EPISODE 32: Pasado alas-otso na ng gabi nang maka-uwi kaming dalawa ni Tita Luisiana galing sa mall. We ended up buying a lot of things pagkatapos naming magtingin ng mga damit-pambata. Binilhan niya rin rin ako ng mga bagong damit dahil simula noong tumira ako sa mansiyon ng mga Montesilva, lahat ng mga sinusuot ko ay galing sa brand ng damit nila. “We’re home!” usal ni Tita nang makapasok na kami sa loob. Unang sumalubong sa amin si Tito Franklin na may hawak-hawak na maleta. “Hon, I need to go to Singapore tonight,” anito. “Like tonight na, Honey? I thought you’re gonna have that invester at the hotel this Sunday?” usal pa ni Tita Luisiana. “I’m sorry, Hon. They will cancel this partnership if I wouldn’t make it there. We need this investor for the company. They are one of the bigg

