EVELYN Nakatingin ako kay William habang nagbibihis siya. Ang hot niya talaga at ang gwapo niya sobra. Ako naman ay sinuot ang t-shirt niya. Hinayaan ko na lang siya na lumabas at naiwan ako dito sa loob ng silid ko. Inayos ko na lang ang sarili ko dahil balak ko na sanang magpahinga. Siya na kasi ang sumilip kung sino ba ang tao sa labas ng bahay. Napansin ko na ilang minuto na sa labas si William pero hindi pa rin siya bumabalik kaya naman naglakad na rin ako palabas para puntahan siya. Nagtataka na kasi ako dahil ang tagal niya. “Love, sino ang—” Hindi ko na nagawa na tapusin ang sasabihin ko dahil si Mayor ang bumungad sa akin. Tumingin ako kay William na seryoso lang ang mukha ngayon. “Hi, Eve.” Nakangiti na bati niya sa akin. Nagulat ako dahil bigla na lang hinapit ni William

