EPISODE 35: Things weren't easy for me for the past few weeks of staying in Montesilva's mansion. Almost five months na rin akong buntis at hindi ko talaga inakalang ganito kahirap ang madadaanan ko. Sobrang hirap din sa akin lalo na at pati mental health ko ay naaapektuhan na rin. "Ma'am Rose? Gising na po kayo." Bahagya kong ininat ang katawan ko nang marinig ko ang pagtawag ni Manang Amy sa akin. Alas-syete na kasi ng umaga pero hindi pa rin ako bumabangon. Ilang araw na akong palaging mainitin ang ulo at ayaw ko namang maapektuhan ang relasyon ko sa mga magulang ni Benedict lalong-lalo na sa kaniya. Pagod na rin kasi akong maging pabigat kaya hindi na ako makapaghintay na manganak at matapos 'tong pagpapanggap na ito. "Susunod po ako, Manang," tugon ko pa at bumalik na sa pagkakahi

