EVELYN “Mayor, bakit po kayo narito?” Tanong ni lola sa kanya. “Sinilip ko lang itong lugar dito. Matagal na rin kasi akong hindi nakapunta dito. Gusto ko rin makita para malaman ko kung puwede ko na bang bitiwan at ibenta na lang ito sa inyo.” Sagot niya kay lola. “Hi, Eve.” nakangiti na bati niya sa akin. “Hi po, mayor.” sabi ko sa kanya dahil ayaw ko namang maging snob. “Magtatagal ba dito ang apo mo, nay?” tanong niya kay lola. “Hindi ko pa alam, mayor. Pero nag-aaral pa kasi siya Maynila at–” “Sana magtagal pa siya hanggang sa fiesta. Malapit na po ang fiesta sa bayan. Punta po kayo sa bahay,” nakangiti na naman ito. Nag-excuse naman ako sa kanila at pumasok na ako sa loob ng bahay. Tumulong ako sa mga kapatid ni mama na mag-ayos ng mga gamit na ililipat doon sa bahay na tinu

