EVELYN “Ano ang kailangan mo?” tanong ko sa taong nagpapanggap lang. “Okay ka lang ba?” tanong niya sa akin na para bang nag-aalala siya. “Bakit ka nag-aalala sa akin? Magkaibigan ba tayo?” tanong ko sa kanya. “What are you talking about?” nagmamaang-maangan na tanong niya sa akin. “Stop acting like hindi mo alam ang sinasabi ko. This is your first and last warning, kung may binabalak ka sa akin ay ‘wag mo ng ituloy pa. Huwag mong sirain ang buhay mo.” sabi ko sa kanya. “Sounds like your concern about me,” nakangisi rin na sabi niya sa akin. “Bakit naman ako magiging concern sa ‘yo? Sino ka ba?” tanong ko sa kanya at tinarayan ko siya. “Talagang inamin niyo na ang relasyon ni Prof at buntis ka pa talaga. Ano kaya ang mangyayari kapag nawala ang batang ‘yan?” nakangisi na sambit ni

