EPISODE 9:
Ilang segundo ko nang pinagmamasdan ang sarili ko sa salamin habang nakasuot ng two piece na kulay berde. Parang neon green na ang kulay at hindi ko akalain na parang maayos din pala itong tingnan sa akin. Sadyang maputi kasi talaga ang balat ko dahil maputi si Papa, sa kaniya ko nakuha ang ganitong balat.
“Time’s ticking.”
Narinig ko ang pagsalita ni Sir Benedict kaya napalingon ako. Kaya pala naririnig ko siya dahil hindi ko nasara nang maayos ang pinto. Tiningnan ko sa huling pagkakataon ang sarili ko sa salamin at bumuntong-hininga sabay labas na ng kwarto nito.
Nakayuko akong naglakad palapit sa kaniya. Hiyang-hiya ako na pakiramdam ko ay nakikita niya ang buong kaluluwa ko lalo na at hindi naman ako sanay magsuot ng ganito.
“It looks…bad on you. Try the other designs,” saad nito.
Medyo nalungkot ako sa sinabi niya dahil gandang-ganda ako sa sarili ko habang nakatingin ako sa salamin kanina. Sinunod ko na lang ang sinabi ni Sir Benedict hanggang sa naisuot ko na ang huling two piece kung saan mayroong floral designs. Parang summer outfit ang theme nitong two piece at ito na yata ang pinakagusto ko sa lahat.
“Sir…” tawag ko sa kaniya. Hindi kasi siya nakatingin sa akin dahil abala ito sa kaniyang laptop.
Nang mapasulyap sa akin si Sir Benedict. Tinitigan lang ako nito nang mariin hanggang sa tumayo na siya at nilapitan ako. “I will send this one to Hadji for the enhancement needed,” aniya.
Nagbihis na rin ulit ako sa t-shirt ko at pantalon. Nang makalabas kami ng opisina niya, buong akala ko talaga ay papakawalan na niya ako at pauuwiin. Pero laking gulat ko na lang nang pinasakay niya ulit ako sa sasakyan nito at bumyahe na naman kaming dalawa sa hindi ko alam na lugar.
Hindi pa ako nakakaapak sa mismong siyudad ng lugar na ‘to kaya lahat ng mga nakikita ko ay hindi pamilyar sa akin. Noong nabubuhay pa kasi si Lola habang pinagsisilbihan niya ang mga Calixto, hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na gumala kasama siya.
“Since Hadji and I will be having a collaboration for the next few weeks, he told me that you’ll be the one to help my team organize before the event.”
Kaagad akong napasulyap kay Sir Benedict nang sinabi niya ito. Nabanggit ko nga sa kaniya ang hilig ko sa fashion design pero hindi naman talaga ako nagkaroon ng trainings o kahit ano maliban sa pagtuturo sa akin ni Lola.
Tumango na ako sa kaniya pero sa kaloob-looban ko ay natutuwa ako dahil hindi ko akalain na ipagkakatiwala sa akin ni Senyorito ang ganito kalaking trabaho lalo na at isa itong kolaborasyon sa dalawang kompaniya. Tumigil kami ni Sir Benedict sa tapat ng isang boutique na may pangalang Zepher. Nakatayo ito sa gitna ng mga naggagandahang mga buildings na parang view lang sa Paris. Sumalubong sa amin ang dalawang babae at dalawa ring lalaki.
“Hi, Sir!” bati ng babaeng singkit ang mata na puno ng mga burloloy ang katawan.
“These are my staffs for the collaboration. You’ll be working with them until Hadji finds a partner for your work,” pahayag nito sa akin. “Ask anything before I leave you.”
Napa-ayos naman na ako ng tayo at humarap na sa kaniya. “W-wala naman na po akong concern, Sir. Uh, mag-uumpisa na po ba ako ng trabaho ngayon?”
“Not yet. I’ll call you when you start your work and we’ll settle everything as well as the contract.”
“Okay po, Sir.”
Para akong bata na binigyan ng paborito niyang kendi dahil sa tuwa. Inalis ko na rin ang mga alaala ko sa nangyari sa aming dalawa ni Sir Benedict at makaka-distract lamang iyon sa magigigg ng trabaho ko. Mas importante naman itong opportunity keysa sa s*x naming dalawa. Oo tama. Mas importante itong trabaho.
Nang makabalik na ako sa mansiyon, pasado alas-singko na ito ng hapon dahil hinintay ko pa ang sample sa kompaniya. Unang sumalubong sa akin si Senyorito Hadji at si Cha na nakangiti sa akin.
“Ano, Rose, kumusta ang lakad mo?” nakangiting bungad sa akin ni Senyorito.
Dahil sa labis na tuwa ko ay napatakbo ako sa kaniya at napayakap nang mahigpit. “Maraming salamat po, Sir! Hindi ko po akalain na bibigyan n’yo ako ng malaking oportunidad para sa trabahong ‘to.”
“It’s fine. I know your capabilities since dinadala ni Manang Claudia ang mga gawa mo noong nandito pa siya at pinapakita sa akin.”
Kaagad akong kumawala sa pagkakayakap. “Talaga po? Ginawa niya ‘yon?” Gulat kong tanong. Sa pagkakatanda ko kasi, hindi masyadong nagustuhan ni Lola ang mga designs ko noon kaya rin siguro ibinaon ko na ang pangarap kong maging fashion designer simula noong namayapa na siya.
“What is the commotion all about?”
Napatigil kaming tatlo nang biglang bumungad sa amin si Madam Alessandra na kasama si Marie. Umatras na kaagad ako dahil baka ano pa ang isipin niya.
“Hijo, Hadji, what are you guys doing here?”
“Ah, I just congratulated Rose for her new work at Wise and Zepher,” tugon ni Senyorito.
Bahagyang nagulat ang mukha ni Madam at napasulyap na ito sa akin sabay taas ang kilay. “I thought you were kidding about hiring here for that collaboration. Are you sure that she’s capable of making it work? I’m telling you, Hijo, our dignity and reputation depends on that big event.”
“Yes, Mom. I believe that Rose will pull it off.” Tinapik na ako sa balikat ni Senyorito. “I believe in her.”
“Don’t bother asking me for help if that maid fails. I won’t ask your dad in financing the loss of the company if that collaboration won’t work,” usal pa nito at tuluyan nang pumasok pabalik sa loob.
Kaya ko ‘to…alam kong kakayanin ko…