EVELYN “Love, promise ka muna na makikinig ka sa akin. Promise ka muna na hindi ka magagalit,” sabi ko sa kanya. “So, siya nga?” nakakunot ang noo na tanong niya sa akin kaya napalunok ako ng ilang beses dahil kinakabahan ako sa pagiging seryoso niya. “Oo, pero may dahilan naman ako eh. Ang totoo kasi niyan ay kasama ko si Lenny kanina. Naglalakad kami tapos inalok niya kami na sumabay sa kanya. Tumanggi ako kaya lang mapilit siya kaya hinayaan na lang namin siya ni Lenny. Hindi ko sinagot ang tawag mo kasi ayaw ko na magselos ka.” sabi ko sa kanya. “Kaya mas pinili mo na hindi sagutin ang tawag ko at nagsinungaling ka sa akin?” nakakunot pa rin ang noo niya. “Sorry, sasabihin ko naman sa ‘yo eh. Mas nag-aalala lang ako dahil kilala na kita. Alam ko na nagseselos ka kapag nalaman mo n

