"Wag ka mag alala diyan Shee ako na bahala sa iba," at niyakap ko siya.
"Ate! salamat sayo," Niyakap niya rin ako.
"Ako nga dapat magpasalamat sa inyo eh, Hayaan mo hindi ako papayag na mawala si mama ka ya mag hahanap ako ng trabaho. Kaya wag kana mag alala diyan puntahan nalang natin si papa baka nag alala na iyon sa atin,"
"Sige! Tara na ate," hawak kamay kaming naglakad.
Pumunta na kami kay papa at agad ko ni yakap si papa nang makita ko ito.
"Papa sana okay lang si mama," sabay hagulgol ko nang iyak.
"Tahan na anak magiging okay din ang iyong mama ipag pray nalang natin siya," sabay hinimas-himas ni papa ang likod ko.
Tomango lang ako sa pagsang ayon sa sinabi ni papa.
Ilang minuto kaming nag aantay at naisipan ko na baka si papa ay nagugutom na dahil gabi narin hindi na namin napansin ang oras.
"Papa ito pala ang resibo ng bill ni mama at alis muna ako bili lang ako ng makakain natin. Shee dito kana lang ako nalang ang lalabas para may kasama si papa,"
"Pero ate!"
"Shee mas maging kampante ako na safe kayo kung mag kasama kayo dito para kay mama. Ako na ang lalabas, dahil gabe na baka mapano ka sa labas wag nyo na ako alalahanin,"
"Sige ate Flair," sabay abot ng pera ni Shee saakin.
"Wag na Shee may pera naman ako dito sapat na pambili ng makakain natin itabe mo nalang iyan para sa ibang kailangan ni mama,"
"Uhm!" Sabay tango ni Shee sa pag sang ayon sa sinabi ko.
Habang naglalakad ako sa kalsada iniisip ko. "Kung saan kami kukuha ng pera iyung ipon nila mama at papa ay na gastos narin paano na lang kaya kami nito? baka mapahinto pa si Shee sa pag-aaral niya," Natigilan ako sa pag iisip ng nakakita ako ng karinderya at bumili ako para makabalik agad.
"Ate! pabili nito ito saka ito narin tapus bali 3 order nang kanin,"
"Sige iha sandali lang!"
"Sige ho ate! aantayin ko,"
Ilang sandali lang ang inaantay ko.
"Iha ito na po ang order mo bali Two handred fifty pesos lahat,"
"Sige ate, ito po ang bayad." sabay abot ko nang pera
Pag ka kuha ko ng sukli ay agad na ako umalis pabalik sa ospital. Ilang sandali ng paglalakad lang ay nakarating na ako agad sa ospital.
"Papa kumusta, naipasok naba si mama sa operating room?"
"Oo anak kakapasok lang antayin nalang natin ang result,"
"Sige papa! pero kumain muna tayo para may lakas tayo mamaya,"
"Sige mga anak,"
Inasikaso ko na ang aming mapagkakainan dahil wala pa kaming sariling kwarto ay sa gilid ng daanan kami banda sa may mga upuan kami naka pwesto para makakain. Nakakahiya man iyon pero wala kami magawa dahil alam kong ayaw ni papa na iwan ang operating room hanggang hindi na kalalabas si mama. Ilang sandali lang ay tapos na rin kami kumain nag aantay na lang kami na matapos ang operasyon ni mama. Ilang oras ang lumipas may lumabas na rin na doktor.
Sinalubong namin agad ang doctor. "Dok, kumusta po si mama?" sabay naming tanong ni Shee.
"Wag kayo mag alala successful ang operasyon niya maya-maya lang ililipat na namin cia sa private room. Dahil presko pa ang mga sugat niya kaya kailangan siya lang mag isa sa kwarto. Wag kayo mag alala ilalagay namin siya sa pinaka murang private room Class-E,"
"Sige ho dok, salamat po ng marami," saad ko.
Masaya kami nila papa at Shee, dahil sa wakas nadadagdagan pa ang buhay ni mama. Pera na lang ang poproblemahin namin, "Okay lang iyon andiyan lang naman ang pera. Pero ang buhay ni mama ay isa lang," bolong ko sa sarili ko.
Bigla ako nagising sa pag iisip nang may lumabas na nars.
"Maam paki abangan nalang po sa kabila kasi ililipat na namin ang pasyente sa C-E room,"
"Sige ho Nars," at agad na kaming komilos.
Ako na ang nagrerepresenta kaya umalis na sila papa at Shee sa operating room mag aantay nalang muna sila sa waiting area.
"Papa, Shee mag kita nalang tayo mamaya sa kwarto okay,"
Tomango lang sila papa at Shee.
Pumunta na ako sa tinoro ng nars kung saan ako mag aabang. Mga ilang minuto lang lumabas na sila na kasama si mama. Sumunod na ako kung saan sila pupunta mayamaya lang pumasok na kami sa isang di kala kihang kwarto peru okay naman dahil may sariling banyo, at dining with tv kaya magiging comfortable naman kami.
Nag si datingan ang ibang mga staff nars, at kinabitan na nila si mama ng bagong dextrose at suwero nang matapos na nilang gawin iyan ay nag paalam na sila.
"Sige ho maam alis na po kami susunod mamaya dito sa Dok,"
"Sige ho! salamat po sa inyo,"
Tenext kona si Shee kung saan kaming room banda. Mayamaya ay dumating na sila. Ilang minuto lang din ang lumipas dumating na si Dok.
"E check ko lang si ma'am at mamaya pupunta ang nars dito para sa mga gamot niya,"
"Sige ho dok,"
"Okay naman si ma'am normal sa kanya ang lahat gising din ito yun nga lang she's still unconscious because of her fresh operation and also her age," sabi ng doktora.
"Sige! po dok salamat,"
Pagkatapos ma check si mama ay ng bigay din si dok ng mga payo na bawal at hindi para kay mama. Pagkatapos niya masabi ang mga bilin para kay mama ay umalis narin agad si dok. Ilang minuto ang lumipas dumating ang nars.
"Maam ito napo iyong mga gamot ni nanay na pwede bilhin wala kasi kaming stock ngayon na ganyan pero ang iba meron naman," sabi nang nars.
"Sige ho nars salamat po," saad ko.
At umalis na ang nars pagka bigay nang mga resita.
"Anak ito pera pambili pero bukas muna bilhin iyan delekado na sa labas ngayon,"
Kinoha ko ang binigay ni papa dahil wala narin akong pera.
"Sige papa agahan ko na lang bukas po,"
"Shee! matulog kana mag halfday kana lang bukas anong oras na oh, ako nalang bahala kay mama muna. Papa ikaw din mag pahinga kana diyan alam kung pagod na pagod kana. Doon na kayo sa sofa ako nalang sa tabi ni mama,"
"Sige! anak salamat,"
Malapit na ako kay mama at kinakausap ko siya. "Mama pagaling ka po wag ka mag isip sa gastosin ako napo ang bahala ang isipin mo nalang ang gumaling ka agad mama," sabi ko ng pa bolong.
Hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako habang hawak-hawak ko ang kamay ni mama.
Ginising ako ni papa. "Anak ako na muna jan kay mama mo matulog ka muna doon sa sofa,"
Dahan-dahan kung minulat ang aking mata ng marinig ko ang boses ni papa, "Pa anong oras na pala?" tanong ko ng nahimasmasan na ako.
"Alasingko imedya na ng umaga anak,"
"Pa! labas na muna ako bili lang ako pang almusal natin,"
"Hindi ka na ba matutulog ulit?"
"Hindi na papa, umaga narin ilang sigondo lang lalabas narin ang araw mainit na sa labas kaya ngayon na ako lalabas, habang hindi pa mainit,"
"Oh siya anak ingat ka at isabay muna rin ang sa gamot ni mama mo,"
"Sige papa! alis na po ako," naka ngiting saad ko rito kahit may pag-aalangan sa saking isipan.