EVELYN Handa na ako, handa na akong bumagsak sa lupa dahil bigla na lang kasing nadulas ang isa kong paa. Hindi ko talaga inaasahan at nawalan ako ng balanse. Pero ang hinihintay ko ay hindi man lang nangyari dahil may sumalo sa akin. “L–Love?” nauutal na sambit ko. Hindi siya nagsasalita at nakatingin lang siya sa akin. Napalunok ako dahil halatang galit na siya ngayon. Kahit na medyo madilim ay alam ko na galit siya. “Love, sorry.” sabi ko sa kanya. “Paano ka nakapunta dito?” seryoso na tanong niya sa akin. “Ginamit ko ang motor mo,” sagot ko sa kanya pero nagbuntong hininga lang siya. “Fvck!” mahina siyang nagmura. “Sorry,” pabulong na sabi ko. “Ipapakuha ko na lang bukas ang motor dito,” sabi niya sa akin. “Huwag na, ako na lang ang magdadrive.” “Bakit ba ang tigas ng ulo mo

