EVELYN My love: Behave lang po ako, love. My love: Gusto ko pang basagin ang record ni kuya Adam. Dapat mas marami ang anak natin kaysa sa kanya. My love: trust me, ikaw lang lalandiin ko. My love: I love you so much, love. Sunod-sunod ang message na natanggap ko sa kanya. Natawa ako sa sinabi niyang babasagin niya ang record ni Kuya. Akala talaga niya madali lang manganak. Mukhang na takot naman siya sa akin. Pero okay lang naman na ganito para alam niya ang kahihinatnan niya kapag ako talaga ang niloko niya. Malaki ang tiwala ko sa kanya pero wala akong tiwala sa babaeng haliparot na ilusyunada na ‘yon. Me: May tiwala ako sa ‘yo pero pinapaalalahanan lang kita just in case na makalimutan mo. Reply ko sa kanya. Habang nakangiti ako. My love: Takot kaya ako sa ‘yo. Reply niya na

