EVELYN (CONTINUATION OF FLASHBACK) Bigla akong kinabahan. Paano nga kung buntis na ako? Inubos ko ang kinakain ko at nagpaalam na ako kay ate Glad na aakyat na ako. Pagpasok ko sa room namin ng asawa ko ay kaagad kong hinanap ang phone ko. Kaagad akong nagsearch ng mga dapat kong malaman tungkol sa kung paano malalaman na buntis na ang isang babae. Binasa ko ang mga lumabas na result. Tiningnan ko rin ang tracker ko at nalaman ko na isang linggo na pala akong delayed. Kaya naman mas lalo na akong kinakabahan. Biglang bumukas ang pinto at nakangiti na pumasok ang asawa ko. Mabilis ko naman i-off ang phone ko. “Gising ka pa, love?” nakangiti na tanong niya sa akin. “Hindi kasi ako makatulog,” nakangiti na sagot ko sa asawa ko. Akmang hahalikan niya ako pero mabilis akong tumakbo sa ba

