought the food, Rose." Napalingon na ako nang bumukas ang pinto at tumambad sa amin si Senyorito na may hawak na ilang papel. Ngumiti na ako sa kanila at nagpaalam na rin palabas ng opisina. Dumiretso na kaagad ako sa kinaroroonan ni Cha na kasalukuyang naglilinis ng swimming pool. "Oh, bakit ka nandito, Rose? Wala na bang pinapagawa si Sir sa loob?" Umiling ako sa kaniya. "Hindi naman, Cha. Nagkita kasi kami ni Sir Benedict at—" "Oh my?! Seryoso?! Ano'ng sinabi sa'yo tungkol sa nangyari sa inyo?" pagputol nito sa akin. "Teka, siya ang bisita ni Senyorito ngayon na nasa loob?" "Oo e, nagulat nga rin ako. Ako kasi 'yung nagdala ng pagkain sa kanila galing kay Chef kaya hindi talaga rin ako nag-expect," tugon ko pa habang nakasimangot." Napansin kong ngumingiti sa akin si Cha habang inaalis ang mga dahon sa swimming pool. Bumuntong-hininga na lang ako sa kaniya. "Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa sitwasyon mo ngayon, Rose. Wala kasing kaalam-alam si Sir Benedict na siya ang nakakuha ng virginity mo." "Hala, inaasar mo na naman ako, tulungan na lang kita diyan sa ginagawa mo at ayoko na munang pumasok lalo na't nang-iinit pa ang dugo ko kay Marie," pahayag ko pa sabay kuha na ng isang mop. Ilang minuto lang naman kaming naglinis ni Cha sa swimming pool dahil patapos na siya kanina noong dumating ako. Pasado alas-dyes ng umaga nang makabalik kami sa loob at ang unang sumalubong kaagad sa amin ay si Senyorito Hadji ay Sir Benedict. "Rose, good thing you're here." Nagulat ako nang tawagin na ako ni Senyorito. "B-bakit po, Senyorito?" "Mr. Montesilva needs someone to help him for the samples in the company ang I want you to accompany him." "P-po..." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan. Ginagawa ko na nga ang lahat para maiwasan lang si Sir, pagkatapos ngayon ay parang inaasar pa talaga ako ng pagkakataon. "Are you going or not?" malamig pang tanong sa akin ni Sir Benedict. Seryosong-seryoso ang mukha nito kaya halos hindi ako makatingin nang deritso. "O-opo, o-opo, Sir." Dali-dali akong nagbihis ng simpleng plain t-shirt at pantalon at kaagad na rin umalis. Habang nasa sasakyan na kami ni Sir Benedict, iniiwasan ko talagang makipag-eye contact dahil kinakabahan ako kahit na alam kong hindi niya naaalala ang mga nangyari. “Have you been on Brandon’s birthday last time? Did you attend?” Bigla akong nagulat sa tanong nito. “U-uh…o-opo. Bakit po, Sir?” “N-nothing.” Tumahimik na ulit ang buong paligid namin at hindi na rin ako nagsalita pa hanggang sa makarating na kami sa tapat ng isang napakalaking building. Bumaba na rin kaagad kaming dalawa at nagulat na lang ako nang sinalubong siya ng ilang mga kalalakihan na nakasuot ng itim na attire. “Good morning, Sir!” sabay-sabay nilang bati. Tumango lang si Sir Benedict sa kanila at dumiretso sa paglalakad kaya naman ay sumunod na lang din ako. Nang makapasok kami ay una kong nakita ang logo ng kompaniya—Zepher Clothing Line. Nanlaki ang mga mata ko dahil sila pala ang may-ari ng isa sa pinakamahal na clothing line sa buong bansa. Habang papasok kaming dalawa sa elevator ay mayroong lumapit na magandang babae kay Sir Benedict. Above the knee ang skirt na halos makita na ang suot nitong panty at kitang-kita ang cleavage nito sa suot na white polo-shirt at black coat. “Sir, is there anything you need?” “I need the samples in my office in three minutes,” malamig na usal ni Sir Benedict sa babae. Sumulyap muna sa akin ang babae bago tumango. “Noted po, Sir.” Tumigil ang elevator sa 34th floor na halos inabot kami ng ilang minuto sa loob. Lumabas na si Sir Benedict at tumigil sa tapat ng isang double-door. Tiningnan niya lang ang door-knob at mabuti na lang dahil mabilis ko itong naintindihan kaya ako na ang bumukas ng pinto. Bumungad sa akin ang puro puti na gamit at furnitures sa loob na may ilang mga green highlights. Minimalist ang buong disenyo ng opisina ni Sir Benedict kaya namangha ako. Ito rin kasi ang gusto ko kaya medyo tumagal ang pagmamasid ko sa mga bagay-bagay na hindi ko napansin, naka-upo na pala si Sir Benedict sa kaniyang desk habang nakaharap sa akin. Napasulyap na ako sa kaniya sabay ngiti at umupo na rin sa upuan sa harapan nito. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa maya-maya ay pumasok na sa loob ang babaeng kinausap kanina ni Sir Benedict. May dala itong ilang mga itim na box na may logo ng Zepher. “Nandito na po lahat ng samples na pina-reserve n’yo, Sir.” Inilatag na nito ang mga boxes sa couch habang nakaharap kay Sir Benedict. Sinasadya nitong ipakita ang kaniyang cleavage pero wala namang pakealam sa kaniya si Sir. “Just put it there and leave us alone,” utos nito sa babae. Medyo nagulat ang babae sa sinabi ni Sir Benedict pero ngumiti na lang ito at tumango. “Noted on that, Sir.” Nang makalabas ang babae, napapatingin sa ako sa mga boxes. Curious kung ano ang mga laman nito. Damit ba? ‘Yung mga samples ba na hinihingi ni Senyorito? Tumayo na si Sir Benedict at humarap sa akin. “Wear those clothes inside the boxes and I’ll send the samples to Hadji.” “Ako po?” pagtatakang tanong ko pa. Tiningnan na niya ako mula ulo hanggang paa at napatigil ito sa dibdib. “Your body seems nice, only your breasts need enhancement.” Patagong napataas ang kilay ko sa sinabi nito pero hindi ko na lang pinansin. Naglakad na ako papunta sa mga box at isa-isa itong binuksan. Halos manlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko kung ano ang mga nasa loob. Iba’t-ibang design ng one piece at two piece. Sobrang ganda nito pero hindi naman ako nagsusuot gan’tong klaseng mga damit. “S-sir, mawalang galang na po pero seryoso po ba kayong ako ang magsusuot nito?” mahinang tanong ko pa sa kaniya. Tumango lang ito sa akin. “Yes. I’ll help you wear it if you’re having a hard time.” “A-ah, h-hindi na po, ako na lang po ang magsusuot kaya ko na po ‘to,” dali-dali kong sagot. Kapag tinititigan ako ni Sir Benedict ay hindi ko mapigilang maalala ang braso niyang nakadagan sa dibdib ko habang mahimbing itong natutulog. “Go inside that master’s bedroom and wear every piece in a minute. I don’t have ample time for your inconvenience,” utos pa nito sa akin at bumalik na sa kaniyang desk. “S-sige po, Sir.” Dinampot ko na ang mga box at pumasok sa loob ng kwartong sinasabi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD