EVELYN Second day ng pasok kaya maaga ulit akong gumising. Wala na sa tabi ko ang asawa ko kaya naman bumangon na ako. Laking pasasalamat ko dahil hindi ako nahihilo ngayong araw. Habang pababa ako sa hagdan ay naamoy ko na agad ang amoy ng masarap na pagkain na nagmumula sa kusina. Doon ako diretso at nakita ko ang asawa ko na abala ngayon sa pagluluto. Sa aming dalawa ay parang siya ang housewife dahil siya ang laging nagluluto dito sa bahay. Kahit noong nasa condo pa kami ay ganito rin. Bilib na talaga ako sa kanya dahil parang hindi siya napapagod. Pinagod na niya ako kagabi sa kama pero ngayon ay maaga siyang gumising dahil ihahatid daw niya ako sa University kahit sinabi ko na okay lang ako. Wala raw siyang tiwala sa kung sino. Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya

