EPISODE 33: “Okay, let’s start the photoshoot!” Tumayo na rin ako at katatapos ko lang magpalit ng outfit ko. Since it’s a studio photoshoot, I’ll be wearing a lot of different outfits today. Ang una kong suot ngayon ay leather skirt at ruffled blouse. “Let’s have a normal pose muna, Rose, okay?” ani pa ni Joe sa akin. I nodded at him. “Okay, okay, noted.” Hindi naman naging mahirap sa akin ang photoshoot kahit na hindi ko ngayon kasama si Benedict. Medyo nasasanay na rin ako sa kung ano ang dapat kong gawin kaya wala nang masyadong problema. “Perfect, Rose. Another pose!” I did what I was told hanggang sa natapos na ang photoshoot namin pasado alas-dyes ng umaga. Inalis ko na muna ang make up ko at nagbihis ng komportableng damit dahil pupunta pa ako ngayon sa hospital para magpa

