Lumabas na ako ng hospital pupunta ako sa binilhan ko kagabi ng pagkain baka bokas na sila. "Magtatanong na rin ako kung san may 24hrs na butika" sa isip ko. Ng nakarating na ako sa karinderya mabuti na lang at bukas na ito kaso iba na ang naka nagbabantay.
"Miss pabili nito ito at saka ito," sabay turo ko sa mga ito. "Tag isang order tatlong kanin narin," kinapalan ko na ang mokha ko na magtanong sa babae. "Miss pwede ba mag tanong may alam ka ba dito na 24hrs na botika?"
"Meron ate doon sa unahan kaontii," sabay turo niya dito kung saan ito banda.
"Sige salamat pabili narin nang coffee dalawa,"
Ilang sandali lang ay natapos narin i handa ang order ko.
"Ate ito na po ang order mo," sabay abot ng paper bag.
"Sige miss salamat," sabi ko naman at kinoha ang paper bag at inabot ko ang pera sa kanya.
"Walang ano man ate at balik ka uli," pahabol nitong sabi.
"Sige!" tanging sagot ko nalang.
Bumalik muna ako sa hospital bago ako bibili ng gamot dahil medjo malayo-layo ang lalakarin ko. "Sana andito ang bike para hindi nako mag lalakad pero okay narin to mag lakad-lakad malaking tulong din iton sa training ko," sa isip-isip ko.
Habang naglalakad ako hindi ko mapigilan mag isip ng kung ano-ano hangang bigla sumagi sa isip ko iyung lalaki sa kweba. "Sana okay lang siya. Hindi ko mapapasyalan siya sa ngayon dahil na hospital din si mama. Kung may pagkakataon na lang ako maka uwe saka ko siya pasyalan," bulong ko sa sarili.
Ilang minuto ang nakalipas nakarating na ako sa ospital ng di ko namalayan dahil sa kakaisip sa lalaking may sugat. Pumasok na ako sa hospital at may nakasalubong akong lalaki na nakabalot ng jacket naka sombrero din ito pakiramdam ko iba ang kanyang kinikilos. Hinayaan ko nalang din ito baka maling pakiramdam ko lang iyon. Sa likuran kasi ako dumaan dahil walang gaanong taong dumadaan dito. Patuloy lang ako sa paglalakad dahil sa pagkakataong iyon alam kung naka labas na ang lalaki sa ospital. Mas kampanti akong sa likod dumaan kasi mas malapit iyon sa kwarto ni mama.
Nakarating nako sa kwarto ni mama. "Huh! Kinabahan ako ng kunti ah." Pa bulong kung sabi sa aking sarili.
"Pa kumusta may ng punta nabang doctor dito?" Tanong ko kai Papa.
"Wala pa naman anak!" Ganting sabi niya.
" Buti naman, dipa kasi ako naka bili ng gamot pa, wala pang bukas meron man medjo malayo kaya bumalik nalang ako dito. Iiwan ko na itong pag kain at kumain na muna kayo papa at aalis ako ulit." Paliwanag ko.
" Sige anak! mamaya pag na gutom na ako."
"May tinapay at kape dito papa mag almusal kana rin muna.'
"Salamat Flair anak, mamaya sabay na kami ni Shee kakain."
" Sige papa alis nako, basta Papa wag kayo lumabas dito sa hospital ah! kailangan natin totokan si Mama si Shee wag nyo narin palabasin maliban nalang pag tatawag ng emergency. Ako na ang bahala sa mga lakarin sa labas kung may bigay man silang bagong resita antayin nyo ako na dumating. Ako na ang bibili ng mga ito, sige na Papa alis na ako maiwan ko na muna kayo dito."
"Okay anak mag ingat ka, balik ka agad ha."
"Oo Papa wag nyo na akong alalahanin pa."
Lumabas nako ng kwarto ni mama sa likod ako uli dumaan kasi mas malapit sa labasan may mga doctor at nurse ang dumadaan rin. hinde kuna nakita ang lalaki kaya mas panatag ang loob ko na umalis na nilalakad ko papunta doon sa sinabe ng dalaga kanina at hinde ako nabigo dahil bukas nga sila ang malaking butikang ito.
Pumasok nako at inabot kuna ang resita. Ilang minuto lang inabot na sakin ng sales lady ang mga gamot na nasa resita.
"Three thousand two hundred pesos po lahat miss" sabi ng sales lady
"Sige po miss ito po bayad." Sabay abot ko ng pera.
Umalis narin ako pagkatapus ko makuha ang sukli. Muli kung nilakad papuntang hospital kahit marami ang ng alok saken ng libreng sakay, tinanggihah ko sila dahil ayaw ko malaman nila kung saan ako pupunta baka may masamang mangyare pa, sa aking lag lalakad muli ko nasalobong ang lalaki na nakita ko sa hospital noong naka raang araw. Balot na balot din ito peru malayo naman ito sa hospital kaya walang mag hihina sa taong ito. Nataranta ako bigla nag makita ko siya wala akong ibang magawa kaya ng lakad parin ako at kunware diko sya na pansin, na lagpasan ko siya kaya nawala ang pagkataranta ko. "Samalat hindi niya ako napansin." Bulong ko sa hangin. Kaya binilisan ko ang paglalakad at ng mamadaling mag lakad para mabilis ako maka rating sa pupuntahan ko. Ilang minutong pag lalakad ay nakarating rin ako sa hospital, sa likod parin ako dumaan para hindi ako ma expose sa mga tao.
Pag bukas ko ng pinto andon na si Dok at ang nars.
"Andito na pala si ate ko Dok." Saad ni Shee.
"Hello Dok, kumusta po ang Mama ko?" Tanong ko rito habang papalapit saka nila.
"Okay naman siya iha, peru dipa namin masasabe kung kailan siya didilat actually gising naman siya naririnig niya tayo! peru yung mata niya dipa maka dilat kasi sa utak sya na opirahan at may kaidaran narin kaya mahina na mag pounction yung mga ugat niya peru wag kayo mag alala dahil okay-okay naman sya," paliwanag ng Doktora.
"Salamat ho ng marami Dok kung mabuti naman na pala ang lagay ni mama."
"Ang mga gamot niya Nars Lyn wag mo kalimutan," sabi ng Doktor.
Kinuha ko ito sa lamesa at inabit sa Nars. " Ito po Nars ang gamot ni mama."
Kinuha naman ng Nars ang gamot na inabot ko. "Sige ho ma'am para malagay kona po ito sa pasyinte,"
"O siya Miss and Mr. Hindi na ako mag tatagal aalis napo ako si Nars Lyn nalang ang bahala sa pasyinte ninyo," pagpapaalam ng Doktor.
"Sige po Dok, salamat po!" Ganting sabi naman ni Papa.
Umalis na si Dok, si Nars Lyn nalang ang na iwan dahil nag lagay pa ito kay mama ng mga gamot.
"Papa pahinga muna ako napagod ako kanina eh," sabi ko.
"Sige anak, pahinga ka muna jan ako muna bahala sa mama mo andito naman kapated mo," sabi ni papa.
"Ate Flair hindi nalang kaya muna ako papasok mang hihinge nalang ako ng copya sa kaklase ko para maka pag review rin ako at di ako mahuli sa lesson namin," saad ni Shee.
"Pwede naman, punta ka sa school parin para ipa alam mo sa guro at principal ninyo ang sitwasyon mo natin." Ganting sabi ko.
"Anak, samahan mo nalang siya sa school at umowi kana rin sa bahay para maka pag bihis at mag dala narin kayo ng damit at ibang gamit na kailangan natin dito," sabi naman ni papa.
"Sige ho papa, mamaya pag naka pag pahinga ako ng kaunti. Shee gising muako mga bandang alas tres ng pahon," sabi ko.
"Okay! Ate Flair," saad naman ni Shee.
"Chaka walang lalabas ng hospital Papa at Shee, antayin niyo ako magising hehe! Ako na ang bahalang bibili sa labas mamaya, okay?" Sabi ko saka nila.
"Bakit naman Ate Flair? wala naman mangyayare ata pag mag isa lang ako sa labas," sabi ni Shee.