EVELYN Kailangan kong maging alerto dahil isang mali ko lang ay baka may makapansin sa akin at mahuli pa nila ako. Sinilip ko si Sanna at ang asawa ko. Nakita ko na busy pa rin silang dalawa sa pag-uusap. Ang ganda talaga ng ngiti ng bruha halatang kumikislap-kislap pa ang mga mata niya. Naglalakad ako papunta sa basement kung saan lumabas kanina ang babae. Hindi ko alam pero may humihila sa akin na doon dapat ako pumunta. Habang naglalakad ako ay may narinig akong yabag ng tao kaya nagtago ulit ako. Ang katulong pala kanina ang bumalik. Madilim ang daan at mukhang kabisado na niya ito. Wala rin kasi siyang dalang kahit na anong ilaw. Hindi naman siya nagtagal at bumalik rin. Sa tingin ko ay walang bawas ang pagkain na dinala niya kanina. Napalingon rin ako dahil narinig ko ang boses n

