EPISODE 34: “What are we gonna use as theme for the wedding? I think this is better.” Nakamasid lang ako kayla Tita Luisiana at sa designer’s team nito habang nagpipili sila sa mga theme at disenyo ng kasal namin ni Benedict. Sa ilan araw nilang pinag-iisipan ang mga iyon ay hindi ko talaga alam kung gusto ko bang ituloy o hindi. Unang-una pa lang kasi ay pagpapanggap lang din naman ang lahat ng ‘to kaya walang saysay ang magiging wedding kapag gumastos pa sila ng sobrang laking pera. Tumayo na ako at marahang lumapit kay Tita Luisiana. “Uh, Tita…” “Oh, Hija. What is it?” “A-ano po kasi, kailangan po ba talagang church wedding ang mangyayari sa kasal na ‘to? Hindi po ba puwedeng sa munisipyo na lang po dahil hindi naman makatotohanan—” Bigla akong tinapik ni Tita Luisiana sa braso sa

