EPISODE 48: “Ingat ka ha?” Ngumiti na si Hadji sabay yakap pa sa akin. “I will, Rose. Do you want anything from Barcelona?” “Wala naman, basta mag-ingat ka lang,” tugon ko pa sa kaniya. “Alright, noted on that.” Kinuha na ni Hadji ang kaniyang maleta at nagpaalam. Nang makaalis na ito ng condo ay nag-ayos na rin naman kami ni Cha para pumasok sa sari-sarili naming mga errands. Ang aga pa kasing dumating kanina ni Hadji para magpaalam at simula noong kagabi na napanaginipan ko si Benedict ay hindi na ako nakatulog nang maayos. Pagkatapos naming kumain ng umagahan ni Cha ay kaagad na rin kaming umalis. Babawi na lang ako kay Baby Dominic at sa tulog ko mamaya pag-uwi galing trabaho. “Hurry up! The production department needs all of the final designs this aftetnoon!” Lahat kami sa

