EVELYN Ngayon ang araw na ihahatid kami ni William sa probinsya. Sa totoo lang ay hindi ako sang-ayon na manatili ako doon. Pero kailangan ko munang sundin ang papa ko at safe ko na i-uwi si Mama sa bahay nila. “Okay ka lang ba?” Tanong sa akin ni William. “Okay lang ako. Ikaw, okay ka lang ba? Puwede naman kaming mag-commute na dalawa ni mama. Hindi mo naman ito kailangan na gawin.” Sabi ko sa kanya dahil ayaw ko siyang mapagod. “Love, hayaan mo akong ihatid ko kayo.” malambing na sabi niya sa akin. “Hindi ka na ba galit sa akin?” tanong ko sa kanya. “Hindi naman ako galit sa ‘yo. Aaminin ko na nagtatampo ako pero hanggang doon lang ‘yon. Naiintindihan naman kita,” sabi niya sa akin. “I’m sorry,” sabi ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay niya. “I’m sorry rin kasi nagtampo ako. Al

