EVELYN Kanina pa ako nakatingin sa phone ko. Wala man lang signal dito sa puwesto ko. Ang sabi nila sa akin ay kailangan pa daw umakyat sa mataas na parte ng burol. Miss na miss ko na si William. Isang araw ko pa lang siyang hindi nakikita ay miss ko na siya agad. “Eve, pasensya ka na ha. Mahina talaga ang signal dito,” sabi niya sa akin. “Okay lang po, mama.” nakangiti na sagot ko sa kanya. “Alam ko na nakakabagot dito. Ibang-iba sa buhay mo sa Maynila kaysa dito,” sabi niya sa akin. “Maganda po dito, tahimik lang.” sabi ko naman sa kanya. “Kapag may kailangan ka ay ‘wag kang mahihiyang magsabi sa akin.” sabi niya sa akin at nakangiti siya. “Opo, mama. ‘Wag kang masyadong mag-alala sa akin dahil okay na okay lang ako. Ikaw kapag may kailangan ka ay magsabi ka lang sa akin,” saad ko

