IT WAS ALL A DREAM

1953 Words

EPISODE 47: “Baby Dominic, ngayong araw ang first day of work ng Mama mo. Hindi ka ba proud sa akin?” Kinakausap ko ang anak ko habang isinusuot ko ang identification card ng kompaniya nila Hadji. Nagsuot lang ako ng simpleng black na slacks at puting formal blouse sa pangtaas upang maging kaaya-aya naman akong tingnan. “Parang hindi lang ho kayo nanganak, Ma’am Rose,” pahayag pa ni Manang Minggay habang hawak-hawak si Dominic. Napasulyap naman na ako sa kaniya. “Bakit naman po, Manang?” “Napaka-sexy at ganda n’yo pa rin kasi po, e. Ang swerte n’yo po sa bandang ‘yan.” “Nako po, hindi naman,” nakangiting usal ko pa sa kaniya at lumapit na kay Baby Dominic at hinalikan na rin ito sa pisngi. “Dito ka lang muna, Baby, ha? Magtatrabaho lang si Mama para may pambili tayo ng mga gamit mo.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD