EVELYN (PRESENT TIME) Nagising ako dahil sa may naririnig ako na nagtatawanan at nang imulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin si Papa Oliver, Mama Carmela at lolo. Masaya silang nag-uusap at masasabi ko na magkaibigan nga talaga a g dalawa. “Sorry, anak. Nagising ka yata sa ingay namin,” sabi sa akin ni mama. “Hindi po, mama.” nakangiti na sagot ko sa kanya at hindi ko man lang naisip ang lumabas sa bibig ko. Nakatingin sa akin si lolo kaya naman napalunok ako ng wala sa oras. Kinakabahan ako sa iniisip niya. Kanina habang nag-uusap kami ay alam ko na may laman ang sinasabi niya. Ngayon pa kaya na tinawag kong mama si Mama Carmela. “Alam ko na hindi ito tamang lugar para malaman mo ang tungkol dito at humihingi ako ng pasensya.” sabi ni Papa Oliver dahil kaagad niyang nakuha an

