EVELYN “Anong ginagawa niyo dito? Hindi ba kayo marunong kumatok o humingi man lang ng permiso na papasok kayo dito sa opisina ko?! Bawal kayo dito! Bawal na walang pahintulot ko,” galit na sigaw ni warden sa amin. “Sa tingin mo rin, tama ang ginagawa mo? Talagang ang babae pa na ‘yan ang napili mo. And you, Sanna wala ka na ba talagang respeto sa sarili mo kahit na kaunti lang?” tanong ng asawa ko sa kanila. “Simula noong paglaruan mo ako ay wala ng natira sa akin. Buhay ko ito kaya wala kang karapatan na mangialam. Makikipas*x ako sa kahit na kanino ko gusto!?” sagot ni Sanna na nasa kandungan pa rin ng warden. “Makikipags*x ka para makatakas ka dito. Sa tingin mo ba ay hindi ko alam ang plano mo. Hinahayaan mo na gamitin ka ng lalaking ito para lang makatakas ka dito. Dahil balak mo

