"Salamat," sabi ko at sabay tango ang ipinakita ko sa kanya bilang pasasalamat at pagsang ayon sa lahat ng nangyari sa araw na iyon.
Habang papunta ako sa sapa para kumuha ng maiinom. Pero bago iyon ay dumaan muna ako sa kweba na secretong lugar ko iyon. Sinadya ko iyon gawin para pahingahan ko may takip din iyon para hindi halata na may kweba. Bigla akong nagulat dahil may nakita akong tao, bago makapasok sa kweba. Bigla ako tumakbo palapit sa kanya at tinanong ko siya kung okay lang ba siya dahil sugatan ito. Namumutla siya dahil sa dami na seguro ng dugong nawala sa kanya. Pero tinakpan niya ang sugat niya kaya hindi gaano karami ang dugong nawala sa kanya. Base sa mga nakikita ko sa dugo niya mga itim na ito na ibig sabihin ilang araw na ang sugat niya. Kaya dali-dali ko siya inalalayan at pinasok sa kweba dahil nakatulog ito at ramdam kung humihinga ito. Kaya inayos at nilinis ko ang sugat niya pina higa ko ng maayos para maging komportable ang kanyang katawan. Komplito naman ako sa gamit sa loob ng kweba dahil inayos ko iyon na parang bahay. May higaan at pagkain may inomin din galing sa batis.
Mga ilang oras ang nakalipas ay nagising ang taong tinulungan ko. Nang midyo okay na siya ay nagsalita ako.
"Mabuti at gising kana Mr.,"
"Iha nasaan ako?"
"Ah, Mr. nasa safe na lugar ka kaya wag kang mag alala,"
"Eh bakit parang kweba ito iha?"
"Ay oo Mr. nakita kita jan sa labas walang malay kinakausap pa kita sa akala ko na gising ka. Dahil dika nagsasalita at marumi karin dahil sa mga dugo at isa pa namomotla ka kaya agad kita pinasok dito,"
Aakma siyang babangon pero di siya maka kilos dahil sa natamong sugat sa gilid ng tiyan at braso niya.
"Mr. pahinga ka muna at magpagaling kumain ka na rin nilotoan na kita. Maya-maya rin ay uuwi na ako dahil mag gagabi na hahanapin na ako nila mama at papa pag gabi na ako masyado maka uw. Siya nga pala habang ng papagaling ka dito ka mona dadalawin nalang kita pag may time akong makapunta dito,"
"Iha, maraming salamat sa iyo sa na darating ang panahon kung mabubuhay man ako ay mabayaran kita ng utang na loob,"
"Walang ano man iyon Mr. wag ka po mag isip ng kung ano-ano diyan ang mahalaga mag pagaling ka dahil segurado ako marami ang nag hahanap sayo ngayon,"
"Uhm, Sige iha salamat uli sa kabutihan mo,"
"Uhm," sabay tango lang ako at umalis narin.
Nag masid-masi mona ako sa paligid kong may tao ba o wala bago ako lumabas ng tuluyan. Pumonta parin ako sa batis igiban ng tubig para mag igib ng tubig dahil iyon naman sana ang gagawin ko kong hindi ko nakita ang Mr. na iyon at mabuti narin ito para kung may tao man na maka kita sakin hindi mag hinala sa akin.
Nakarating na ako sa bahay pero ang tahimik ang paligid walang tao. Kahit sila Shee, papa, at mama wala ang mga ito habang hinahanap ko sila ay may nakita akong maliit na papel sa lamesa na may sulat at agad ko ito kinuha at binasa.
"Anak Flair pupunta kami sa ospital dahil si mama Eva mo ay sinugod dahil bigla siya hinimatay hindi ko alam ano ang gagawin kaya isinogod ko na lang siya agad sa hospital kong mabasa mo ito mag punta ka agad."
Dahil natataranta din ako sa nangyari kaya nag panic ako. Agad ako nagbihis at umalis ng bahay nag madali ako at may bike naman kami kaya iyon ang ginamit ko dahil wala ako sa matinong pag iisip ang gusto kalang ay maka rating na agad. Tumutulo ang luha ko dahil sa kakaisip kong ano na nangyari kay mama Eva.
"Kong okay lang ba siya? O di kaya baka wala na siya? pag naiisip kung wala na siya ay bigla totolo ang luha ko."
Iniwan ko ang bike sa kanto ng papasok sa aming bukid safety naman iwanan doon dahil may luck at kahit sino pwede mag iwan ng bike doon pang public use kasi iyon. Pomara na ako ng trike habang nasa trike ako umiiyak at balisa parin ako. Ilang minuto nakarating rin ako sa public hospital nag punta agad ako sa information desk para mag tanong. Naka lag-lag braso ko ng sinabi ng nars na wala daw naka confine na Eva Namer kaya mas lalo akong hindi mapakali kong saan na sila. Mabuti nalang at biglang ng bigay ng konting detalye ang nars.
"Ah miss baka pwede mo hanapin diyan sa pangatlong kanto may mga pasyenti diyan na hindi pa naasikaso dahil sa walang pera pa, kaya di pa sila na lilipat sa ward room kaya naka stambay muna sila doon,"
"Sige ho nars, salamat po talaga,"
Na bigyan ako ng pag-asa na baka nandoon sila mama kaya agad ako umalis at hinanap ko sila. Ang daming nakahilirang mga pasyenteng nakatambay dahil walang pambayad sa operasyon. Hindi ko parin mahanap sila mama na libot kona ang solok sa lugar na iyon sa pag ikot doon hindi ko pa rin sila makita. Lumabas ako ng hospital na umiiyak sasakay na sana ako ng trike para maghanap sa ibang hospital nang biglang may tumawag sa akin nilingon ko ito sa si Shee iyong tumatawag sa akin.
"Ate Flair! Ate Flair! saan ka pupunta?" Tawag ni Shee sa akin.
"Shee ikaw pala ayan buti nakita mo ako?" At niyakap ko ito habang umiiyak ako.
"Ate, bakit ka sasakay ng trike san punta mo?"
"Ah, hindi ko kasi mahanap sila mama at papa sa loob ng tanong na ako sa information desk wala daw pangalan ni mama kaya poponta sana ako sa ibang hospital para hanapin kayo,"
"Ate! waiting na kami para sa operasyon ni mama iyong pang down nalang ang kulang para ma operahan na si mama,"
"Eh! saan kayo kumuha ng pang down?" At nang makita ko na na inip si mamang driver ay binalingan ko muna siya at kina usap. "Sorry mamang driver, salamat ho! pasensya na sa istorbo pero andito na kasi ang kapatid ko hindi na ako sasakay salamat sa pag aantay" at inabutan ko ito nang isang daan para bayad sa pag antay niya saakin.
Tinanggap niya ito. "Salamat iha! malaking tulong na ito,"
"Walang ano man mamang driver," ngumiti ako sa kanya habang nagsasalita.
Ngumiti rin siya sa akin at umalis na.
"Ate, pina kuha sa akin ni papa ang ipon niya para lang ma operahan si mama dahil may tumor sa utak si mama at lumala na ito kaya inataki siya kanina at hinimatay sabe naman ng doktor okay lang si mama at mabuti nalang daw hindi na bagok ang ulo ni mama ng matumba siya,"
Muli kong niyakap si Shee at umiyak ako. "Boti nalang Shee at okay lang si mama akala ko napano na si mama,"
"Oo ate pero e pray nalang natin ang successful operation ni mama,"
"Oo Shee tara puntahan na natin si papa."
Pumasok na kami ni Shee sa ospital pumunta muna kami sa casher para mag bayad. Fourthy thausand pesos ang nabayaran namin dahil naka discount kami ng Ten thausand pesos dahil sa Senior Card Discount ni mama.
"Ate, ang laki nang magagastos natin saan na tayo nito kokoha nang pera para sa ibang kailangan ni mama?"